Beginning Of An Ending

5K 212 45
                                    

Umaagos ang masaganang luha sa mga mata ni Rhian habang nagmamaneho pabalik ng Maynila. Halos hindi na nya makita ang daan dahil sa luha pero ayaw nya pa ding tumigil. Hindi nya pansin ang mga nakakasalubong na mga sasakyan ... basta gusto nya lang magmaneho ng magmaneho. Gusto nyang pagurin ang katawan nya, baka sakaling kapag napagod na ang katawang lupa nya ... mapagod na din ang isip at puso nya. Pinipilit nyang magpakatatag tulad ng sinabi nya kay Glaiza pero mas madali pa lang sabihin kesa gawin. Ilang beses nyang pinigil ang sariling balikan si Glaiza kanina. Gusto nyang magmakaawa at humingi ulit ng tawad, magbakasali at sumubok ulit. Pero alam nyang hindi pa ready si Glaiza. At maliwanag nitong sinabi kanina na wala na syang babalikan pa. Pero paano nga ba mabuhay ng wala sya? Kaya nya pa bang ituloy ang buhay nya ngayong tuluyan ng pinutol ni Glaiza ang manipis na pag asa nyang magkabalikan pa sila? Ang manipis na pag asang yun lang ang tanging kinapitan nya for three years na malayo sya dito. Yun ang ang naging rason nya para ituloy pa ang buhay nya. Now, she has nothing. She's nothing without her. And her life would be a living hell now that she's completely gone out of her life.

Napahagulgol na sya sa matinding sakit na nararamdaman ng puso nya. Kaya hindi nya namalayang napapabilis na pala ang takbo nya. Huli na nang mapansin nyang bangin na pala ang tinutumbok ng sasakyan nya. Pinilit nyang kabigin ang manibela palihis sa bangin pero isang malaking puno naman ang tumambad sa harap nya. Mabilis syang nagpreno pero huli na. Isang malakas na pagsalpok ang yumanig sa buong katawan nya bago sya tuluyang nawalan ng malay.

----

Hindi maintindihan ni Glaiza kung anong nararamdaman nya. Hindi sya mapakali sa pagkakaupo sa bus. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya ... bigla syang kinabahan. Kung bakit ay hindi nya din alam.

Naisip nyang tawagan si Rhian pero hindi naman nya alam ang number nito at hindi din naman nya alam ang sasabihin dito kung sakaling makontak nya. They already said their goodbyes at hindi nga ba't napagpasyahan na nilang magmove on na sa kani kanyang mga buhay nila. Kinalma nya na lang ang sarili at inisip na kaya sya biglang kinabahan ay dahil hindi masyadong pamilyar sa kanya ang lugar at mag isa lang syang magbabyahe patungong Maynila.

Mayamaya pa ay umandar na ang bus na sinasakyan nya. Halos isang oras nang tumatakbo ang bus at medyo komportable na din sya sa pagkakaupo habang nakikinig ng music sa cellphone nya nang maramdaman nyang bahagya silang bumagal. Nasa mabanging bahagi sila ng Zambales at hindi nya alam ang pangalan ng eksaktong lugar. Tinanggal nya ang suot na head phone at tumingin sa labas. Dahil aircon ang bus na sinasakyan nya natural na sarado lahat ng mga bintana, dahilan para hindi nya marinig ang kung anumang nangyayari sa labas. Curious na sumilip sya sa labas ng bintana dahil huminto sila. Bahagyang nagkatraffic dahil sa ambulansyang nakaharang sa dinadaanan ng mga pampasaherong sasakyan. So, there's an accident. Kumpirma ng isang bahagi ng isip nya kahit hindi naman talaga nya nakikita ang kung sinumang naaksidente sa daan. Nagbase lang sya sa ambulansyang nakita. Nakita nyang bumaba ang konduktor ng bus para tingnan kung makakalusot ba sila. Mayamaya ay bumalik ito at narinig nyang ikinukwento sa driver ang nangyaring aksidente. Muntik na daw mahulog sa bangin ang driver ng naaksidenteng sasakyan. Mabuti na lang daw at nakapihit pero hindi pa din naiwasang sumalpok sa isang malaking puno. Unconscious daw ang driver ng nasabing sasakyan at hindi pa malaman ang totoong lagay.

Hindi nya maintindihan pero umusal sya ng taimtim na panalangin para iligtas ang kung sinumang driver ng sasakyang yun.

----

Halos hatinggabi na nang marating ni Glaiza ang condo unit ni George kung saan din sya nakatira. Pagod man sa byahe pero hindi pa din nya makuhang matulog agad. She's tossing and turning in her bed. Nagawa na nya lahat ng maaaring posisyon sa pagtulog pero mailap pa din sa kanya ang antok. Dahil hindi naman makatulog, naisip nya na lang na tawagan si George at kumustahin. Nagbabakasaling gising pa din ito. For all she know, iniisip sya nito kaya hindi sya dalawin ng antok. In the first place, kailangan nya din namang bumawi dito. She's been neglecting George since she left for Zambales, idagdag pa ang hindi sinasadyang nangyari sa kanila ni Rhian.

Hasta La Proxima VezOnde histórias criam vida. Descubra agora