A Wife's One-Sided Love PART 1-3 are already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!
-------Unedited and unrevised Version-----------
ELLAINE'S POV
"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."
Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nai-dial ang kanyang numero sa hawak kong cellphone, kahit alam kong nakapatay iyon ay heto't umaasa pa rin na baka sakaling buhayin niya iyon. Pinanghihinaan na ko ng loob, gusto kong magwala at magsisigaw upang ilabas lahat ng sari-saring emosyon sa dibdib ko. Gusto ko ng makakausap ngunit wala akong malapitan.
Sa huli pang pagkakataon ay muli 'kong dinial ang numero niya at sinubukan na muling tawagan. Tila naman nabuhayan ako ng loob ng mag-umpisa iyong mag-ring , ngunit panandalian lang iyon dahil nakaramdam ako ng pagkadismaya. Lumipas kasi ang ilang segundo na hindi niya iyon sinasagot, alam kong sinasadya niyang gawin 'yon. Mukang pinanindigan na nga yata niya ang kanyang huling sinabi sakin noon, ngunit hindi ako sumuko, muli ko siyang tinawagan ng paulit-ulit. Alam kong hindi niya ako matitiis.
"Anong kailangan mo?"
Sa wakas ay sumagot na siya, isang matigas at malamig na tinig mula sa kabilang linya.Hindi ako nagpadala sa pag-aalinlangan ko bagkus ay desperadang nakiusap pa 'ko sa kanya.
"M-Migz, pwede ba tayong magkita ngayon? Migz gusto kitang makausap. Please Migz kailangan ko ng-----"
"No."
mabilis na tugon niya, puno ng pagtanggi at pagkagalit. Bigla ay natigilan ako. Kahit kailan, hindi niya ako tinanggihan.
Narinig ko mula sa kabilang linya ang tila walang gana niyang pagbuntung-hininga, parang naiirita.
"Tumigil ka na Ellaine. Wala na akong panahong makipag-usap at makipagkita sayo. At kahit kailan hindi ako magsasayang ni katiting na segundo para sayo. Ayoko ng makita ka kaya tigilan mo na 'ko."
puno ng pagkamuhing sagot niya sakin. Nangatal ang katawan ko dala ng sobrang pagkirot na dinadaing ng puso ko. Hindi ko inaasahan ang isinagot niya sakin. Dati-rati kasi kapag tinatawagan ko siya wala pang tatlong ring sumasagot na siya. Dati, kapag nakiusap ako sa kanya na puntahan niya 'ko wala pang ilang minuto darating na siya.
"Kailangan kita ngayon Migz."
pagmamakaawa ko sa pagitan ng paggaralgal ng tinig ko.
Please, pumayag ka, ikaw lang ang tanging alam kong tao na malalapitan ko.
"Nakalimutan mo na ba lahat ng sinabi ko sayo? Ayaw na kitang makita, ayaw na kitang makausap at kahit kailan, hinding na kita tutulungan. Naiintindihan mo? Ganyan na kita kinamumuhian ngayon Ellaine. Pinagpalit mo ang lahat ng natitira sayo sa isang bagay na alam mong bawal."
Mariin akong napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng matinding hapdi sa puso ko.
"Nasasaktan na ako Migz."
"Wala akong pakialam."
Muli pa sana ako nang bigla akong makarinig ng boses ng babae sa kabilang linya.
"Hey babe, sino ba 'yang kausap mo? Can we continue what were doing now?"
maarteng saad ng babae na base sa boses ay halatang sopistikada at liberated, bagay na siyang gusto ni Migz sa mga babae.
"Sorry babe, wrong number lang."
"Oh I see. Can you end that call now, I can't wait so long."
malambing na saad ng babae at minsan pa'y narinig ko ang paghalik niya kay Migz.
BINABASA MO ANG
A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)
General FictionA Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW! |COMEDY-ROMANCE-HEAVY DRAMA| Si Allison, labing-siyam...