A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!
-------Unedited and unrevised Version-----------
• Allison's POV
Lumipas ang ilang mga araw na parang pasan ko ang mundo, sa pagdaan rin ng mga araw na 'yon wala akong ginawa kundi ipatatak sa sarili ko na 'makakaya ko 'to', na kaya kong mabuhay ng hindi ko pinapansin ang presensiya niya, na hindi siya kawalan sa buhay ko. Mag-iisang linggo na din ang lumilipas na hindi kami nagpapansinang dalawa ni Tristan, hindi kami nag-uusap, ni nag-iimikan. Kinakausap niya 'ko minsan, ang kaso hindi ko siya pinapansin, lagi ko lang siyang dine-deadma at binabalewala. Bahala siyang magdusa sa buhay niya, bwisit siya.
Nagsasama pa rin kaming dalawa sa isang kwarto dahil ayaw niyang maghinala ang daddy niya sa nangyayari sa pagitan naming dalawa. Nagpalagay siya ng isang kama na nakapwesto sa gilid ng pader na malayo sa kama ko. Ayoko kasing makita pagmumukha niya lalo na sa tuwing matutulog ako, baka kasi mamaya sapian ako ng demonyo at matakpan ko pa ng unan mukha niya para hindi na siya makahinga't mamatay na siya.
Nagagalit pa rin kasi ako sa kanya. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako sa lahat ng masasakit na salita na binitiwan niya sakin n'on. Sobra-sobra akong nasaktan. Sa tuwing naaalala ko lahat ng mga 'yon ay hindi mapigilang kumirot ng dibdib ko, ang sakit-sakit. 'Nung una, halos isampal niya sa mukha ko na mas espesyal at mas mahalaga si Ellaine slash palakang kokak kaysa sakin at pagkatapos naman ipinamukha niya pa na problema ako sa buhay niya, na walang akong kwentang tao. Hindi niya ba alam na ako ang asawa niya? Big word. ASAWA. Diba dapat ako ang una sa lahat? Diba dapat ako lang 'yung mahalaga para sa kanya? Diba dapat ako 'yung espesyal at hindi ang iba? Napakamanhid niya. Sobra.
Siguro nga tama lang 'yung desisyon ko na 'wag muna kaming mag-usap na dalawa, na tapusin ko muna lahat ng kahit na ano mang ugnayan namin ngayon. Gusto kong mapag-isa, gusto kong makapag-isip, at gusto kong dumistansya muna mula sa kanya. Sabi nga nila, if someone doesnt appreciate your presence, then make them appreciate your absence.
"Alam mo, Ayison bakit kaya ganyon mga yayaki? Hik! Mga paasha sila. Nakakainish. Hik! "
Napatingin ako sa harap ko nang pumukaw sa atensyon ko ang parang alien na salita ni Cassie. Nakasubsob na ang mukha niya sa ibabaw ng lamesa dahil sa sobrang kalasingan habang pinupukpok niya 'yon ng malakas gamit ang palad niya.Kasalukuyan kaming nasa beranda ng sala sa second floor ng bahay niya. Nagkayayaan kasi kaming dalawa kanina na mag-one-on-one sa inuman.At base sa mga sinasabi niya ngayon sakin ay alam kong may problema siya sa lalaki, kay Jhay.
"Ayam mo ba, huh? Inyiwan niya ko mag-isha kanina sa date naming dyayawa kasi.. hik! kasi... maysyakit daw shi Ailee. Hik! Ang shakit,shakit n'on."
iyak niya.
Si Cassie talaga oh,parang bata ngumalngal. Eh ano ba naman kasing laban niya kay Ailee, eh ever since the world began magkaibigan na 'yung dalawang 'yon ni Jhay, kaya malamang mahalaga para 'don sa tao si Ailee. Tinapik-tapik ko si Cassie sa likod niya para pakalmahin siya.
"H-Hoy Cassie, ano ka ba.'Wag ka ngang ganyan.Tumahan ka na. Huy. "
impit na sermon ko sa kanya habang pigil ko rin ang emosyon ko.
Ewan ko. Hindi ko rin alam, pero bigla na lang namuo ang mga luha ko sa mata nang marinig ko ang mga hinanakit na 'yon ni Cassie.I can feel her.Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng kaibigan ko ngayon dahil halos pareho lang kami ng problema.Hindi kami ma-appreciate ng mga taong mahal namin dahil mas mahalaga para sa kanila ang mga kaibigan nila.Masakit isipin,pero 'yun ang totoo at habang maaga pa, kailangan na naming gumising sa realidad.
BINABASA MO ANG
A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)
General FictionA Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW! |COMEDY-ROMANCE-HEAVY DRAMA| Si Allison, labing-siyam...