Moment Of Impact

10.7K 244 18
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakahiga sya sa Intensive Care Unit ng isang malaking ospital sa New York. Punung puno ng aparato ang katawan nya. Mga life supporting devices na tanging dahilan kung bakit buhay at humihinga pa sya, ang dahilan kung bakit kasama ko pa sya hanggang ngayon.

She's been in a coma for 8 months now. Sabi ng mga doktor maliit daw ang chance na mabuhay pa sya at kung mabubuhay man sya may posibilidad na maging lantang gulay na ang katawan nya.

Mahirap para sa'kin na makita syang nasa ganyang kalagayan. Nakahiga lang, nakapikit at walang anumang emosyon. Hindi ko alam kung naririnig nya lahat ng mga sinasabi ko sa kanya pero hindi ako magsasawang dalawin at kausapin sya araw araw. Hindi ako magsasawang maghintay, sa muli nyang pagbabalik sa'kin. Sa kabila ng lahat, umaasa pa din ako na maghihimala ang langit at gigising sya para ituloy ang pag iibigan namin. Na sabay naming tutuparin ang mga pangarap namin.

Hindi ko napigilang haplusin ang maganda nyang mukha.

"Hi lablab! Alam mo, may good news ako sa'yo. Yun mga alaga mong hamsters, nanganak na. Hwag ka mag alala, lagi ko silang pinapakain. Inaalagaan ko sila kagaya ng pag aalaga mo. Siguro nga namimiss ka na din nila. Kelan ka ba kase gigising dyan? Ilang beses na kitang kiniss pero hindi ka pa din nagigising. Diba si sleeping beauty nung kiniss ng prince charming nya, nagising na. Sabagay, hindi naman ako prince charming pero ako naman ang princess charming mo." Medyo natawa din ako sa mga sinabi ko.

Hinawakan ko ang isang kamay nya at pinagsalikop ko sa kamay ko.

"Lablab, namimiss ko na yung paghoholding hands natin ng ganito. Namimiss ko na yung mga yakap mo. Hindi ako makatulog ng maayos sa gabi kase wala akong katabi sa higaan. Ang laki na nga ng eyebags ko dahil sa puyat. Ayaw mo pa namang nagpupuyat ako dahil anemic ako diba? Lablab, gumising ka na please." Hindi ko na napigilang pumatak ang luha sa mga mata ko. Pinipilit kong maging malakas dahil alam kong manghihina din sya kapag pinanghinaan ako ng loob pero sa tuwing dadalawin ko sya hindi ko mapigilang maiyak sa sitwasyon nya, sa sitwasyon namin.

Nagpaalam na ko at nangakong babalik bukas. Hinalikan ko muna sya sa noo bago tuluyang lumabas ng ICU.

----

Hasta La Proxima VezTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang