Chapter 15: Kung ako ba siya...

149 5 0
                                    

Amethyst's POV

"Handa na ako Amethyst. Ikaw ba?" Tanong ni Miriko.

Naka-upo kami sa ilalim ng isang malaking payong na nilatagan ng sapin na may iba't ibang kulay na parang paningin ko lang ngayon, puro rainbow.

Nakasuot lang ako ng sleeveless na puti at short habang naka-beach dress naman si Miriko.

Hapon na pero parang breakfast pa lang sa amin 'to ni Miriko.

"Handa na ako." May paninindigan ko pang sabi.

Pinunasan ko ang shades ko para mas malinaw na makita ang hinaharap ng bansang 'to.

Parang mga modelo naman ang angkan ni Adonis na ngayon ay nasa harap namin. Naglalakad sila sa buhanginan habang nagtatawanan at nagkukulitan. Pinaglalaruan naman ng hangin ang kani-kanilang mga buhok.

"Tara na!" Rinig ko pa rin ang boses ni Motmot mula sa kinauupuan namin.

Ayan na ang go signal ni Motmot. Let's all bow down to Motmot dahil siya ang nagbukas ng patay naming mga katawang lupa.

Narinig naman iyon ng buong angkan ni Adonis.
Isa-isa nilang tinanggal ang mga pang-itaas nila.
Napaawang sa hangin ang bibig ko ng makita ang iba't ibang hubog ng kanilang mga katawan.

Mula kay Soul hanggang sa pinakabatang si Troy at isama mo na rin ang ekstrang si Xavier ay mapapasaing ka talaga ng isang kilong bigas.

HAPPY FIESTA EVERYONE!

Nakatalikod lang sila sa amin pero ang mga mata namin ay di nagpapatinag sa mga magagandang hubog ng kanilang mga katawan.

Likod pa lang, ulam na.

Tuwang-tuwa sila sumugod sa tubig at maligayang-maligaya naman kami ni Miri dito.

"Handa na ba yung Cheez Whiz, Peanut Butter, Ube Jam, Strawberry Jam, Mayonnaise at Nutella?" Tanong ni Miriko.

Hindi ko siya tinitignan. Iisa lang hinihintay ko ang pagharap ng mga lalaking 'to at alam kong ganun din siya. Hindi ko papalampasin ang isang makasaysayang pagharap ng sinuman sa kanila.

Maya-maya pa'y may nag-salita sa likod namin.

"Mga ate Cheez Wiz at Ube Jam lang ang nakita ko ehh. Eto ohh." Napalingon kaming sabay ni Miriko nang marinig namin si Z.

Nagkatinginan pa kami ni Miri matapos mapatitig sa nilapag ni Z na mga palaman.
May kutsara pa siyang dala habang nakangiti sa amin.

"S-salamat." Nauutal kong sabi.

"You're welcome po pero ano bang gagawin niyo diyan?" Tanong niya pa.

Napangiti ako na labas lang ang ngipin at hindi talaga nakangiti.

Gusto kong unawaing bata pa talaga si Z.

"Ahh papapakin namin. Masarap kasi yun at tipid pa." Sagot naman ni Miriko na hindi alam kung ngingiti o hindi.

"Tama! Papapakin nga namin 'to Z." Pagsang-ayon ko naman.
Napatango naman si Z at inihandog ang kaniyang huling cute na ngiti bago umalis.

Nakahinga na ako ng maluwag matapos iyon at tinuloy ko na ang panunood sa amin mumuniting mga Adonis.

Nilulumot na ang mga utak namin sa mga nagtatampisaw na mga lalaking ito.

Binuksan ko na yung Chiz Whiz at pinapak ito. Ganun din ang ginawa ni Miri sa Ube Jam.

Ang bagal ng pagsubo namin sa mga palaman at hinihintay pa rin talaga namin ang kanilang pag-ahon at pag-harap sa lugar kung nasaan kami ngayon.

Bago pa mamuti aang uwak, nagpakita na sa amin ang mga nag-ha-hi nilang mga abs.

Forever Para sa BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon