Chapter 6

245K 2.1K 228
                                    

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

"Ako ang unang gagamit ng bathroom. Sa ibang room ka na lang maligo." walang emosyong sabi ko kay Tristan pagkatapos ay walang lingon akong pumasok sa loob ng bathroom.

Nasa loob na kami ngayon ng master bedroom na pinaayos ni daddy para saming mag-asawa. Nakakainis lang, kung kailan naman gusto kong mapag-isa tsaka naman ngayon ko pa siya makakasama. Pagkapasok ko sa loob ng cr ay isa-isa ko ng hinubad ang lahat ng damit ko. Binuksan ko ang shower at bumagsak sakin ang katamtamang lamig ng tubig. Tumingala ako para salubungin 'yon. Kung ano ang kulay ng likidong tumatama saking mukha ay siya ring kulay ng likido na tumutulo saking mga mata.

Sana, kaya ring pawiin ng mga tubig na ito ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

Naala ko bigla ang lahat ng masasakit at tagos hanggang laman ng pinagsasabi sakin ni Tristan 'nung isang gabi bago ang araw ng kasal namin.

-Yes, Im a GOLD DIGGER. Happy?-

-Yes Allison. Inaamin ko, na ang dahilan kaya naging over-protective ako sayo ay dahil alam kong may makukuha akong kayamanan mula sa pamilya mo na mapupunta sakin at sa pamilya ko kapag kinasal na tayo.-

Napahawak na 'ko ng mariin sa dibdib ko, hindi ko na rin maramdaman ang lamig ng tubig na humaplos sa mukha ko dahil mas nangingibabaw ang mainit na likido na tumutulo sa pisngi ko.

Ang sakit. Ang sakit,sakit.

-Bilyon Allison, bilyon ang nakataya sa pagitan nating dalawa.Bukas na bukas pagkatapos ng kasal natin makukuha ko na rin ang lahat ng lupa,pera,kompanya at iba pang mga ari-arian ng pamilya mo.-

Natakip ko ang aking dalawang palad saking bibig upang pigilan ang ang aking paghagulhol.

-Gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang dapat kong makuha at wala ka ng magagawa pa 'don,Allison.-

Bakit ba ang sakit! Bakit ang hapdi sa dibdib nitong nararamdaman ko! I hate this feeling! I really really hate this feeling!

'Nung mga oras na 'yon, dalawang tao lang ang unang pumasok sa isipan ko, 'yun ay walang iba kundi ang aking ama't-ina. Gusto ko tuloy magalit sa diyos kung bakit napakaaga niyang kinuha ang mga magulang ko, edi sana, sana hindi ako naghihirap at nagdurusa ngayon ng ganito.

For twelve years, nabuhay ako sa mundong 'to na hindi ko sila kasama, lumipas ang twelve birthdays ko na wala sila sa tabi ko, lumipas ang twelve na pasko at bagong taon na wala sila sa piling ko, at ang pinakamasakit, sa tuwing nasasaktan ako walang magulang na dumadamay sakin.

Oo, andyan si Daddy Robert na itinuring kong ama simula't sapul pa lang, pero hindi ko kayang aminin sa kanya ang nararamdaman ko para sa anak niya, natatakot ako na baka sabihin niya pa kay Tristan at maging dahilan pa para layuan at iwan niya 'ko. Hindi ko 'yun kakayanin, hind ko kaya, hindi talaga.

Matagal akong nagbabad sa shower, hindi ko alam kung ilang oras akong nandito, hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na pinapatay na ang shower. Kinuha ko lang ang towel at binalot saking katawan. Wala si Tristan sa kwarto ng lumabas ako. Nagbihis ako ng damit at saka umupo sa gilid ng kama habang nakatulalang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto namin ni Tristan.

Malaki ang buong silid na halos pwede ng paglaruan ng taya-tayaan dahil sa sobrang lawak, tamang-tama rin kapag naghabulan kaming dalawa ni Tristan sa tuwing mag-aaway kaming dalawa, syempre, Tom and Jerry nga eh. Merong mini-sala, mini-study area para sakin at malaking flat-screen tv sa harap ng kama. Mahilig kasi akong manood ng movie kapag nabo-bored ako at bago matulog, although meron namang home theatre room dito sa mansion. Ang panget kasi tingnan na mag-isa lang akong manonood sa malaking theatre room na 'yon, wala kasi sa bahay na 'to ang mahilig manood ng mga movie, puro kasi BUSINESS at WORK lang ang laman ng utak nilang lahat.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon