Chapter 19
[Mika's POV]
NAGMULAT ng mga mata si Gabby at nakita ako na nakatunghay sa kaniya. Awtomatikong ngumiti siya at umilaw ang mga mata. Ngunit biglang kumunot ang noo niya nang matitigan ako.
"I hope it's not because of me," sabi ni Gabby habang matamang nakatingin sa akin.
"Huh?" nagtatanong ang tingin ko. Hindi ko siya naintindihan.
To my surprise, he put his hand on my face and gently ran his fingers over my swollen eyes.
"This. I hope it wasn't me who made you cry," simpleng sabi niya habang seryosong nakatutok sa akin ang mga mata.
Kumilos ako para kumuha ng upuan. Style ko 'yun para iiwas ang mukha ko sa mapanuring mga mata ni Gabby.
"How are you feeling, Gab?" pangungumusta ko sa kaniya para maiba ang usapan. "Ang tanda-tanda mo na, nagkakafever ka pa," biro ko.
Ngumiti lang siya sa akin at hindi sumagot. Tinititigan niya pa rin ako kaya hindi ko maiwasang mailang. Para kasing gusto niyang basahin ang nasa isip ko
"Huyyy! Ano ba! 'Wag ka ngang ganyan," saway ko sa lantarang pagtitig niya.
"Who made you cry, Miks?" seryosong tanong niya pagkaraan ng ilang saglit.
Ayaw talagang magpaawat nito o!
"Wala, kasi hindi naman ako umiyak," diretsong sagot ko kahit hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso. "Ano... nairritate sa contact lens 'yung mga mata ko kaya medyo namumula," pagdadahilan ko.
Hindi na naman nangulit pa si Gabby kahit feeling ko eh hindi siya naniwala sa sinabi ko.
"Thanks for coming, Miks. Pero sana hindi ka na nagpunta dito," sabi ni Gabby.
Gusto kong magtampo nang tingnan ko siya. Nag-effort na nga akong pumunta tapos ayaw niya naman pala na nandito ako.
"Ah ganu'n ba? O sige, alis na ko," nagtatampong sabi ko sabay tayo.
Mabilis naman niyang nahagip ang kamay ko at hinila ako pabalik.
"Ito naman! Ang bilis magtampo," nakangiting sabi niya nang umupo ako ulit. "I love you..."
Gulat na napatingin ako sa kaniya.
"Err, I mean, I love that you're here," mabilis na pagtatama niya. "I really appreciate you visiting me, Miks, but I'm just scared that you might catch the virus, and then you'll get sick, too. That'll make me more worried, you know? Magpapakita na lang ako sa 'yo when I'm better and hindi na nakakahawa."
Natouched naman ako sa concern niya. Somehow, being with Gabby gives me an unexplainable light feeling. Parang nababawasan ang bigat ng pakiramdam ko kapag nakikita ko siya.
"Arte mo!" biro ko. "Magpagaling ka na, huyyy! Tama na ang pahinga. Training training din 'pag may time," kantiyaw ko sa kaniya na ikinatawa niya.
Sasagot pa sana siya nang mainterrupt ng tunog ng cellphone ko. Saglit na sinilip ko kung sino ang tumatawag.
"O, why don't you answer?" nagtatakang tanong ni Gabby nang tingnan ko lang ang cellphone at hindi sagutin. "Baka importante ang sasabihin ni Jeron."
Yumuko ako para hindi makita ni Gabby ang sakit sa mga mata ko na awtomatikong lumabas nang banggitin niya si Jeron.
Nagulat pa ako ng kuhanin niya sa akin ang cellphone ko at sagutin ang tawag.
I made a mental note to change my sim card so Jeron and Joanna would leave me alone.
"Hey, bro. Gabby here. What's up?" narinig kong sagot niya kay Jeron.
[Jeron's POV]
I HARDLY slept last night. Sobrang nag-aalala ako kay Mika. Alam kong galit na galit siya. I wasn't expecting she'll find out about Joanna's secret that way. I know how bad she must be feeling right now. Pakiramdam niya siguro ay pinagtulungan namin siya ni Joanna. But it's not like that. I could never do that to her. Kaya lang, gustuhin ko mang sabihin sa kaniya ang sekreto ni Joanna ay wala naman akong karapatan dahil hindi ko sekreto 'yun.
