A Wife's One-Sided Love PART 1-3 is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!
-------Unedited and unrevised Version-----------
Ellaine's POV
Naglakad siya ng deretso na sa akin lang nakatingin.Pakiramdam ko bibigay ako anumang oras habang sinasalubong ko ang namumuhi niyang mga titig. Halos magningas ang kanyang mga mata dahil sa sobrang pagkasuklam at pagkagalit ngunit ang tanging nagpasakit sa damdamin ko ay ang mga luhang nagsisimula ng mamuo sa gilid ng kanyang mga mata. Lalong lumabas ang mga kulubot na balat sa kanyang mukha dahil sa pinaghalong pagsabog at pagpigil ng kanyang emosyon.
Luha, dulot ng pagkalungkot at panghihinayang.
Gusto kong magsalita ngunit hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Gusto kong magpaliwanag ngunit walang rumerihistro na kahit anuman sa utak ko, nanlamig ako bigla.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala si Manang sa harap ko at nananatiling nakapako ang nangangalit niyang mga titig sa mga mata ko.
"M-Manang Elly..."
Sinubukan ni Migz na magsalita upang ngayon pa lang ay pigilan si Manang ngunit hindi pa niya nasasabi ang gustong sabihin ay naunahan na siya ng matanda.
"Lumabas ka na Migz at isara mo ang pintuan. Pagkababa mo, pakisabi sa mga maids na lumabas silang lahat at wala munang aakyat dito sa taas."
"P-Pero---"
"Gusto mo bang madagdagan pa ang kasalanan mo sakin ha Miguelito?"
pigil ni Manang sa kanyang galit na tono.
Magsasalita pang muli si Migz ngunit may tila kung anong nagtulak sa kanya na tumigil na nang mapatitig siya sakin. Gusto na siguro niyang panindigan ang sinabi niya sakin kanina na hindi na niya 'ko pakikialaman at hinding-hindi na niya 'ko tutulungan pa.
Saglit na napayuko siya at pagdaka'y tumitig sakin na walang mababakas na kahit na anong emosyon sa mukha.
"Sige po Manang."
'Yun lamang at tumalikod na siya at walang lingong lumabas ng kwarto. Gumuhit ang kirot sa dibdib ko. Nagsimula ng manlabo ang paligid ko dahil sa mga butil ng luha na humaharang sa paningin ko.
Alam kong pagkatapos ng araw na 'to ay wala na akong Migz na makikita, wala ng Migz na tatawag at magte-text kung anong ginagawa ko, kung ok lang ba ako, wala na ang kaisa-isang taong sincere na pupunta sa office para sunduin ako.
Lahat na lang ng bagay na ginagawa niya wina-walang bahala ko, ginagawa ko siyang tanga. Naaalala ko nung araw na naaksidente ako,pumunta siya sa hospital ng naka-pambahay na tsinelas lang at gulu-gulo ang buhok. Parang nagmadali yata.
First time ko siyang makita non na umiyak. Nakakatawa nga eh, ang isang playboy slash casanova, umiyak.
Wala sa intensiyon ko ang saktan siya lalong-lalo na ang paasahin siya dahil kahit papano may pinagsamahan naman kaming dalawa. Sadyang hindi ko lang talaga kayang suklian ang pagmamahal na ipinapakita niya, hindi dahil hindi ko siya kayang mahalin kundi dahil meron ng ibang lalaki ang nakalaan sa puso ko.Walang iba kundi si Tristan.
Bata pa lang ako siya na ang pinangarap kong makasama sa buhay,pinangarap kong sana balang araw matutunan niya rin akong mahalin.Wala na akong ibang gustong makuha pa sa buhay ko,tanging pagmamahal lang ni Tristan ang hinihiling kong makuha. 'Yun lang, sapat na.
Bumalik ang lahat sa kasalukuyan.
Hindi pa rin inaalis ni Manang Elly ang tila nag-aapoy na niyang mga mata sa akin. Kung nakakamatay lang siguro ang titig niyang 'yon ay marahil kanina pa ko wala sa mundo.
BINABASA MO ANG
A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)
General FictionA Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW! |COMEDY-ROMANCE-HEAVY DRAMA| Si Allison, labing-siyam...