Broken Promises

3.3K 213 26
                                    

I waited for Rhian the whole night but she never came back. Tinawagan ko na lahat ng mga friends namin thinking na baka nagpunta sya dun kahit na alam ko namang malabong mangyari yun dahil hindi nya naman naaalala ang mga naging kaibigan namin dito. Still, nagbakasakali pa din ako.

Kinabukasan, kahit na wala pa masyadong tulog ... maaga pa lang, naghanda na ko para umalis. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap. Wala akong idea kung nasaan sya. Basta ang alam ko lang, hindi ako mapapakali sa bahay ng walang ginagawa para hanapin sya. I need to see her. I need to know what happened to her or I'll go crazy.

Buong araw akong naghanap, nagpaikot ikot sa buong New York City. But there's no Rhian at all. No trace of her. Hapon na ng makatanggap ako ng tawag mula kay Chynna. Tinawagan daw sya ni Rhian at sinabing umuwi na ko dahil nakabalik na sya sa bahay. Walang pagsidlan ang kaligayahan ko. I drove faster as I could. Sabik na kong makita sya. I missed her so much. One night without her is purely hell to me.

Ipinark ko ang kotse ng basta na lang sa tapat ng bahay namin. Nagmamadali akong bumaba at pumasok sa bahay.

"Lablab! Lablab!" Tawag ko sa kanya pagpasok ko loob ng bahay. Wala sya sa baba kaya umakyat ako at dumiretso sa kwarto. And then I saw her standing beside our bed.

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan sya sa mukha. Sinisiguradong nandito talaga sya at hindi ako nananaginip lang. Nang masigurong sya nga talaga, mabilis ko syang niyakap.

"I missed you lablab." Sabi ko sa pagitan ng mga yakap ko. Muli akong bumitiw sa kanya para magtanong. "San ka ba nanggaling? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Pinag alala mo ko." Sunod sunod kong tanong sa kanya.

Hindi nya sinagot isa man sa mga tanong ko sa halip ay tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa mga braso nya.

"Glaiza, hinintay lang talaga kita para makapagpaalam sa'yo ng personal."

"A-Ano? Bakit ... Bakit ka magpapaalam? Hindi kita maintindihan." Nalilito ako sa mga sinasabi nya. Ngayon ko lang napansin ang isang maleta sa tabi nya. At ang malaking bag sa ibabaw ng kama. "Anong ibig sabihin ng maletang 'to? Aalis ka?" I asked bitterly.

Tumango lang sya sa tanong ko. At umiwas ng tingin sa'kin.

"Bakit? Saan ka pupunta? May nagawa ba kong hindi mo nagustuhan? May nasabi ba kong ayaw mo? Tell me para mabago ko. Lablab please, let's talk about this. Hwag kang magpadalos dalos ng desisyon." Nararamdaman kong nag iinit ang sulok ng mga mata ko dahil sa namumuong luha. Hindi ko ineexpect na ganito ang dadatnan ko.

"Glaiza, please don't make this hard for both of us."

Hasta La Proxima VezWhere stories live. Discover now