Chapter 25

147K 2.1K 439
                                    

A Wife's One-Sided Love PART 1-3 is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

Yohan's POV

Gabi na ng makabalik ako sa mansion. Marami pa kasing ginawang echabureche sa management office kanina. Ang iingay nila. Naroong seryoso silang nagmi-meeting habang nagtatalo-talo at ako naman, prenteng nakaupo sa swivel chair at nagpupukpok ng ballpen sa mahabang conference table. Ang nakakainis pa doon, natapos ang oras na walang nangyari, hindi kasi sila magkasundo-sundo kung sino ang kukuning leading lady at director, nakisabay pa ang writer na ayaw ipatanggal ang scene na may almost love scene. Ok lang naman sakin 'yun eh, pabor pa nga eh, ang kaso ayaw ng manager ko. Aish. Ewan,ang gulo nila. Bahala silang lahat 'don.

Kaya naman ng sumpungin ako ng pagkainip ay umalis na ko at walang paalam na tinakbuhan sila. Bahala silang magtalo-talo dun hanggang sa tilaukan sila ng manok.

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa harap ng mansion at inihagis ang susi sa driver na noo'y palapit sakin upang siya na ang magparada ng ayos ng kotse. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko kung pano napatigil ang mga maids, nasa mukha nila ang pagka-sorpresa, sa paraan ng pagkaka-titig nila sakin ay parang gusto nila akong yakapin na lahat.

Palibhasa'y gabi na at tapos na ang mga gawain kaya't naroon sila sa lobby at kanya-kanyang kwentuhan. Ang pinagtaka ko lang ay kung bakit nandito silang lahat sa lobby ng mansion.

"May reunion kayo?" biro ko ngunit nananatili akong seryoso. Napahagikhik ang iba habang ang ilan naman ay namumula.Nag-unahan sila sa pagsagot.

"Ano po kasi Sir Yohan, utos po kasi ni Manang na wala munang aakyat sa taas." sagot ng isa habang hinahawi ang buhok paipit sa likod ng taenga at sinasadyang papungayin ang mga mata.

"Sabi 'yun ni Manang?" tanong ko na hindi pinapansin ang ginagawang pagpapa-cute ng dalaga.

"O-Opo, sinabi po samin ni Sir Migz bago siya umalis kanina." Napakunot ako ng noo. Anong ginawa dito ni Miguelito?

Napalitan ng ngiti ang naguguluhan kong itsura. Naaalala ko, ayaw na ayaw nga pala ni Migz ang tatawagin siya sa buo niyang pangalan. Umusok kasi sa galit ang ilong ni Migz kapag tinatawag ko siya doon.

Miguelito.Miguelito.

Tawa ako ng tawa sa loob-loob ko habang tinatahak ang hagdan papunta sa third floor. Makagimik nga minsan kasama ang mga 'yon.

Binilisan ko pa ang paglalakad nang maalala ko si Allison.

Haaaay oo nga pala,kamusta na kaya babygirl ko. Ang sabi ko sa kanya kanina uuwi ako ng maaga, pero anung oras na ngayon. Tulog ko na kaya 'yun?

Paliko na sana ako sa hallway papunta sa direksyon ng silid nina Allison nang makita ko si Manang na noo'y kakalabas lamang sa silid na katabi ng kwarto nina kuya. Malungkot ang itsura nito, nakatungo habang hawak-hawak ang doorknob.

"Nang!" masiglang bati ko sa kanya. Kaagad naman siyang napalingon sakin, at sa isang iglap nawala ang pagka-kunot ng noo niya at napalitan ng isang masaya at tila sabik na ngiti.

"Oh Yohan hijo? Kailan ka pa nakabalik? Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka, sana naghanda ako. Ah teka, kumain ka na ba? Teka, ipaghahanda kita." sunud-sunod na sambit niya sa pagitan ng kanyang masisiglang ngiti.

"Ah, don't mind me Nang. Ok lang ako. Nga po pala, si Allison ho?"

Bagaman nakangiti pa rin ay halata naman ang paglisan ng sigla rito.Tumingin ito sa pinto ng silid kung saan siya lumabas at malungkot ang mga matang ibinalik ang paningin sakin.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon