A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!
-------Unedited and unrevised Version-----------
Makalipas ang dalawang araw ay bumuti na rin ang kalagayan ng asawa ko. Sa dalawang araw ring iyon na nagdaan ay wala akong ibang ginawa kundi ang alagaan siya, hindi rin ako pumasok sa school dahil ayoko siyang iwan mag-isa sa kwarto. Nakaka-awa naman.
Pinagsilbihan ko siya bilang isang tunay na maybahay. Sounds new,right? Oo. Inalagaan ko siya katulad ng ipinangako ko sa sarili ko. Ako ang nagluluto ng pagkain niya, gumigising ng maaga para painumin siya ng gamot sa tamang oras, ako rin ang nagpupunas sa kanya, nagbibihis, at napupuyat rin ako kababantay dahil nag-aalala ako na baka bumalik 'yung lagnat niya. For the very first time, ginawa ko 'yun. Kahit si daddy nagtaka at nagulat sa ginawa kong biglang pag-aaruga sa anak niya, kaya ayun, tuwang-tuwa sila ni Manang na para bang isa silang proud daddy at proud mommy. Nanibago yata sila sa ginawa ko, pano kasi nasanay na silang lagi kong inaaway si Tristan. Kahit ako, natutuwa sa ginawa ko.Gusto ko kasing gamitin ang pagkakataon na 'yun para bumawi sa mga nasabi at nagawa ko kay Tristan nung isang linggo ko siyang hindi inimik at kinausap. Ako rin kasi ang dahilan kung bakit bigla-bigla na lang siyang nagkasakit ng ganun,dati rati naman kasi kahit naliligo siya ng hatinggabi sa pool eh hindi siya nagkakasakit, malakas kasi resistensiya niya. Pero nung sinabi sakin ni Manang na simula raw nung iniwasan ko si Tristan eh lagi raw tong walang ganang kumain, lagi rin daw niya itong nakikita sa sala ng mansion na natutulog, hinihintay raw akong umuwi, at ang pinakamalala pa, dalawang sunod na araw daw siyang nag-inom sa mansion kasama nina Janus at Migz na siyang inaabot raw lagi ng madaling-araw,nanlumo ako. Hindi ko akalain na mas malala pa pala 'yung pinagdaanan niya kaysa sakin nung mga panahon na hindi namin kapiling ang isa't-isa dahil sa malaking awayin na nangyari sa pagitan naming dalawa. Don ko mas na-realize ang worth ko para sa kanya.
Kahit naniwala na 'ko sa kanya noon ay mas pinaniwala pa ako ng mga sinabi ni Manang na mahalaga nga talaga ako para sa asawa ko.Kaya naman bumawi ako sa kanya nung nagkasakit siya, kahit man lang sa simpleng paraan na 'yun ay makabawi ako sa mga nagawa kong pagkakamali sa kanya.
"Mrs.Allison DelaCerda-Fontanilla! What do you think youre doing on my class?!"
Sa sobrang lakas ng sigaw ng pamilyar na boses ng matandang babae ay halos mapatalon ako mula sa pagkakayuko ko sa armchair. Hirap na iminulat ko ang mga mata ko na noo'y tila pagod na pagod dahil hindi ko man lang magawang ikurap. Weak na bumangon ako mula sa pagkakasubsob ko at tila bumalik sa kamunduhan ang natutulog kong diwa nang mapagtanto kong nasa loob nga pala ako ng classroom. Inilinga-linga ko ang ulo ko para siguraduhing hindi ako nanaginip ng mga oras na 'yun habang abalang kinukusot-kusot ng mga kamay ko ang aking mga mata.
At, yeah boom! Confirmed! Hindi nga ako nananaginip.Napakamot ako sa ulo ko nang matuon ang paningin ko sa harap kung saan naroon ang terror naming prof, nakataas ang kilay niya sakin habang naka-cross-arms. Hehe,nakatulog pala ako. Sorry naman.
--------o-------
"Kung hindi nagka-cutting, natutulog naman sa klase.Grabe, idol na kita Allison. So speechless here. Hands down ako sayo." wari'y naaawang sermon sakin ni Cassie habang iiling-iling na kumakaltak.
Kasalukuyan na kaming nasa loob ng cafeteria ni Cassie habang kumakain,break time na kasi namin.
"Tumingin ka ba sa salamin bago ka umalis ng bahay niyo kanina?Look at yourself,ang lalim na ng eyebags mo oh,tapos 'yung body aura mo parang pagod na pagod. Oh my gad, Allison, ano bang ginagawa mo o let me change, ano bang ginagawa niyong mag-asawa at napupuyat ka ng gan-----ouch! ouch! aray,Allison,aray!"
Hindi ko na pinatapos pa si Cassie sa sasabihin niya dahil mabilis ko nang hinila 'yung tenga niya kaya napatili siya.Luminga-linga ako sa paligid para tiyaking walang nakarinig sa sinabi ng daldalitang 'to.
BINABASA MO ANG
A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)
General FictionA Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW! |COMEDY-ROMANCE-HEAVY DRAMA| Si Allison, labing-siyam...