One Crazy Night

4.7K 210 22
                                    

"Rhian, will you please walk as normal as you can? Pinagtitinginan na tayo ng mga empleyado mo. Hindi mo gugustuhing pagtsismisan ka nila bukas." Naiinis kong bulong kay Rhian habang palabas kami ng restroom. Hindi sya sumagot at lalo pang isiniksik ang sarili sa'kin. Napailing na lang ako dahil alam kong epekto lahat ng alak ang mga ginagawa nya ngayon.

She can barely walk kaya halos buhatin ko na sya papunta sa elevator. My hands snaking on her waist at ganundin naman sya sa'kin habang naglalakad kami. Hindi pa sya nakuntento at inihilig nya pa ang ulo nya sa balikat ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makasakay na kami sa elevator. But I cursed quietly when someone took a picture of us bago pa man sumara ang pinto ng elevator.

"Where's your car?" Tanong ko sa kanya ng marating na namin ang parking lot. I look at her as she tried to open her eyes.

"I don't have a car." She murmured and then close her eyes again.

"A-ano? Rhian, hwag ka munang matulog. Nasa'n ba kase yung kotse mo?" Kunot noo kong tanong at niyugyog sya ng bahagya para magising.

Umungol lang sya kaya wala na kong nagawa kundi dalhin na lang sya sa kotse ko. Wala naman talaga akong balak na ihatid sya, inisip ko kanina na dalhin na lang sya sa kotse nya at ipahatid na lang sa driver nila. Pero hindi ko naisip na kasabay nya nga palang dumating ang boyfriend nya sa party. So, malamang sinundo lang sya at kotse ng lalake ang ginamit nila.

I put her in the passenger seat gently. Kinabitan ko muna sya ng seatbelt at inayos sa pagkakasandal sa headrest ng sasakyan bago ako lumigid sa kabilang side at umupo sa drivers seat.

I start the car engine and drive her home just as she ordered awhile ago. I still know their mansion in Alabang at sigurado naman akong dun pa din sila nakatira ngayon. Kung hindi man, I'll just wake her up later to asked her new address. Hindi ko mapigilang sulyapan sya habang nagmamaneho ako. She's sleeping like a baby in my passenger seat. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong haplusin ang mukha nya. Natatakot akong baka magising sya at mahuli ako sa akto. God, how I missed this woman. Akala ko immune na ko sa charm nya pero hindi pa din pala. Malakas pa din ang hatak sa'kin ni Rhian. Sa kabila ng lahat ng pasakit na dinala nya sa buhay ko hindi ko pa din talaga sya matiis. Isang patunay lang ang nangyaring conversation namin kanina sa restroom. I tried to appear hard and ruthless pero ng makita kong tumutulo na ang luha nya, naglahong parang bula lahat ng reservations ko mula sa kanya. I found myself doing her a favor again. And when I heard her saying sorry, that's where reality hits me. Her sorry is not enough to erased all the pain in my heart. Hindi sapat ang sorry lang para mapatawad ko sya sa lahat ng sakit at hirap ng loob na binigay nya sa'kin.

I saw her stiffened when Mr. Wilson introduced me to her. I almost laugh at her reaction but then I decided to just give her an emotionless facial reaction. Ayokong mabasa nya ang totoo kong nararamdaman sa muli naming pagkikita. Inaasahan ko ng hindi nya ko irerecognized bilang asawa nya so I just played along with her. Kung laro ang gusto nya, pagbibigyan ko sya. Pero sisiguraduhin kong sya naman ang matatalo sa huli. I gave my hand for a handshake at ramdam ko ang pag aalinlangan nya ng abutin ang kamay ko. Sobrang lamig ng kamay nya. Is she nervous or am I just assuming?

Inanyayahan ako ng kapatid nyang umupo sa table nila kaya napilitan akong maupo sa tapat nya. Dumating si George mayamaya at nakiupo na din sa tabi ko. Paminsan minsan ay napapasulyap ako sa kanya kapag kinakausap ako ni Nadine. There are times na nagtatama ang mga mata namin pero kaagad syang nagbababa ng tingin o kung hindi man ay umiiwas. Napansin kong sunod sunod ang ginawa nyang pag inom ng wine. Gusto ko man syang sawayin, alam kong wala naman akong karapatan na sa kanya at wala ako sa posisyon para gawin yun. I wonder why her boyfriend doesn't tell her to stop because she had enough of alcohol in her body already. I know Rhian, beer lang ang kayang itolerate ng katawan nya. Madali syang nalalasing sa ibang alak. I'm dead worried about her kaya ng makita ko syang tumayo para magpunta sa restroom. Mabilis pa sa alas kwatrong nagpaalam din akong magccr para lang sundan sya. Hindi nga ako nagkamali, she's really drunk because I saw her when she swayed the moment she step out of the cubicle. Mabuti na lang at maagap ko syang nasalo. Thanks to Muay Thai, my reflexes working overtime.

Hasta La Proxima VezOnde histórias criam vida. Descubra agora