Chapter 11

221K 1.7K 249
                                    

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

 -------Unedited and unrevised Version-----------


"Long time no see kuya." abot tenga ang ngiti na bati ni Yohan kay Tristan habang nakataas ang kanyang kamao.

"Yeah,long time no see." tipid ang ngiting sagot ni Tristan pagkatapos ay idinikit niya ang isa niyang kamao kay Yohan at nagyakapan silang magkapatid at nang matapos ay si Manang Elly naman ang pinuntahan niya at kanyang niyapos.

"Ang ganda mo pa rin Manang ah!" birong puri ni Yohan kay Manang.

"Ay naku, tigil-tigilan mo nga 'kong bata ka." nakasimangot pero masayang sambit ni Manang. Nagtawanan sila.

"Teka, ano nga pa lang masamang hangin ang nalanghap mo't naisipan mong bumalik dito?" kunot-noong tanong ni Tristan. Kung hindi niya siguro kapatid si Yohan, iisipin ko ngayon na naiinis siya na nandito ang bunso niyang kapatid. Hindi man lang kasi ngumiti eh.

Napakamot ng ulo si Yohan.

"May concert kami dito bukas, as in sold-out concert kuya. Aish! Naturingan kayong mga kapamilya ko, concert ko 'di niyo alam? Aish, babo!" -Yohan

"A-Ano?Bobo ako?!" sumama 'yung mukha ni Tristan.

Nagkatinginan kami ni Yohan pagkatapos ay sabay kaming humagalpak ng tawa.

"Bobo daw? Whahaha! Ang tanga talaga kahit kailan ng kuya mo Yohan! Hahaha!"

Tawa ako ng tawa.Sa pagkakaalam ko kasi ibig sabihin ng babo sa Korean ay stupid. Natutunan ko 'yan kay Ailee kasi madalas rin siyang nagsasalita ng korean language, mahilig din kasi 'yun sa k-pop eh kaya pati salita ng mga koreano pinag-aaralan rin niya.

"A-Ano namang nakakatawa d'on? Malay ko bang korean language 'yon? Ano bang alam ko sa korean ngongo na 'yan!" naiinis na sambit ni Tristan dahilan kaya lalo kaming inihit ng tawa ni Yohan. Ayaw kasi ni Tristan na pinagtatawanan siya ng iba, nagagalit siya. Mataas kasi ang tingin niya sa sarili niya.

Nang magsawa kami sa kakatawa ay ikiniyubit ko na ang braso ko sa braso ni Yohan na para bang batang naglalambing. Eh bakit ba, ganto na kami simula bata pa lang at isa pa na-miss ko rin siya ng sobra.

"Tara sa kusina, ipagluluto kita ng lunch." masayang aya ko sa kanya pagkatapos ay hinila ko siya pa-direksyon sa kusina.

"Tamang-tama hindi pa ko nagla-lunch." abot-tengang ngiti ngiti niya habang hinihimas-himas niya ang kanyang tiyan.

"Sige,sige! Anong gusto mong lutuin ko? Sinigang? Adobo? Afritada? Dali sabihin mo." excited na alok ko sa kanya.

"Kahit ano babygirl basta luto mo." nakangiting sagot niya pagkatapos ay naglakad na kami patungo sa kusina.

"Hoy Allison, hindi pa ako kumakain ng tanghalian, ipagluto mo rin ako!"

maawtoridad na utos ni Tristan sa likod.

Napatigil ako sa paglalakad at inis na napabuntung-hininga na lang. ANG KAPAL NG MUKHA NG IMPAKTONG BALIW NA 'TO AH!

Bumitaw ako mula sa pagkaka-kuyabit ko sa braso ni Yohan at imbyernang pumihit ako patalikod para harapin si Tristan.

"Hoy baliw! Hindi mo ako alila huh kaya tumigil ka sa kaka-utos na para bang sinu-swelduhan mo 'ko! Ang kapal talaga ng pag-mumukha mo noh? Kung nagugutom ka pwes magluto ka mag-isa mo!" bulyaw ko sa kanya habang asar na dinuduro-duro ko siya.Ang sama ng ugali ng lamang-lipang 'to!

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon