Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Nagpalinga linga ako sa paligid but I was alone. Napansin kong may nakakabit na dextrose sa kaliwang kamay ko. I'm in a hospital, sabi ng isip ko. But what am I doing here? Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit balikan ang mga nangyari. As far as I can remember, I was in my tub mourning for my broken heart. So who brought me here? What really happened puzzles me. Nasa ganun akong pag iisip ng pumasok si Chynna sa kwarto.
"Glai, gising ka na pala. Kumusta na pakiramdam mo? Wait, I'll just call the doctor?"
"Chyns, anong ginagawa ko dito?" Naudlot ang tangkang paglabas ni Chynna ng kwarto at muling pumihit at humarap sa'kin. Lumapit na sya ng tuluyan sa hospital bed ko.
"I caught you drowning in your own tub."
Napakunot noo ako sa sinabi nya.
"Ano? Paanong --?" Nalilito kong tanong.
"Are you trying to commit suicide?"
"No!" Nanlalaki ang mga mata kong sagot. Kahit gaano kabigat ang problema ko, kahit kailan hindi ko naisip na kitilin ang sarili kong buhay.
"Then why I caught you on that tub almost lifeless? Hwag mong sabihin sa'king napagkamalan mong swimming pool yung bath tub kaya naisip mong lumangoy." Naiinis na sabi ni Chynna.
"Yeah, I remember I fell asleep on the tub."
"Para ka namang gago Glaiza eh. Bakit ka naman dun natulog? Ano, tanga lang? Alam mo bang kung hindi kita nakita kaagad malamang pinaglalamayan ka na ngayon. Mabuti na lang naisip kitang puntahan para icheck kung bakit hindi ka pumapasok." Naiiritang sermon ni Chynna.
What Chynna said brings me back to reality again. And the reality brings back the pain again. Muli na namang pumatak ang luha ko pagka alala kay Rhian.
"Pucha naman Glaiza oh, tigilan mo na nga yang kakaemote mo. Gets ko naman eh ... iniwan ka, nasaktan ka. Pero iiyak ka na lang ba? Kung mahal mo, ipaglaban mo. Kung hindi mo kaya, mag move on ka na. Ganun lang kasimple yun."
YOU ARE READING
Hasta La Proxima Vez
RomanceThis is a story about how true love waits for and hopes for. For anyone who has ever loved ... and lost and had another chance of happiness.