Chapter 26

147K 1.9K 489
                                    

A Wife's One-Sided Love PART 1,2 and 3 are already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

 -------Unedited and unrevised Version-----------  

Allison's POV

Maataas na ang sikat ng araw ng magmulat ako ng mata.Bagaman air-conditioned ang buong silid ay nararamdaman ko pa rin ang singaw ng init sa katawan ko. Unti-unti akong nagmulat ng mata. Dahan-dahan kong iniikot ang ulo ko patingala sa sidetable ng kama upang tingnan ang eksaktong oras. Mag-aalas dose na pala ng tanghali. Hindi na ko nagtaka kung bakit tinanghali ako ngayon ng gising.

Mag-aala-sais na kasi ako nakatulog kaninang umaga. Bakit?

Una,dahil mahaba ang itinulog ko kahapon, pangalawa inumaga na rin kami ng uwi ni Yohan, at ang pangatlo...

Mahinang napabuga ako ng hangin kasabay ng pagtikom muli ng talukap ng aking mga mata.

Inaamin ko, inumaga ako ng tulog dahil sa kakaisip sa kanya, kay Tristan. Hindi ko magawang kalimutan ang ginawa niyang 'yon kagabi. Pakiramdam ko tuloy parang nasa isang eksena ako ng pelikula ng mga oras na 'yun. Ang akala ko kasi, simula nung nakipaghiwalay ako sa kanya wala na siyang naging pakialam sakin. Akala ko masaya na siya ng nawala ako. Hindi ko man aminin,pero kinilig ako ng sobra nung nakita ko ang pangungulila sa mga mata niya ng titigan niya ako sa mga mata ko.

Iritang napapikit ako ng mariin at mabilis na napailing. Aga na iwinaksi ko iyon sa isipan ko.

'YAN TAYO EH! Konting da-moves bumibigay na agad.

Wala na kong sinayang na oras at bumangon na ko upang mag-ayos ng sarili. Marami pang pwedeng gawin sa maghapon bukod sa pag-iisip sa mga bagay na dapat kinakalimutan na.

Lumabas ako ng silid ng walang mababakas na sigla sa itsura. Malungkot na napabuga na lan ako ng hangin.

Another day without him.

Yeah. Kailangan ko ng masanay para mapabilis na ang proseso.

Napalitan ng pagtataka ang itsura ko ng makita ko ang mga katulong na noo'y maya't-mayang naglalabas masok sa isang kwarto malapit sa kwarto ko, mga tatlong silid ang pagitan ng kwarto namin.

"Ate Rhea? Anong meron? Bakit niyo nililinis 'tong kwarto?" pang-aabala ko kay ate Rhea na abalang nagpapalit ng kobre-kama ng

king-size bed sa loob ng nasabing silid. Iniikot ko pa ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto.May seryosong nagpupunas at naglilinis ng bawat lamesa,figurine at iba pang mga display sa loob,may nagpapalit din ng kurtina at may nag-aayos ng closet. Napatigil ang kaharap ko sa ginagawa niya at kunot-noong napatitig sakin.

"Hindi pa po ba nasasabi sa inyo?" nagtatakang tanong niya.

"Nino? Ang alin?"

"Si sir Yohan po.Pinaayos niya po samin itong kwarto dahil dito na raw po ulit siya mag-i-stay sa mansion." paliwanag niya. Hindi ko tuloy malaman kung ngingiti ba ako o tatawa sa sinabi ni ate Rhea. Pakiramdam ko tuloy nabuhayan ako ng pag-asa.

Si Yohan na lang ang tanging tao na nakakapagpatawa sakin ngayon. Kapag kasama ko siya kahit papano nakakalimutan ko ang problema ko at kahit papanonababawasan ang bigat sa dibdib ko.

Napayuko ako at masayang napangiti.

Sana nga siya na ang sagot para matulungan akong kalimutan ang kapatid niya, hindi man ngayon, pero alam kong darating ang araw na 'yon. At umaasa ako.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon