A Wife's One-Sided Love PART 1,2 and 3 are already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!
-------Unedited and unrevised Version-----------
Inakala ko noon na ako na lang ang nag-iisang tao sa mundo, na sa dinami-dami ng mga nakapaligid sakin, wala ni isa ang nagmamahal sakin ng totoo. Ang akala ko habang buhay na kong mabubuhay sa kalungkutan, pero nagkamali ako.
Si Yohan, para siyang knight in shining armor ko, na kapag may problema ako lagi siyang dumarating. Sa tuwing may problema ako bigla na lang siyang susulpot sa tabi ko para pasayahin ako katulad ng ginagawa niya noon. Naaalala ko pa nga noong elementary pa lang kaming dalawa, tuwing tinatamad akong maglakad papunta sa playground, lagi akong nagdadahilan na masakit ang paa ko dahilan para ipasan niya ako sa likod niya. Nung minsang may camping sa school, dumaing lang ako sa kanya na masakit ulo ko tapos siya na ang nagbuhat ng mga mabibigat kong gamit. Sa mansion naman, lagi akong nagsasakit-sakitan ng ngipin para lang igawa niya ako ng mga assignments ko.
Hindi ko alam, pero kahit alam kong alam niya na nagdadahilan lang ako eh ginagawa niya pa rin ang gusto ko. Kahit kailan hindi siya nagdadalawang-isip na gawin ang mga bagay na alam niyang ikakasaya ko. Kaya kahit lagi niya akong pinipitik sa noo, ginugulat, kinukurot sa pisngi at pinipingot sa ilong, mahal ko ang bestfriend kong 'yon.
Sana lang sa pagbalik niyang 'to, maturuan niya rin akong kalimutan ang mga bagay na naging dahilan ng nararamdaman kong kalungkutan ngayon. Ayoko na sanang umiyak ulit.
"Babygirl, san mo gustong pumunta?"
Naudlot ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang masayang tinig ng lalaki sa tabi ko. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko ang abot-tengang ngiti ni Yohan. Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan niya at tinatahak ang daan patungo kung saan.
"Kahit saan."
walang emosyong sagot ko sa katabi ko. Siguro dahil sariwa pa ang sakit, kaya hindi ko pa kayang ngumiti ng masaya ngayon.
"Kahit saan? Bago 'yun ah? Saan 'yon, babygirl?"
pagbibiro niya tapos sandali siyang tumitig sakin, nung una'y seryoso ang mukha niya but later on he smiled at me showing his white perfect teeth.
Napayuko na lang ako at napa-iling. Akala ko hindi ako matatawa, pero nang makita ko siyang nag-chicken dance habang nagmamaneho ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at unti-unti na kong inihit sa kakatawa lalo na ng bahagya niyang ikinembot-kembot ang beywang niya. Parang baliw lang oh, para siyang bading na ewan.
"Ano ba Yohan, para kang sira. Tumigil ka na nga baka mabangga tayo! "
sigaw ko sa pagitan ng mga halakhak ko pagkatapos ay kinuha ko ang nakadisplay na maliit na bear sa unahan at inihagis ko 'yon sa katabi ko. Tumawa lang siya ng mailagan niya 'yon.
"One point."
masayang bulong niya na narinig ko naman.
"Ha?"
curious na tanong ko nang magsawa ako sa kakatawa.
"Buena mano, napatawa agad kita."
proud na sagot niya habang mayabang na naka-chin-up pa.
Natahimik ako. Totoo nga, kahit iilang minuto lang napatawa niya ako, kahit papano nakalimutan ko ang problema ko, just in a minute I forgot everything.
"Yohan?"
"Yes babygirl?"
Sumeryo ang mukha ko at matagal bago ako nakasagot.
BINABASA MO ANG
A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)
General FictionA Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW! |COMEDY-ROMANCE-HEAVY DRAMA| Si Allison, labing-siyam...