Chapter 23: Rain Cortez

106 4 1
                                    

Amethyst's POV

"Then I don't want to end this."

Napanaginipan ko pa tuloy si Cortez.

Nasisilaw ako sa sinag ng araw. Binuksan yata ni Cortez yung kurtina. Mabuti na lang walang pasok pero nasan na siya?

Pumunta akong banyo. Isa lang yung toothbrush ni Cortez.

"Hindi niya man lang naisip paano kung may bisita siya?" Sabi ko sa sarili ko.

Paglabas ko, kararating lang din niya. May dala siyang plastik.

"May binili akong toothbrush tsaka ilang gamit mo." Sabi niya sabay baba nung plastik.

Kinalkal ko yung plastik at hinanap yung toothbrush. Mamaya ko na titignan yung ilang niyang pinamili.

Matapos ko magtootbrush, kinalkal ko na muli yung mga pinamili niya.

May isang pares ng damit, isang pares ng tsinelas, may mga sabon , shampoo at conditioner din. Aba may lotion, powder at pabango pa.

Sa pagkakalkal ko, nakita ko ang mga undies na binili niya. Ano kayang nangyari sa kaniya habang nanimili?

Sa pagkakalkal ko, nakita ko yung bra. Syemay kasukat ko ba to. Nilabas ko para tignan.

Cup B?
Teka! Sinukat niya ba?
Napayakap ako sa sarili ko. Napatingin ako sa kaniya, at nakatingin rin siya sa akin habang nakataas pa yung kilay.

Napalunok ako.

"TSS." Lumapit siya sa akin.

"P-paano- Sinukat mo ba to? Ha! Nung sigurong natutulog ako-- Ugh! Manyak ka talaga!" Tinignan niya pa yung dibdib ko na yakap ko ngayon.

"Bakit tama ba?" Ilalapit niya sana yung kamay niya papalapit sa ano ko pero kinagat ko siya.

"Aray! Kukunin ko yung bra!" Sigaw niya sabay himas sa kamay niyang kinagat ko. Hawak ko pa rin yung bra. Paalis na sana siya nang tanungin ko muli.

"P-paano mo ako sinukatan?" Eh sa nababagabag ako e.

"Tsk. Sa dami ba naman ng nahawakan ko na." Nagpantig ang tenga ko at hinampas siya ng hawak kong bra.

"Manyak ka talaga!" Iniharang niya naman yung kamay niya.

"Bakit sinabi ko bang hinawakan ko yung iyo? Just by looks of it alam ko na eh. Tsaka ang liit-liit. Asa ka naman na mamanyakin ko pa yan. Tsk Cup B!" Sagot niya sabay tinalikuran ako.

"Anong Cup B? World cup 'to nu!" Sigaw ko tapos napatingin ako sa dibdib ko.

Tsk nainsecure tuloy ako!
Pero putek pa rin, tinitigan niya? Manyak!

Naligo na ako. Isinabit ko sa balikat ko yung towel habang pinapatuyo ko yung buhok ko. Paglabas ko nandoon siya sa sofa nanonood ng TV.

May pacornick pa siya kaya lumapit ako at umupo sa tabi niya. Kukuha na sana ako nang paluin niya yung kamay ko at nilayo pa yung cornick mula sa akin.

"Ang damot mo." Banas kong sabi pero hindi man lang siya natinag. Kumain muli.

Nag-abang ako ng tiyempo at maya-maya unti unti kong nilapit yung kamay ko para makakuha muli ng cornick.

Pero bigla niya na namang nilayo at muntik pa akong masubsob dahil doon. Tinago niya pa sa likod niya.

Aba talagang--

"Kiss mo muna ako." Seryoso niyang sabi. Seryoso talaga siya? Ganun ba ako kagood kisser para hanap-hanapin niya?

"Tsk ayoko nga!" Ayoko talaga nu kahit pa lasang cornick labi niya. Kahit pa GOOD KISSER siya. Ayoko pa rin.

"Ode wag." Tumutok na naman siya sa pinapanood niya.

