Nasa studio ako ni Rhian at naghahanap ng mga bagay na pwedeng makapagpabalik ng mga alaala nya. O makapagpaalala man lang ng nakaraan namin sa kanya. Hinalughog ko na ang buong studio pero wala talaga akong makita. This can't be. There must be something here. Dapat makahanap ako ng proof na nagmahalan kami. Na minahal nya talaga ko at patuloy na minamahal kung hindi lang dahil sa pesteng amnesia nya.
Nawawalan na ko ng pag asa ng maalala ko ang video cam na binili namin in our recent trip to Fiji. Nagmamadali akong umakyat sa kwarto namin. And there on our bed side table, I saw the video cam. I opened it. Unang tumambad sa'kin ang recent video na ginawa nya. She filmed herself while rehearsing her new piece. Halatang wala sya sa mood base sa walang buhay nyang pagkanta. And then she grab her phone and that was the time she called me. Napangiti ako ng maalala ang mga sinabi nya sa'kin sa tawag na yun. Hindi ko na tinapos ang panunood ng video. Dalidali akong bumalik sa hospital dala ang video cam. This videos are gonna be my lifeline, para hindi sya tuluyang mawala sa'kin.
----
"Where are you going?" Nagtataka kong tanong ng bumungad ako sa hospital room ni Rhian. Her bags are already packed and they're about to go. Mabuti na lang at nagmadali akong pumunta sa ospital. Kung nagtagal pa ko ng ilang segundo, malamang hindi ko na sya inabutan.
"Where going back home." Mommy nya ang sumagot sa tanong ko.
Mula sa mommy nya, lumipat ang tingin ko kay Rhian. Nakatingin lang sya sa'kin. Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa mga kamay.
"Lablab, your home is with me." Nagsusumamo ang boses kong pahayag. Tiningnan ko sya sa mga mata pero wala akong mabasang emosyon sa kanya maliban sa mukhang gulong gulo sya sa pagdating ko.
Kinuha nya ang kamay nyang hawak ko. Hindi ko mapigilang masaktan dahil sa inaakto nya. Parang diringdiri sya sa mga hawak ko, sa haplos ko samantalang sa aming dalawa sya ang mas showy noon. She used to love my touch, the way I caress her, my hugs and my sweet kisses. I've never imagine that this day will happen. That she will flinched everytime I touch her.
"Rhian, we should go. Baka maiwan pa tayo ng flight natin." Yaya sa kanya ng mommy nya. She's a bit hesitant as she look at me pero tumayo na din mula sa pagkakaupo sa kama.
"Wait, lablab. There's something you should see." Pigil ko sa tangkang paglakad nya. Kinuha ko mula sa backpack ko ang video cam at ibinigay sa kanya. Hindi nya kaagad inabot kaya ako na mismo ang naglagay sa mga kamay nya.
"Open it. Baka pag napanood mo yan, maramdaman mo ulit ako dyan." Garalgal ang boses na sabi ko at itinuro ang tapat ng puso nya. "Please lablab." Nagbabadya ng pumatak ang luha sa mga mata ko dahil hindi pa din sya tumitinag at parang walang balak na pakinggan ako.
"Rhian, let's go." Muling yaya ng mommy nya sa kanya. This time hinawakan na si Rhian sa braso to drag her out of the hospital room.
"Mom, I'll just watch it first." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig yun sa kanya. Hindi ko alam kung naawa sya sa'kin pero kung dahil sa awa man kaya ko sya napapayag sa gusto ko ... masakit man pero pagtitiisan ko na din.
JE LEEST
Hasta La Proxima Vez
RomantiekThis is a story about how true love waits for and hopes for. For anyone who has ever loved ... and lost and had another chance of happiness.