A Wife's One-Sided Love PART 1-3 are already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!
-------Unedited and unrevised Version-----------
Tristan's POV
"Please Tristan, don't leave me. 'Wag mong sirain ang tiwala ko sayo, 'wag mong sirain ang pangako mo. Please stay with me. Please. I begging you."
Matagal bago ako nakasagot. Pumikit ako ng mariin upang pag-isipang mabuti ang magiging desisyon ko. Matagal na katahimikan ang nangibabaw sa buong hospital room hanggang sa dahan-dahan akong magmulat dala-dala ang sagot.
"Ok.If...If that's what you want. Hindi na 'ko aalis para sayo. Hindi na kita iiwan. And from now on, babawi ako sayo Ellaine."
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sakin. Alam kong alam niya na may karugtong pa ang mga pangungusap na 'yon. Marahas na humugot ako ng isang malalim na hininga.
"But my wife is still my first priority.Babawi ako sayo,aalagaan pa rin kita pero gagawin ko pa rin ang tungkulin ko sa asawa ko, babawi ako sayo nang hindi nagkukulang sa kanya."
Narinig ko ang impit na pag-iyak ni Ellaine,hinayaan ko lamang siya na maglabas ng emosyon sa ibabaw ng balikat ko.
Sana maintindihan niya ang desisyon ko.
Maya-maya pa'y unti-unti nang lumuwag ang pagkakayakap niya sakin, indikasyon na tinatanggap niya ang gusto kong mangyari. Tuluyan na siyang kumalas at saka marahang pinahid ang nagkalat na mga luha sa kanyang pisngi gamit ang likod ng kanyang palad. Humarap siya sakin.
"Ganyan na ba siya kahalaga para sayo?"
bagaman pinipilit na paaliwalasin ang mukha ay hindi pa rin maitatago ang pagdaramdam sa mga mata ni Ellaine. Tumingin ako sa ibang direksyon at malungkot na napangiti.
"Si Allison. Kahit napakamaldita niyang tao, kahit napaka-pasaway niya may itinatago rin siyang kabutihan sa loob ng puso niya. Hindi totoong masama siyang tao. Mabuti siyng to. Don ko napatunayan na totoo nga 'yung sinasabi nila, na makikilala mo lang ang isang tao kapag nakasama mo na siya ng matagal."
Malamlam ang mga mata na tumitig ako kay Ellaine.
"Inaamin ko,pinakasalan ko lang siya noon dahil sa kagustuhan ni daddy, pinakasalan ko lang siya dahil napilitan lang ako pero ang tanging hindi totoo, ay ang iwan ang asawa ko pagkatapos ng kasal. Hindi ko siya kayang iwan Ellaine. May pangako kami na hindi namin iiwan ang isa't-isa, and I will never break that promise."
Umiwas ng tingin siEllaine at humarap sa ibang direksyon.Trying to escape her emotion.
"So kapag ba pinapili kita saming dalawa,siya ba ang pipiliin mo? But how about your promise? May pangako ka rin sakin? Are you going to break that promise just not to disappoint your wife?"
puno ng pait ang tono niya, may halong pagkatakot at panunumbat.
"Ever since were a child magkasama na tayo, marami na rin tayong pinagsamahan Ellaine and I will not break any promise to you, but I'm sorry, kung may mga bagay man akong pagpipilian over my wife, siya at siya pa rin ang pipiliin ko. Mas mahalaga ang asawa ko sa kahit na ano, sa kahit na kanino. I'm sorry."
Lumabas ako ng silid bitbit ang tibay ng loob, bagaman pinanghihinaan ako dulot sa mga nangyayari. Nalaman ko na ang tunay na dahilan ng pagdaramdam sakin ni Ellaine.Natatakot siyang maiwan ko, natatakot siya na baka masira ang pangako ko sa kanya na patuloy ko pa rin siyang aalagaan kahit na anong mangyari. Ngayong naipaliwanag ko na sa kanya ang lahat ay mapapanatag na ako. Alam kong naiintindihan niya ang paliwanag ko. Maaari ko ng simulan ang mabuhay na kasama si Allison, kami lamang dalawa.
BINABASA MO ANG
A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)
General FictionA Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW! |COMEDY-ROMANCE-HEAVY DRAMA| Si Allison, labing-siyam...