Chapter 9

230K 1.8K 558
                                    

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

Tristan's POV

"D-Doc?! H-How is she? How's my wife?" uutal-utal na tanong ko kay Doctor Reyes na na noo'y kakatapos lang tingnan si Allison na hanggang ngayon ay nananatili pa ring walang malay-tao. Halos hindi na 'ko makahinga dahil sa sobrang kaba at pag-aalalang nararamdaman ko para sa asawa ko.

Merong sariling doctor si Allison simula pa pagkabata dahil ayaw niyang dinadala siya sa hospital, galit siya sa lugar na 'yon dahil doon parehong binawian ng buhay ang mga magulang niya.

Lumapit sakin si Manang Elly na noo'y mababakas rin sa mukha ang labis na pag-aalala at pagkabahala. Iniabot lang ni Doctor Reyes ang mga hawak na gamit sa nurse at pakatapos ay lumapit siya samin.

"As of now,hindi ko pa masasabi na ok na siya.I already check her airway, breathing, her heart rate, blood pressure, her temperature,the level of oxygen in her blood and everything's normal,pero hangga't hindi pa siya nagigising hindi pa dapat tayo magpakampante,lalo na't malaki ang tinamo niyang bukol sa likod ng ulo niya. It's too dangerous."

paliwanag ng matandang doktor.

Naguguluhang nagkatinginan kami ni Manang.

"B-Bukol ho?" kinakabahang baling ko muli sa doktor.

Inayos niya lang sandali ang suot niyang salamin at malungkot na bumuntong-hininga.

"Merong malaking bukol sa likod ng ulo niya, it seems like she had an accident before or there's someone hit her head using some hard objects. In her case, were talking about head which is the most sensitive parts of a human body. Mr.Fontanilla, unconsciousness is a bad sign for a head injury. A severe head injury must always be treated in hospital to minimize the risk of complications."

"A-Ano pong gusto niyong gawin namin?" mahinahong tanong ko.

"Magbibigay ako ng ilang oras para hintaying magising ang asawa mo,at kapag wala pa ring nangyari, we have no choice but to bring her in hospital for further exams and tests." buo ang loob na sagot niya.

Nanlambot ang tuhod ko.Pakiramdam ko malapit na 'kong mawalan ng lakas.

"D-Doc,about the complications. Ano po bang mga posibleng komplikasyon ang mangyari sa asawa ko?" nanghihinang tanong ko.

"Sa kalagayan niya ngayon, pwede siyang magka-brain trauma, brain injury, skull fracture or the worse is, pwede siyang ma-coma. But as long as we still didn't know what exactly happened to your wife, wala pang dahilan para magpanic." may pag-asa sa tono ni Doctor Reyes. 'Yon lang at nagpaalam na siya, pinasamahan ko muna siya kay Manang Elly sa guestroom na tutuluyan niya pansamantala habang hinihintay pa naming magising si Allison. Naiwan ako sa kwarto.

Nanlulumong napapaupo ako sa upuan sa tabi ng kama ni Allison at malungkot ko siyang pinagmasdan.

Did you hear me? They called me a stupid bastard! Tinawag nila akong bastarda! Hindi mo ako maiintindihan dahil kahit papano meron ka pa ring magulang! Hindi mo ko maiintindihan dahil kahit papano meron pang natira sayo na isang ama! pero ako... p-pero ako... Pero ako Tristan, walang itinira sakin kahit isa.

Sising-sising napayuko ako habang mariin akong napasabunot sa buhok ko. Ano ba 'tong nagawa ko? Puro kamalian at kamalditahan lang lagi niya ang nakikita ko at hindi ang side niya na humihingi ng kalinga. Wala man lang akong kamuwang-muwang sa lalim ng mga pinagdaraanan niya sa buhay bagkus lalo ko pang ipinamukha sa kanya na nag-iisa lang siya sa mundong 'to, na wala siyang kakampi. Napakamalaking pagkakamali ko ang unahin at

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon