Prologue
JUNE 2012 at Starbucks, Torre Lorenzo.
"Joanna, my zizzyyyyy!!!" malakas ng boses na tawag ko sa best friend ko na si Joanna pagkapasok ko sa coffee shop. Dire-diretso ako sa couch na kinauupuan niya.
"Really, Mika... Do you really have to shout? Everyone in this coffee shop knows my name already. Thanks to you," nakasimangot na sabi ni Joanna.
Tumawa lang ako at mahigpit na niyakap siya. Sobrang na-miss ko siya dahil ilang taon din kaming hindi nagkita. Alam kong pinagtitinginan kami ng mga tao ngayon. Paanong hindi eh napakaganda ng kaibigan kong ito. I'm pretty sure pictures of me and Joanna hugging each other are now circulating on Twitter. I'm also sure that my haters and bashers are now having a field day spreading evil rumors about me and Jo. Ano pa ba ang bago? Mula nang makilala ako sa UAAP, people have been talking and questioning my sexuality. Just because I don't like girly stuff, I wear my hair short, I don't put make up unless necessary and I don't have a boyfriend, my bashers think I'm lesbian. Pero dedma na lang ako sa kanila. Only those people close to me knows I'm straight as an arrow. Kiber sa mga makakating-dila!
"Sorry, zizzy! Sobrang happy lang ako that you're finally here. You're going to study na at my school, right?" tanong ko sa kaniya.
Zizzy ang tawagan namin back in high school, which means sister. Apat kaming magkakabarkada sa St. Scholastica noong high school pero nagkahiwa-hiwalay kami pagdating ng college. Jessey went to UST, Pia went to UP, Joanna went to Paris and I went to Dela Salle University. Magkaganoon man ay hindi nasira ang pagkakaibigan namin. Jessey, Pia and I usually hang-out pa rin during our free time. Kahit magkakalaban kami sa court dahil pare-pareho kaming volleyball player ay hindi naapektuhan noon ang friendship namin. Si Joanna naman, since malayo siya sa amin, ay madalas naming makausap through Skype. Sa Paris kasi siya kumuha ng fashion design na course. But still, distance wasn't able to affect our closeness.
"Yes, Miks. In fact, nagstart na ang classes ko kanina," nakangiting sabi niya. "I'm so excited to hang out with you and Jessey and Pia. Oh my God! I have so many kwento. I can't wait to see them na."
"Me, too. Grabe! I miss you talaga, Jo. Marami kang utang na kuwento sa amin nina Jessey and Pia. Oh, wait lang, I'll get something to eat muna ha? I'm starving na eh. Kakatapos lang kasi ng training namin. Light meal lang ako kanina sa breakfast eh. Tapos I'll run to my class pa later. We only have a couple hours to make kwento. Wait lang, ha?" Nag-excuse ako sa kaniya at nagpunta na sa counter.
Medyo mahaba ang pila pero no choice ako kung hindi maghintay. I took my phone out and started checking my Twitter when a heard someone spoke at my back.
"Mika Reyes, right?"
Napalingon ako sa nagsalita.
Uh-oh! Hindi ko napigilang magblush nang makita ko kung sino siya. Agad akong yumuko para itago ang pamumula ng mukha ko.
Breathe, Mika, breathe! Si Jeron Teng lang 'yan. 'Wag kang mataranta.
Oh my God! He is so cute up close! Siyempre kilala ko siya. Siya ang number one rookie ng basketball varsity team ng DLSU. Last summer lang ako naging aware sa kaniya kasi usap-usapan siya sa school community. Kahit mga team mates ko ay kinikilig sa kaniya. Sa internet ko lang nakita ang pictures niya at doon ko lang nalaman na sobrang cute niya pala. Pero hindi ko alam na kilala niya pala ako.
Nang makabawi ako sa pagkabigla ay muli akong lumingon sa kaniya. Ang nakangiting mukha niya ang humarap sa akin.
"Ahhh, y-yeah, ako nga. Bakit?" medyo tabingi ang pagkakangiti ko. Nakakaconscious kasi siyang tumingin.
BINABASA MO ANG
Why Are We Still Friends? (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)
FanfictionPlatonic Love is defined by Merriam-Webster as a close relationship between two persons in which sexual desire is non-existent or has been suppressed or sublimated. In this day and age, can two attractive, high-profile student athletes really stay '...