A Wife's One-Sided Love PART 1-3 are already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!
-------Unedited and unrevised Version-----------
"Happy Birthday to you... Happy Birthday to you... Happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you..."
Matapos ang sabay-sabay nilang pagkanta ay malakas na hinipan ko na ang birthday candle na nakaukit sa numero na twenty. Kailangan ko pang tumingkayad dahil masyadong mataas ang birthday cake na ipinagawa ni Tristan para sakin.
One week ago pagkatapos na maayos ang lahat ng kaguluhan ay masayang ipinagdiwang ang birthday ko ngayon.
Malakas na palakpakan ang nangibabaw sa buong garden matapos kong hipan ang kandila. Napangibit na lang ako. Grabe, ginawa akong seven years old na bata.
"Happy birthday Allison! Tingnan mo nga naman oh, parang kahapon lang ninteen years old ka pa lang pero ngayon thirty-five ka na. Congratulations tumatanda ka na! Hahahaha!"
panloloko na naman ni Janus habang nangungunang humati sa birthday cake ko.
"Hoy ang kapal mo Janus, twenty pa lang ako!"
pagtatanggol ko sa sarili ko. Malakas na tawanan ang nangibabaw. Lumapit sakin si Tristan at proud na inakbayan niya ako habang nakatingin sa mga bisita.
"Tumanda man ang misis ko, magka-wrinkles man siya sa mukha, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya. She will always be my one and only Mrs. Allison dela Cerda-Fontanilla."
proud na saad niya sa lahat. Inulan tuloy siya ng sari-saring kantiyaw.
"Kow! Gutom lang 'yan pare, ikain mo na lang 'yan. Oh eto, kumain ka."
Biglang sinubuan ni Migz si Tristan ng sandwich, halos mabulunan ang huli. Muli ay nagtawanan ang lahat.
"What is this all about huh?"
Sabay-sabay na napalingon kaming lahat ng marinig ang pamilyar na boses ng matanda.Si daddy Robert. Lumapit kami sa kanya at isa-isa namin siyang hinalikan sa pisngi bilang paggalang.
"Happy Birthday hija."
nakangiti ang mga matang bati sakin ni daddy.
"Salamat po daddy."
"No. Ako ang dapat magpasalamat sayo."
Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka ngunit lumapit lamang si daddy at mahigpit akong niyakap. Tinapik-tapik niya ang likod ko.
"Thank you for opening your heart for forgiveness. Kung hindi mo siguro 'yon ginawa, hindi siguro magiging ganito kasiya ang anak ko. Salamat at hindi mo hinayaang maging miserable ang buhay niya katulad ng nangyari saakin nang mawala ang asawa ko. Salamat at hindi iyon nangyari sa anak ko, dahil kung nagkataon baka hindi ko iyon kayanin."
Hinagod ko ang likod niya ng marinig ko ang pagnginig ng tinig niya sa huli.
"Kahit kailan po, hindi sumusuko ang isang pusong nagmamahal. Pwede siyang mapagod, pwede siyang magsawa pero ang i-give up ang lahat, iyon ang hindi ko kayang gawin. I love your son, at higit po akong nagpapasalamat sa inyo at sa daddy ko dahil kayo ang gumawa ng daan para magkasama kami at tuluyang mahulog sa isa't-isa. Kung hindi siguro dahil sa inyo, hindi ako magiging ganito kasaya."
BINABASA MO ANG
A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)
General FictionA Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW! |COMEDY-ROMANCE-HEAVY DRAMA| Si Allison, labing-siyam...