Sana palang nagdala muna ako ng pera. Wala ako ng choice kesa naman umuwi ako da bahay. Tampo pa ako sa kanila.

Sinipat sipat ko siya pero talagang tutok lang siya sa pinapanood niya

Pero may choice pa rin naman ako, ang halikan siya.

Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at hinila yung plastik ng cornick sa kaniya. Nagtagumpay naman ako pero siya ayun natuod na yata. Kinain ko na yung cornick aba kiss lang naman wala siyang sinabi kung sa kung saan.

Maya-maya bigla siyang lumapit sa akin. Iniwas ko sa kaniya yung cornick.

Ngumiti siya. Evil smile.

Ano kayang nasa isip nito?

Tinago ko pa rin yung cornick.

Chuu~

Hinalikan niya ako sa pisngi.

Tapos inabot mula sa likod ko yung cornick. Nagmukha tuloy niyayakap niya ako.

May papiyesta na naman tuloy si mayor sa kaloob looban ko. Ang ingay ng mga drums e.

Nagaabnormal yata puso ko.

Pero dahil hindi niya makuha dahil sobrang higpit ng hawak ko. Dahil din hindi ako makagalaw.

Napatigil siya sa pagkuha at yung mga mata niya nakatitig lang sa mukha ko.

Hinawakan niya ako sa mukha gamit ang mga palad sa paligid ng mukha ko.

Hinalikan niya ako sa kanang pisngi.

Tapos sa kaliwang pisngi.

Tapos sa noo.

Tapos sa tip ng nose.

"Apat na yun. Bigyan mo na ako." Umiling ako.

Tapos tumingin siya sa labi ko.

"Joke. O ayan na!" Inabot ko na sa kaniya yung cornick. Baka sa kung saan pa umabot to eh.

Natawa pa siya tsaka niya kinuha yung cornick.

Bigla akong napatakbo sa kwarto at napatingin sa salamin.

Kailan pa naging kamatis ang patatas?

Bwisit ka Cortez!

Mabilis na lumipas yung oras, iniiwasan ko si Cortez.

Paalis na ako sa kusina at didiretso na sana ng kwarto nang magkasalubong kami.

Medyo awkward pa akong napaiwas sa kaniya.
Nilagpasan ko na siya nang magsalita siya.

"I'll bring you home tomorrow."

"Ayoko ." Diretsa kong sabi. Dumiretso ako sa kwarto at sinundan niya naman ako.

"Siguradong nagaalala na ang kuya mo sa'yo." Sabi ni Cortez.

"Ayoko nga tsaka kasama naman kita bakit siya magaalala?" Banas na talaga ako.

"Kasi lalaki pa rin ako. Amethyst, do you think this is right? You and me in the same room...the same house. I can do anything... ANYTHING even if you resist."
Mabilis kong iniwas ang mga mata ko palayo sa mga mata niya.

"O sige aalis na ako bukas pero hindi ako uuwi sa amin." Pagmamatigas ko.

"San ka naman pupunta?" Tanong niya.

"Kahit saan." Hindi ko rin sigurado kung saan. "Basta hindi doon."

Nagsmirk siya. "Kanino? Kila Silver?" Tumaas na yung tono niya.

"Ewan." Magulo pa isipan ko. Kainis naman. "Basta kung ayaw mong nandito ako, aalis ako bukas na bukas din." Medyo tumaas na rin ang tono ko.

"Hindi sa ganun." Medyo bumaba naman yung tono niya.

"Ganun din yun." Irita kong sabi.

"Hindi nga... I don't have any problem with you." PSH pinaganda pa parang lumayas ka na din yun e. "Its just that you cannot settle this if you are running away from it." May point naman siya dun pero kasi nga kapag naalala ko yung mga nangyari yung pakiramdam na ayaw ko silang makita.

Bigla ko namang naramdaman yung katawan niyang humahagkan sa akin. Yakap niya lang ako. His comforting presence makes me wanna rest from this mess.

Niyakap ko rin siya.

"Sasamahan mo naman ako di ba?"

"Hmm." I felt him kissing my hair. Those simple gestures makes me feel so secured.

Forever Para sa BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon