Nagmamadali na ko dahil almost 30 minutes late na ko sa usapan namin ni Nadine. We decided na magkita na lang sa airport para sa flight namin papuntang Zambales. Tinanghali ako ng gising dahil halos madaling araw na ko nakatulog because of George's and I non-stop chitchat over the phone last night. She left for Singapore yesterday morning para umattend sa annual board meeting ng HGC. His Dad couldn't make it due to some health issues kaya sya ang pinakiusapang pumunta ng ama. Ayaw nga sanang umalis ni George dahil ayaw nya kong iwang mag isa sa condo nya but I insisted na kaya ko namin. Anyway, 3 to 4 days tops lang naman sya dun. And I told her na pupunta din naman ako ng Zambales kasama ni Nadine so pagbalik nya, for sure nakabalik na din ako sa trip ko sa Zambales.
Pababa na ko ng condo bitbit ang luggage ko when I received a text message from Nadine at sinabing nasa baba na sya at naghihintay. Change of plans daw, instead of traveling by air magkotse na lang daw kami papunta sa Zambales. Nagkibit balikat na lang ako sa message nya. Ano naman kayang trip ng kapatid ni Rhian at nagbago ang isip. Mga mayayaman talaga, masyadong pickle minded.
Nasa labas na ko ng condo at nagpapalinga linga dahil hinahanap ko kung saan nakapark si Nadine. Wala akong sasakyan kaya malamang kotse nya ang gagamitin namin. Iniisip ko pa lang kung ano kayang model ng sasakyan ni Nadine nang isang bagung bagong modelo ng Hummer ang huminto sa harap ko. Hindi ko kaagad nakilala ang sakay kung hindi pa ibinaba ang bintana ng sasakyan nito.
"Hop in." Nakangiting mukha ni Rhian ang bumungad sa'kin.
"W-What are you doing here? Where's Nadine?" Nagtatakang tanong ko dahil hindi ko inaasahan na sya ang susundo sa'kin.
"Well, she can't make it today so ako na lang muna ang representative nya." She's smiling sweetly na nagpakaba sa'kin. We can't go on this trip together. This is a big NO! Umiilaw ang mga warning signs sa isip ko.
"Tell her na iresched na lang namin ang trip na 'to. I can wait until she's free." Tugon ko at muling binitbit ang luggage bago tinalikuran na si Rhian.
"Why resched when I'm already here? And as your boss I'm ordering you Architect to get your ass on the car." Rhian said firmly na nagpahinto sa paglakad ko.
Hindi ko nagustuhan ang tono ng boses nya kaya naniningkit ang mga matang humarap ako sa kanya.
"What did you just said?" Pilit nagpapakahinahong tanong ko pero hindi naitago sa boses ang pag ahon ng inis.
"I said get your ass of here." Sabi nya sa hindi mababaling tinig.
"Pa'no kung ayoko?" Matigas na sabi ko. Who does she think she is? She maybe the owner of HGC but she's not my direct boss. She can't order me around! Nadine is my boss not her.
"May dahilan ba para hindi ka sumakay sa kotse ko? O baka naman natatakot ka? Are you afraid of me Architect?" Naghahamong tanong nya. Itinaas sa ulo ang shades na suot at nakipagsukatan ng tingin sa'kin.
YOU ARE READING
Hasta La Proxima Vez
RomanceThis is a story about how true love waits for and hopes for. For anyone who has ever loved ... and lost and had another chance of happiness.