Chapter 33

118K 2.3K 599
                                    

A Wife's One-Sided Love PART 1- 3 are already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

 -------Unedited and unrevised Version-----------  

Yohan's POV

To all passanger of flight J699 to Canada, DEPARTURE time will be exactly at nine am.

Fifteen minutes. Fifteen minutes na lang para makaalis at makalayo na kami. Pumayag siya na makasama ko. Ako kasama si Allison, magkasamang mamumuhay. Napakatagal na panahon na simula ng pangarapin ko 'yong mangyari. Nasasabik na tumayo na 'ko pagkatapos na marinig ang paalala ng airport announcer. Masayang hinawakan ko na ang mga bagahe naming dalawa.

"Babygirl, let's go.It's already time."

aya ko sa katabi ko na noo'y nananatiling tahimik at parang hindi mapakali. Malamig na ngiti lamang ang isinagot niya sakin at pagkatapos ay marahan siyang tumayo mula sa pagkaka-upo. Tinitigan ko siyang mabuti sa likod ng suot kong shades. Ang tamlay ng mukha niya, parang namumutla.

Hindi ako nagtangkang magtanong o punahin man lang 'yon. Ewan, pero parang nakaramdam ako bigla ng pag-aalala at kaba, may bahagi ng pagakatao ko ang sumisigaw na 'wag ko iyong gawin. Hinawakan ko lang ang kamay niya at nakangiting inakay siya patungo sa teller upang ibigay ang ticket naming dalawa. Sumunod lang siya sakin. Kinailangan kong mag-disguise para hindi ako makilala ng mga tao dito, para iwas tsismis na rin kung sakaling may maligaw na paparazzi.

Habang pila ay napapansin ko ang maya't-mayang paglingon ni Allison na para bang may hinahanap, parang may hinihintay. Bigla akong pinanghinaan ng loob. 'Wag sanang mangyari ang iniisip ko.

Mabilis na umusad ang pila hanggang sa maiabot ko na ang ticket namin sa teller, mabuti na lamang at kasama sa rules ng mga teller ang privacy ng mga pasahero nila kaya't ligtas ako sa pagtili, kung isa man siya sa nakakakilala sakin. Matapos ang transaksyon ay muli akong humarap sa kanya at pinilit na ngumiti.

"Tara na. kunwari'y masiglang aya ko sa kanya. Deretso ang mga matang napatitig siya sakin, para siyang namatanda at hindi alam kung anong gagawin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang takot at pangamba na bumalatay sa mga mata niya. Hinintay ko ang magiging sagot niya dahil alam kong sa oras na ito ay nag-aalinlangan pa siya.

Please don't change your mind. Please.

Walang reaksyon na tumango-tango siya. Napanatag ako.

"C'mon"

hinawakan ko ang isa niyang kamay at pagdaka'y naglakad kami patungo sa entrance. Habang daan ay naramdaman ko ang biglang panlalamig ng kamay niya. Pasimpleng tiningnan ko siya gamit ang gilid ng mga mata ko. Hindi maipinta ang itsura niya, puno ng pagdaramdam, hinanakit, pagdurusa at tila naguguluhan. Nakaka-kunot ng malalim ang noo niya na para bang isang sanggol na nakangibit at malapit ng magngangalngal.

Itinuon kong muli ang tingin ko sa harap.

Bigla kong naalala ang mga pinagsamahan ng dalawang 'yon. Ang awayan, sigawan at batuhan nila ng kung ano-ano. Ang pag-aalala nila para sa isa't-isa. Ang matatamis na palitan nila ng salita kapag naglalambingan, alam ko ang lahat ng 'yon. Hindi man masasabing perpekto ang pagsasama nila at hindi man nila sabihin ng deretso ang nararamdaman nila sa isa't-isa ay alam ko na gagawa't-gagawa ang pagmamahal ng paraan para magbalik ulit sila sa piling ng isa't-isa. Because I believe that when it comes in love, everything' is possible. Magkakalayo man sila subalit alam ko na muli silang magsasama at patuloy na ipaglalaban ang kanilang nasimulan. At bilang isang taong lubos na nagmamahal, hindi ko hahayaang maging misirable ang buhay ng mahal ko.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon