A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!
-------Unedited and unrevised Version-----------
"Bakit mo ako hinalikan sa harap ng maraming tao?!"
nanggagalaiting sigaw ko sa katabi ko.
"Like what I've said, that is your punishment."
kalmadong sagot ni Tristan.
"Punishment?Gusto 'mong ma-punishment yang mukha mo!"
banta ko sa kanya.
Imbis na magalit ay nananatili lang siyang tahimik at seryosong nagmamaneho habang halata naman sa kanyang mga mata ang pagkaaliwalas ng mukha.
Aba't! abnormal 'to ah!
Sa totoo lang,kanina pa 'yan sa reception eh,kanina ko pa 'yan gustong sapakin nahihiya nga lang ako kasi lahat ng tao samin nakatingin. Halik ng halik sa pisngi ko sa tuwing may kinakausap kaming mga bisita,tapos ang sweet-sweet niya na akala mo eh totoo kaming nagmamahalan.Naku,kung alam lang sana nilang lahat!
Kasalukuyan kami ngayong nasa biyahe papunta sa Tagaytay,kung saan kami mag-ha-honeymoon na dalawa. Si Tristan ang namamaneho habang ako naman ay nasa katabi ng driver's seat. Sa Italy sana ang honeymoon destination namin ngayon katulad ng sinabi ni Daddy Robert, ang kaso umepal na naman 'tong isa. Dito na lang daw sa Pilipinas dahil two days lang naman daw ang honeymoon vacation namin. May pasok na kasi ako sa Monday eh at isa pa, magiging busy na rin si Tristan sa pagpapatakbo ng kompanya namin since na siya ang panganay na anak ng pamilya Fontanilla.
Tinawag pang honeymoon vacation kung two days lang?
"Itigil mo 'yung sasakyan."
maawtoridad na utos ko sa kanya.
"What?"
kunot ang noong tanong niya.
"Sabi ko itigil mo, bababa ako!"
inis na sigaw ko sa kanya.
"No."
"Anong No?"
"Hindi."
Oh yes. Pilosopo mode.
"Ano ba Tristan! Hindi ako nakikipagbiruan sayo huh!"
"I know. That's why I didn't laughing."
Naihilamos ko na lang ang palad ko sa aking mukha. 'Pag tinamaan ka nga naman ng magaling oh! Kailan pa ba siya naging pilosopo? Ngayon lang?
"Ibaba mo 'ko sabi eh! Ikaw na lang pumunta sa Tagaytay na 'yan! Mag-honey-moon ka 'don mag-isa mo !"
bulyaw ko ulit sa kanya.
"No."
"Isa!"
"No."
"Dalawa. Malapit na kong mapuno sayo Fontanilla!"
"No."
"Wala ka na bang alam sabihin kundi NO?!
"Yes."
sabay ngiti niya ng malapad at tingin sakin.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatulala.Hindi na ko alam kung magagalit pa ba ako o matutuwa na ngayon. I saw his priceless smile. Sa pagkakakilala ko kasi kay Tristan eh alam kong bihira lang siyang ngumiti dahil siya 'yung tipo ng tao na laging seryoso. Kaya naman big deal para sakin ang pag-ngiti niyang 'yon na para bang masaya siyang kasama ako ngayon. Tumigil na 'ko sa kakatalak sa kanya bagkus ay lihim akong napangiti. Kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)
General FictionA Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW! |COMEDY-ROMANCE-HEAVY DRAMA| Si Allison, labing-siyam...