It's been a month since Rhian left but the pain never stops. It's just getting worst day by day. Akala ko noon kaya ko ... akala ko kapag binigay ko yung hinihingi nyang kalayaan, kapag binigay ko yung makakapagpasaya sa kanya magiging ok na din ako eventually. Pero hindi pala. Hindi ko pala kaya, hindi ko pala kayang wala sya. My life is useless without her. Kaya after a week simula ng umalis sya, sumunod ako sa kanya sa Pilipinas. Kung kailangang magmakaawa ako para lang bumalik sya sa'kin gagawin ko. Kung gusto nya ng time, ibibigay ko ... kahit gaano katagal maghihintay ako. Kahit anong gusto nya ibibigay ko, kahit buhay ko. Basta dito lang din ako sa Pilipinas, basta natatanaw ko lang sya. Kahit sa malayo lang, kahit sulyap lang. I will compromise with her, on her own terms. That's how she means to me. Kaya kong magpakababa para sa kanya. Mahalin lang ulit nya ko. Hwag lang syang tuluyang bumitiw dahil gusto ko pang kumapit, kahit ang sakit sakit na.
Hinanap ko sya sa Pilipinas. Hindi naman ako nahirapang gawin yun dahil bukod sa mayaman sina Rhian, kilala ang sya at ang pamilya nya sa society world. Nakuha ko ang address ng bahay nila sa isang exclusive village sa Alabang. Ilang beses akong nag abang sa gate ng village nila. Umulan at umaraw nandun ako, nagbabakasakali, umaasa na mapapadaan ang sasakyan nya at makikita nya ko. But in no such luck, there's no trace of Rhian. Ayaw namang magpapasok ng guard dahil mahigpit na ipinagbabawal na magpapasok ng mga uninvited visitors. Kahit sinabi ko na ang pangalan ni Rhian at importante ang sadya ko, hindi ko pa din napilit ang guard ng village nila na papasukin ako.
Nagresearch ulit ako ng mga tungkol sa kanya. Hindi pwedeng lagi na lang akong tumanghod sa gate ng village nila. Tourist lang ako sa Pilipinas, nauubos ang pera at oras ko ng wala namang nangyayari. I need to get my act together if I wanted to get my girl back. Nakakuha ako ng information na nag aaral na sya ulit, na bumalik sya sa Law school. Hindi na ko nagdalawang isip na pumunta sa University kung saan sya nag aaral.
My heart is full of anticipation as I enter the premises of UP College of Law. Hindi ako masyadong pamilyar sa lugar dahil sa Amerika na ko halos lumaki, doon na ko nagkaisip at nagdalaga at doon ko na din nadiscover na babae din pala ang gusto ko. But for Rhian, kaya kong halughugin ang mundo makita ko lang sya. Masabi ko lang at maiparamdam kung gaano ko sya kamahal. Huminga muna ako ng malalim bago ko sya pinuntahan sa classroom nya. Nalaman ko based sa class schedule nya na may klase sya ngayon. Well, I can wait until she finishes her class. Ano lang ba yung ilang minuto o oras kong ipaghihintay kumpara sa tagal ng paghihintay kong gumising sya mula sa coma. But then she woke up. Miracles do happen before. And I know it can happen again. Today.
Malapit na ko sa destinasyon ko ng isang pamilyar na babae ang makatawag ng pansin ko. She's on a bench nearing the entrance. Just a few steps away from me. Nakatalikod sya sa'kin kaya hindi nya ko napansin. I saw Rhian talking to a guy. I know her, kahit nakatalikod sya makikilala ko sya. I've memorized every inch of her. Kaya kahit nakapikit ako, amoy nya lang alam ko na kung nasa malapit lang sya. Napahinto ako sa kinatatayuan ko at bahagyang nagtago sa isang poste sa di kalayuan.
Hindi ko naririnig kung anong pinag uusapan nila pero nakita kong tumatawa si Rhian sa sinasabi ng lalake sa kanya. I never saw her laugh like that eversince she woke up from coma. God, how I missed those laughs, her giggles, her craziness, even her dorkiness, I missed everything about her. At hindi ko minsang hiniling na sana ako pa din ang dahilan ng mga ngiting yun ... na sana ako pa din ang kasama nya sa bawat tawa at halakhak. But as I can see it right now, mukhang nahuli na ko ... mukhang wala na kong lugar sa buhay nya, sa puso nya. Kaya ba nagmamadali syang umuwi sa Pilipinas? Kaya ba basta nya na lang akong iniwan, itinapon na parang basura? Dahil may naghihintay na sa kanya dito? Dahil may iba na? Jealousy consumed me as I saw her in the arms of another man. Nakaakbay pa sa kanya ang lalake at halos walang hanging makakadaan sa sobrang lapit nila sa isa't isa. I swallowed the lump on my throat. Masakit na ang dibdib at lalamunan ko sa pagpipigil na hwag maiyak. Sobrang sakit na makita mo yung taong mahal mo na may nagpapasaya ng iba. How can she do this to me? Akala ko ba kailangan nya lang ng time ... to think, to find herself. Pero parang iba yata ang nahanap nya sa oras na binigay ko sa kanya. I cannot bear the pain anymore, I need to go away. Dun sa malayo kay Rhian, dun sa malayo sa lahat ng sakit at pagdurusa, dun sa malayo sa lahat.
