A Wife's One-Sided Love PART 1 OF 3 is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!
-------Unedited and unrevised Version-----------
Tristan's POV
Hindi mawala saking labi ang mga ngiting kanina pa sumisilay saking itsura.Naroong napapatawa ako ng walang boses at masayang napapailing na lang mag-isa. Sa tuwing naaalala ko kasi ang naging pag-uusap namin kagabi ni Allison ay hindi ko mapigilan ang sarili kong matuwa. Gusto na kasi niyang bumukod ng bahay. Hindi naman niya sinabi ang dahilan kung bakit gusto na niyang lumipat, ang sabi niya lang ay gusto na raw niya ng privacy. Kinausap na namin si daddy at Manang Elly tungkol dito at ang ipinagtataka ko pa ay imbis na magdamdam ang dalawang matanda dahil lalayo na kaming dalawa ay nagpakita pa ang mga ito ng tuwa at kasiyahan para saming mag-asawa.
Bahagya akong napayuko at napangiti na namang mag-isa habang hilot-hilot ko ang aking noo. Bigla kasing rumehistro sa imahinasyon ko ang posibleng mangyari kapag nagsama na kami ni Allison sa iisang bahay.
Ako,alam ko na kaya kong gampanan ang responsibilidad at tungkulin ko sa kanya bilang asawa, pero ang pinag-aalala ko lang talaga ay kung makakaya niya bang gawin lahat ng mga gawaing-bahay gayong ayaw naman niya na may kasamang katulong sa bahay. Iilang putahe lang ang alam niyang lutuin, baka kapag bumukod na kami ay iyon at iyon na lang din ang ipakain niya sakin sa araw-araw. Hindi rin siya marunong humawak ng mga pang-linis, 'yung kwarto nga namin, kung hindi pa linisin ng mga maids sa mansion malamang nag-roving na ang mga ipis at daga roon. Buong buhay nga yata nun hindi 'yun nakahawak ng labahin, hindi rin marunong mamlantsa. Iiling-iling na napabuga ako ng hangin sa bibig.
Mukang magiging house husband yata ako nito ng di oras ah.
Palihis na sumandal ako sa inuupuan kong swivel chair at mula sa pagkakaharap ko sa glass wall ay umikot naman ako paharap sa office table, doon napukaw naman ng paningin ko ang mga nakahanay na litrato sa ibabaw ng lamesa sa harap ko.
Mga kuha namin 'yun ni Allison nung ikinasal kaming dalawa habang 'yung iba naman ay kuha nung honeymoon naming dalawa sa tagaytay. Inilagay ko ang mga iyon sa ibabaw ng lamesa ko dahil sa tuwing nakikita ko ang itsura at ang mga masasaya niyang ngiti na minsan lang sumilay sa kanyang mga labi ay tila nagkakaroon ako ng lakas ng loob at inspirasyon para magsikap sa lahat ng bagay. Dati rati kasi sa tuwing nakikita niya ko, kung hindi nakasimangot ay para namang kasumpa-sumpa kong tao kung titigan niya ko, para bang ako na ang pinakamasamang nilalang sa mundo kung itrato niya ko, kaya hindi rin ako nagtataka kung bakit lagi kaming nag-aaway noon na dalawa, sabi nga ng mga kaibigan ko, human version daw kami nina Tom and Jerry.
Iyon ang dahilan kung bakit sabik ako sa bawat ngiti niya,pakiramdam ko kasi isa na ako sa mga taong nakakapagpasaya sa kanya ngayon.
Masaya naman talaga ako sa kanya. Masaya ako sa asawa ko, kaya naman tanggap ko ang lahat-lahat sa kanya. Ayos lang sakin kahit wala siyang alam sa kahit na anong gawaing-bahay, gaya nga ng sinabi kanina ni Manang, lahat naman ng bagay napag-aaralan.
Napukaw ang atensyon ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko na nooy nakapatong sa ibabaw ng lamesa, kinuha ko 'yun agad, at ganun na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko dulot ng naramdamang kong excitement nang makita ko ang pagrehistro ng pangalan niya sa screen.
"Yes mhie?"
energetic na sagot ko sa kabilang linya at pagdaka'y masaya akong ngumiti.
"Anong oras ka uuwi mamaya?" bagaman rinig ko ang kanyang boses ay nahalata ko pa rin ang katahimikan sa paligid niya sa kabilang linya, napakunot ako ng noo dahil sa pagtataka. Hindi ko muna sinagot ang tanong niya.
BINABASA MO ANG
A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)
General FictionA Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW! |COMEDY-ROMANCE-HEAVY DRAMA| Si Allison, labing-siyam...