Isa pa ay naguluhan ako sa sinabi niyang nilihim ko raw tungkol kay Vanessa. What was that? Did she think there's something going on between Vanessa and me? That's ridiculous! Magkaibigan lang kami ni Vhan. Yes I did went out with her a few times, but never just the two of us. I make sure Gabby is always with us because I don't want Mika to think I'm fooling around while she's gone. Kahit wala pang alam noon si Mika sa nararamdaman ko sa kaniya ay naging matino ako. I tried to be as faithful as I can be. I need to know where Mika got the idea because it's totally wrong.
Alam kong shocked lang si Mika ngayon but I'm positive we'll get through this. Maaayos din namin ang lahat. I won't stop until we're back together no matter how hard she pushes me away. Ngayon pa ba ako susuko kung kelan alam ko nang mahal niya rin ako? She's just hurting right now but I'm pretty sure she'll come around.
I decided to call her again. I've been calling since last night but she's not picking up. Okay lang kahit mapudpod ang daliri ko sa pagdial, I won't give up. Pasasaan ba't makukulitan din si Mika at sasagutin niya rin ang tawag ko.
I was surprised when the ringing stopped. She picked up on the seventh ring.
See? I knew she would pick up.
"Hello, Mika?" Hindi ko napigilang mapangiti sa sobrang saya.
Na agad ring nabura nang marinig ko ang nagsalita sa kabilang linya.
"Hey, bro. Gabby here. What's up?"
"H-hey, man. Sorry, I think I dialled the wrong number. I was trying to call Mika," sabi ko. I'm seriously hoping na nagkamali lang ako ng pindot sa phone ko.
"Nah, you got the right number, Je. I just answered for her. Ayaw niyang sagutin eh-- Ouch!" narinig kong sabi ni Gabby na sinundan ng halakhak. Parang pinalo yata siya ni Mika base sa narinig kong tunog.
Pinalo na, ang saya-saya pa! Tssssss!
"Where you at, bro?" nakasimangot na tanong ko. Kung pwede ko lang sigawan si Gabby ay kanina ko pa siguro ginawa.
"Still at the hospital," sabi niya.
Oo nga pala, may trangkaso nga pala siya. Ibig sabihin dinalaw pa talaga siya ni Mika sa hospital?
Kinakatkat ng selos ang puso ko. Bigla akong nakaramdam ng sobrang takot. Paano kung sa sobrang galit ni Mika sa akin ay kay Gabby siya bumaling? Baka bigla na lang niyang sagutin si Gabby para gumanti sa akin.
No! I won't let that happen, maigting na tutol ng puso ko.
"Bro, can I speak with Mika please?" pakiusap ko.
I can hear whispers in the background. Parang nagpipilitan pa silang dalawa. Ilang sandali muna ang lumipas bago ko narinig ulit si Gabby.
"Sorry, man. I don't know what happened between the two of you but she doesn't wanna talk to you daw eh."
Nanlulumong nagpaalam ako kay Gabby. Parang gumuho ang lahat ng positivity ko. What am I going to do now?
[Mika's POV]
I CHANGED my number para hindi ako guluhin nina Jeron at Joanna. Hindi ko pa kayang makipag-usap sa kanila dahil punong-puno pa rin ng galit ang dibdib ko. Ilang beses nag-attempt si Jeron na kausapin ako para magpaliwanag pero hindi ko pa talaga siya kayang harapin. I tend to get violent whenever I'm mad kaya as much as possible ay umiiwas akong makaharap siya. I don't want to do things I might regret later on. Kaya nga ayoko muna silang makausap dahil baka may masabi akong masasakit na salita na baka pagsisihan ko rin.
Wala akong pinagsasabihan ng mga pangyayari maliban kina Jessey at Pia pero sa tingin ko ay nahahalata na ng mga teammates ko. Alam kong nagtataka rin si Gabby pero thankful ako dahil nirerespeto niya ang pananahimik ko.Namimiss ko rin ang company nina Jeron at Joanna, especially kapag ganitong lunch time, pero good thing dahil palaging nasa tabi ko si Gabby. He fills the void caused by Jeron.
Agad akong nag-angat nang tingin nang umupo si Gabby sa tapat ng upuan ko at isa-isang ilabas ang mga pagkaing dala-dala niya. Saglit siyang nagpaalam sa akin kanina. Akala ko naman ay bibili siya ng pagkain namin. 'Yun pala ay kinuha lang ang baon niya.
"Woah! You are way too spoiled, Mr. Reyes. Masyado ka yatang binebaby sa inyo ah. Imagine, ang laki-laki mo na pero ipinagluluto ka pa rin ng mommy mo," nakangiting kantyaw ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya at inabutan ako ng kutsara't tinidor.
"It's not for me. Para sa 'yo 'yan. Come on, eat them all up," nakangiting sabi niya habang inilalapit sa akin ang mga pagkain.
Hindi naman ako nagpakipot pa dahil talagang nagugutom na ako, bukod pa sa paborito kong lahat ang pinabaon kay Gabby. There's my favorite carbonara, buffalo wings and some bruschetta.
Nakailang subo na ko nang mapansin kong hindi kumakain si Gabby.
"Uy, ano ka ba? Kumain ka nga. Nakakahiya naman kung ako ang uubos ng baon mo. Sorry, kapalmuks talaga ako 'pag ganitong gutom ako," I grinned at him.
"It's okay. Para sa 'yo talaga 'yan. Baka mamaya pagalitan pa ako nu'ng nagprepare niyan eh," tanggi niya. Pero pinilit ko pa rin siyang kumain kahit panay ang tanggi niya.
Hinawakan ko ang mukha niya at iniumang ang tinidor ko na may carbonara.
"Say ah," nakangiting sabi ko sa kaniya habang sinusubuan siya.
Nafreeze ang ngiti at ang kamay ko nang mahagip ng paningin ko ang malungkot na mukha ni Jeron na nasa may 'di kalayuan sa amin. Hindi ko maiwasang mabother sa expression niya. Para siyang nasasaktan na galit na hindi ko maintindihan.
Selos ba 'yung nasa mata niya? Nagseselos ba siya kay Gabby? tanong ng isip ko.
Pero hindi. Bakit naman siya magseselos eh pinasakay niya lang naman ako. All this time ay may Vanessa naman siya.
Pain and hurt were reflected in my eyes once more. I slowly put down the fork. I tried to ignore Jeron and revert my eyes on Gabby. Sinundan niya rin pala ng tingin si Jeron.
Maya-maya ay inabot niya ang isang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa at seryosong nagsalita.
"Until now I still don't know the reason why your friendship fell apart. And I won't force you to tell me, Miks. Alam kong marami kang dinadala diyan sa dibdib mo. In case you feel it's too much for you to bear, always remember that I'm just here ready to share your load. Hindi lang si Jeron ang pwede mong maging kaibigan, Miks. I'm here, too."
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Sa pinagdadaanan ko ngayon na feeling ko nawalan ako ng dalawang kaibigan, sobrang nakakagaan sa dibdib ang sinabi ni Gabby. He doesn't have any idea how much his words meant to me. Because more than a boyfriend, I need a friend right now. I need someone who will understand all the things I'd rather left unsaid.
Gabby took out his hanky and gently wiped my tears. I just smiled at him as a sign of appreciation.
A/N: Short update lang po. I know, I know... bitin na naman. :) Sorry po. Eto lang ang kebs ng powers ko for today eh. Nagluluksa pa kasi ako sa pagkatalo ng Green Archers.
Thanks for reading and patiently waiting for my update. God bless everyone! Lab and gigil! Mwah mwah tsup tsup!
BINABASA MO ANG
Why Are We Still Friends? (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)
FanficPlatonic Love is defined by Merriam-Webster as a close relationship between two persons in which sexual desire is non-existent or has been suppressed or sublimated. In this day and age, can two attractive, high-profile student athletes really stay '...