Pagkaalis na pagkaalis ko sa UP, dumiretso na ko sa hotel na tinutuluyan ko para mag empake ng mga gamit ko. I need to go back to New York as soon as possible. Hangga't maaari ayoko ng magtagal pa dito sa Pilipinas. The more na tumatagal ako dito, the more na nasasaktan lang ako. Gusto ko ng lumayo agad sa kanya dahil habang malapit ako baka hindi ko mapigilan ang sarili kong puntahan sya at sumbatan. Ayokong umabot kami sa ganu'n. Kaya habang may respeto pa ko sa kanya at habang may respeto pa ko sa sarili, ako na lang ang lalayo. Ang tanging konsolasyon ko lang ay ang kaalamang ok na sya, masaya na sya. Hindi man ako ang dahilan ng kasiyahang yun, atleast alam isa sa amin ang naging masaya. Kapalit man nun ang tuluyang pagkadurog ng puso at pagkatao ko.
Tumutulo ang luha ko habang inaayos ko ang mga gamit ko. The pain is unbearable. I go straight to the airport that same day. May round trip ticket ako kaya hindi na ko nahirapan.
I felt exhausted when I got back home. Hindi lang katawan ko ang pagod, kundi pati isip at puso ko. Wala akong ginawa sa plane kundi mag isip ... kung ano bang kulang sa'kin? Kung ano bang nagawa at nasabi ko para saktan ako ni Rhian ng ganito. Masama ba kong tao para danasin ko lahat ng 'to? Mali ba na mahalin ko sya ng higit pa sa buhay ko? Si Rhian ang dahilan kung bakit ako sumaya ng sobra pero sya din ang dahilan kung bakit sobrang lungkot ko ngayon. She gave me hope and courage to face life but then all of a sudden she left me with nothing. I don't know where to start now. Hindi ko alam kung makakapagsimula nga ba kong muli. Wala na kong dahilan para gumising sa umaga. Wala na kong uuwian pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho. Wala ng sasalubong at magbibigay ng magandang ngiti sa'kin. Wala na ang mga yakap at mga halik na pumapawi ng pagod ko. Wala na kong dahilan para mabuhay. She's my life and she took everything away when she left ... even the air that I breathe.
Nakahiga ako sa kama at nakatingin lang sa ceiling ng kwarto. I felt numb but my tears kept on pouring. I wept for myself. I can't take the pain anymore. This room reminds me of her. Actually, the whole house reminds me of her. Every corner, everything that's here has her memory. Bumalik sa isip ko lahat ng masasayang sandali namin. Nung mga panahon na amin pa ang mundo. We can't get enough of each other that's why we got married in a hurry. She's the best thing that ever happened to me ... and probably the worst thing, for giving me so much heartaches.
I felt the need to take a shower. Hoping that the water can washed away my pain. Matapos kong timplahin ang tubig sa bath tub. I took off my clothes and lie on it. The warm water soothes my exhausted body. I closed my eyes tightly and the memories kept on pouring again ... dumadaloy kasabay ng mga luhang hindi maubos ubos sa mga mata ko. Mayamaya naramdaman kong namigat ang mga mata ko. Siguro dahil na din sa pinagsama samang pagod, kakulangan sa tulog at sama ng loob kaya hindi ko na namalayang nakatulog na ko. Hindi ko na din pinigilan dahil gusto ko na ding ipahinga ang isip ko, lalung lalo na ang puso ko ... kahit sandali lang.
Pagmulat ko ng mga mata ko, napansin kong nasa isang maliwanag na lugar ako. Sobrang liwanag, nakakasilaw na liwanag. Tumingin ako sa paligid ko. Hindi ko alam kung nasan ako, o kung anong ginagawa ko sa lugar na yun. The place doesn't look familiar. And then I saw Rhian, at the end of the tunnel. She's so near yet so far. She's looking at me and she's in tears. I wanna hold her, I wanna wipe her tears and assure her that everythings gonna be alright. Na nandito lang ako, na hindi ko sya iiwan kahit anong mangyari. Nakita kong palayo sya ng palayo. Gusto kong habulin sya pero hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. I felt stuck, parang ang bigat ng mga paa ko. Parang may malakas na pwersang humahatak sa'kin para hindi ko masundan si Rhian. Itinaas ko ang isang kamay ko at pilit ko syang inaabot, ganundin naman ang ginawa nya. Malinaw kong nakikita ang paghihirap sa mukha nya. She said something I can't understand, and then she vanished like thin air. Sumigaw ako ng ubod lakas, isinigaw ko ang pangalan nya at kung gaano ko sya kamahal. Nagmakaawa ako na hwag nya kong iwan, na lumaban sya. But then she never came back and I left alone again. This time sa isang madilim at malamig na lugar. Halos wala akong makita. Wala akong marinig. Wala akong maramdaman. And then suddenly I can't breathe. I felt my chest tightened. And then I saw myself lying in a cold pavement, without life.
To be continued ...
YOU ARE READING
Hasta La Proxima Vez
RomanceThis is a story about how true love waits for and hopes for. For anyone who has ever loved ... and lost and had another chance of happiness.