Chapter 20

173K 1.9K 1K
                                    

A Wife's One-Sided Love PART 1-3 is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

Tristan's POV

Nasa isang pamilyar na lugar ako. Lugar kung saan napapalibutan ng mga berdeng damo sa paligid na siyang sumasabay sa ihip ng hangin, sa gitna noon ay may isang puno ng narra. Nagsimula na kong maglakad habang hawak-hawak ang paborito kong libro papunta sa nasabing puno upang doon umupo pansamantala habang hinihintay ko ang paglabas ni daddy mula sa loob ng bahay-ampunan. Nang makarating ako sa puno ng narra ay bigla akong natigilan, pano kasi may isang batang babae roon na tahimik na nagbabasa ng libro. Mapupungay ang kanyang mga mata,may mala-anghel na mukha at maamong itsura. Seryoso itong nagbabasa at tila hindi alintana ang pag-alon ng buhok na tumatakip sa mukha nito dahil sa malakas na hangin. "Pwedeng makiupo,bata?"

walang emosyong tanong ng batang ako sa batang babae sa ilalim ng puno.Walang tanda ng pagkagulat na iniangat nito ang nakayuko nitong ulo at deretsong tumingin sakin. Lumakas ang ihip ng hangin,tila gustong pawiin ang pagkakatulala ng mga mata ko sa mata ng batang babaeng kaharap ko ngayon.

Tumango lamang ito ng dalawang beses at saka muling tumungo upang ipagpatuloy ang pagbabasa. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya,mga ten inches ang pagitan naming dalawa. Nagsimula na kong magbasa.

"Sino ka?" Napalingon ako sa katabi ko ng bigla niya akong tawagin. Hindi lang pala mukha nito ang mala-anghel pati pala boses niya,titig na titig siya sa mga mata ko kung kaya't mabilis akong napaiwas ng tingin. Hindi ko alam pero bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing tinititigan niya ko.

"Iniwan ka rin ba dito ng magulang mo?"

muli niyang tanong.

"H-Hindi." nahihiyang sagot ko.

"Ah ganun ba."

Nang makuntento na ay tumahimik na rin siya.Katahimikan ang nangibabaw saming dalawa, tanging ihip lamang ng hangin ang maririnig. Lingid sa kaalaman niya ay maya't-maya ang ginagawa kong pagtitig sa kanya. Natutuwa akong pagmasdan ang side view niya, kahit saan kasing anggulo ng mukha niya ay hindi maipagkakailang maganda siya.

"Hoy Ellaine! Kanina ka pa namin hinahanap,nandito ka lang pala, alam mo bang madaming ginagawa sa loob! Nandito ngayon si Don Roberto Fontanilla kaya tumulong ka sa kusina! Humanda ka kay Miss Mildred, isusumbong kita!"

Sabay kaming napalingon na dalawa ng marinig namin ang masungit na tinig na iyon ng isang babae. Naka-cross arms ito habang mataray na nakatingin sa katabi ko. May dalawa pa itong kasama sa likod niya na halata ring masungit base sa pagtaas ng kilay nila.Mabilis na napatayo ang batang babae sa tabi ko na para bang takot na takot. Lumapit samin ang mga bagong dating at malakas na itinulak ang batang babaeng tinawag nilang "Ellaine". Doon na ko nag-panic lalo na ng agawin ng isa ang hawak-hawak na libro ni Ellaine, halos magngangalngal ang huli nang simulan na iyong ihagis at apak-apakan ng malditang babae. Kita ko kung pano magmakaawa ang katabi ko, kaya naman wala na akong sinayang na panahon at walang pagdadalawang-isip na malakas kong itinulak ang tatlong masasamang babae. Para lang akong naglaro ng bowling,pagkatulak ko kasi sa isa eh nagtumbahan na silang lahat, at bago pa man sila makatayo upang gumanti ay pandalas ko ng pinulot ang libro ni Ellaine at mabilis na hinawakan ang kamay niya.Nagtatakbo kami palayo.

Pakiramdam ko noon para kaming mga action star na hinahabol ng mga kaaway sa likuran, hindi siya umiimik, sumusunod lang siya sakin hanggang sa dalhin kami ng mga paa namin sa isang lugar na matatawag na paraiso. First time kong makakita ng ganung kagandang tanawin sa buong buhay ko. Batis 'yon na dinadaluyan ng mala-kristal na tubig dahil sa sobrang linaw, maraming mga iba't-ibang bulaklak sa paligid, mga lumilipad na paru-paro at huni ng mga ibon. Umupo kami sa isang malaking bato roon nang makaramdam kami ng pagod.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon