Chapter 13
[Mika's POV]
"Iba ka talagang dumiskarte, Gabby! Swabeng-swabe! Saludo na ko sa 'yo," kinikilig na sabi ni Carol.
Ngumiti lang si Gabby kay Carol at pagkatapos ay humarap sa akin. Si Carol naman at ang mga teammates ko ay pumasok na sa loob para makapag-usap kami ng maayos ni Gabby.
"Miks, am I forgiven na?" hopeful ang ngiti niya habang inaabot sa akin ang bungkos ng bulaklak.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Kinilig naman ako pero bakit ganu'n? Parang may kulang... While the choir was singing, there's a voice inside me wishing it was someone else and not Gabby.
Ano ba, Mika?! Si Gabby ang nag-effort at hindi si Jeron. Tigilan mo na nga ang kakaisip sa taong hindi ka naman yata naiisip, sermon ng isip ko.
I pushed Jeron at the back of my mind and smiled at Gabby as I accepted the flowers.
"Thanks, Gab. Of course, apology accepted. Nakakahiya naman sa effort ng choir, 'di ba?" nakangiting sabi ko.
"Awww! Dahil lang pala sa choir?" nagpapaawang sabi ni Gabby.
"Sira! Siyempre most of all, sa effort mo. Paano mo napakiusapan ang DLSU Chorale na dumaan dito eh 'di ba super hectic ng sched nila?" tanong ko kay Gabby habang nakangiti sa mga choir members. "Thank you po, ah? Ang galing galing niyo, promise." Isa-isa ko silang tiningnan at nginitian.
"Well, all it takes is just the right connection," smug na sabi ni Gabby. "Marvin, the guy with the guitar, is my sister Isabel's boyfriend. Then Noel and Fiona are Marvin's blockmates. Sharlyn here is Isabel's best friend," sabi ni Gabby habang isa-isang pinakilala sa akin ang choir members. "Tapos 'yang si Vanessa sa tabi mo... well, nevermind," biro niya na ikinasimangot ng girl na tinawag niyang Vanessa. "No, childhood friend namin siya ni Isabel."
"So you got their services for free? Akala ko pa naman may effort ng konti," nakataas ang kilay na biro ko kay Gabby.
"Don't worry, Mika. Free 'yung sa mga kasama ko pero sa akin, paghihirapan ni Gab ang kapalit," nakangiting sagot ni Vanessa. "Nice to meet you nga pala, Mika. Call me Vhan na lang," sabi niya sabay abot ng kamay.
Nakangiting tinanggap ko ang kamay ni Vhan. I think I'm going to like her. May pagkakalog din siyang tulad ko.
"So, ano'ng kapalit ng favor mo, Vhan?" curious na tanong ko.
"Katawan ko," nakangising sabat ni Gabby.
"Ewww! Nilibre ko na lang sana kung 'yun din lang pala," nang-aasar na sagot naman ni Vhan. Bumaling siya sa akin at ngumiti ng matamis bago sinabing, "A date with Jeron."
"Pardon?" Hindi ko yata masyadong narinig.
"Humihingi ng date kay Jeron. Patay na patay kasi 'yan sa best friend mo eh," sagot ni Gabby.
'Yung laki ng ngiti ko kanina pakiramdam ko ay biglang naging ngiwi. Mabuti na lang pala at nakatayo ako dahil kung nakaupo ako, malamang mahulog ako sa kinauupuan ko.
Kanina naisip ko na magugustuhan ko si Vhan pero ngayon, parang gusto ko nang bawiin ang naisip ko. I don't like her na.
Ilang saglit pa kaming nagkuwentuhan ng mga choir members bago sila nagpaalam sa amin ni Gabby. Hinintay naman ako ni Gabby na makapagshower para ihatid sa dorm.
Habang nagbabyahe kami pauwi ay nagtanong si Gabby.
"Miks, 'di ba you said a while ago that you have a crush on me? And I also have a crush on you. Does that mean... tayo na?" nakangiting tanong ni Gabby.
"Huh! Ano tayo, PBB teens?? Crush lang kanina tapos ngayon magjowa na?" natatawang balik-tanong ko.
"But we share the same feeling 'di ba? We admire each other... O, sige, MU na lang," ayaw sumukong sabi pa niya.
"Baliw ka talaga, Reyes!" naiiling na sabi ko. "Hindi na tayo mga bata. Relationship and commitment takes more than just crush or admiration. Hindi porke crush ko ang isang guy, gusto ko na siyang maging boyfriend. Besides, crush ko rin si Piolo Pascual at Xian Lim, eh. So kung crush ang basehan ng pakikipagboyfriend, bale pangatlo ka pa sa listahan," nakangiting paliwanag ko.
Inaamin ko naman na crush ko talaga si Gabby. I don't keep it as a secret. All of my friends know about it. It's normal to have a crush on someone, lalo na kay Gabby. He's gorgeous, sweet and funny. Saka mabait din. So talaga namang crush-worthy.
Pero hanggang doon lang 'yun. Hanggang ngayon hinihintay ko pa ring makaramdam ng kakaiba kapag kasama ko si Gabby. 'Yung tipong natutuliro ako kapag nasa malapit siya. O kaya nakoconscious ako kapag tumitingin siya. Or kahit konting spark man lang. 'Yun bang signs na in love na ako. Hindi ko kasi maramdamang sumisirko ang puso ko sa kaniya.
Like the way you feel for Jeron? pang-aasar ng isip ko.
Napabuntong-hininga ako. Sad but true. Hindi ko alam kung bakit kailangang kay Jeron ko pa maramdaman iyon. Parang hopeless naman na magustuhan niya ako ng higit pa sa kaibigan.
"Okay, fine. I won't push the issue na. Nababadtrip ka na yata eh," sabi ni Gabby. Namis-interpret niya siguro ang pagbuntong-hininga ko. "Miks, sorry kung nakukulitan ka na sa akin. I don't mean to pressure you, okay? I still mean what I said before... I'm willing to wait until you're ready. No matter how long it takes, Miks," malamlam ang mga mata na nakatingin siya sa akin.
Hindi ako nakapagsalita. Parang hindi na ako kumportable na may isang taong handang maghintay na mahalin ko siya. Paano kung hindi dumating ang time na 'yon?
Gusto ko sanang itanong iyon kay Gabby pero hindi ko maconstruct sa isip ko ang tamang tanong. Sobrang bait niya sa akin kaya hangga't maaari ay ayoko siyang masaktan ko.
Hanggang sa makarating na kami sa dorm ay hindi ko pa rin maisip ang dapat sabihin. Nagpapaalam na siya nang pigilin ko siya. I have to get this worry out of my chest.
"Gab, what if..." Hindi ko maituloy ang tanong ko.
"What if hindi dumating ang time na maging ready ka?" nakangiting pagtatapos niya sa tanong ko.
Paano niya kaya nalaman ang nasa isip ko?
"Kanina ka pa kasi tahimik mula nang mabuksan ang topic na 'yun so I thought you're thinking about that," sabi niya na parang nabasa niya ang tanong sa isip ko.
Sumo-soul mate ang peg ni Gabby. Nakakaloka na parang alam niya ang nararamdaman ko.
"Yeah... that, or what if I fell for another guy?" nananantiyang tanong ko sa kaniya.
"Well... that would hurt. So much coz I'm really serious about you. But of course I would understand. Hindi naman ako selfish magmahal, Mika. Pipilitin kong maging masaya para sa 'yo," sincere na sabi ni Gabby.
Ngumiti ako sa kaniya. Napakabait talaga ng taong 'to.
"Parang gusto kong kabahan sa tinatakbo ng usapan natin, ah," nakangiwing puna ni Gabby. "Basted na ba ako agad?" worried na tanong niya.
"Sira! Hindi pa nga kita pinapayagang manligaw eh. Magpapaligaw muna ako sa 'yo bago kita bastedin para mag-effort ka naman," nakangising biro ko.
"Hala, ang sama naman ni Miss Rejection, o," nakalabing sabi niya.
"Joke lang, 'to naman," natatawang sabi ko sabay hampas sa braso niya. "O, sige na, uwi ka na kasi gabi na. Papasok na rin ako. Ingat, Gab!"
Nang makaalis si Gabby ay kumilos na ako para pumasok sa dorm. Muntikan akong mapasigaw sa gulat nang makita kong tahimik na nakaupo sa doorstep si Jeron.
"Ano'ng klaseng prank 'yan, Teng? Kailangan pa talaga ng gulat factor?
Magsasalita sana siya ngunit inunahan ko siya. Naalala ko kasing galit nga pala ako sa kaniya kaya dapat ay silent treatment siya.
"Bakit nga ba kita kinakausap samantalang galit ako sa 'yo? Diyan ka na nga! Ayokong makipag-usap sa 'yo."
Hindi natuloy ang akmang pagbukas ko ng pinto ng dorm dahil pinigilan niya ang kamay ko.
He handed me two paper bags. Medyo mabigat. Nagtatanong ang tingin ko sa kaniya. Sinenyasan lang niya ako na buksan.
"Teka nga! Ano ba, sign language na lang ba tayo?" naiinis na tanong ko.
"Sabi mo kasi, ayaw mong makipag-usap sa 'kin, eh," he smiled sheepishly.
Naku, Teng! Tumigil ka sa pagngiti at malapit ko nang hindi mapanindigan ang galit ko.
"Sige na, magsalita ka na. Ano ba 'tong mga 'to?" masungit pa rin na tanong ko.
"Peace offering," sagot ni Jeron. "Dark chocolates in different kinds and brands 'yung isang bag and then that's carbonara inside the other bag. I cooked it myself for you."
Natuwa naman akong malaman na nag-effort pa talaga siyang lutuin ang favorite kong pasta.
"Alam ko walang panama 'yang ginawa ko kumpara du'n sa choir at flowers. Hindi naman kasi ako marunong kumanta eh. Wala rin akong kakilala sa choir. And I don't want to give you flowers kasi sabi mo dati nanghihinayang ka sa perang ipinambibili ng flowers kasi mabilis naman malanta. 'Yan lang ang nakayanan ko, Miks. I just hope it's enough to show you that I'm sincere in asking for apology. Kilala mo naman ako eh. Hindi ako nag-eexert ng effort if I don't mean what I do. And I really mean it when I say I'm very sorry, princess. Hindi ko na uulitin 'yung ginawa ko. Bati na tayo, o? Namimiss na kita eh," mahabang sabi ni Jeron habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
I can see sincerity in his eyes. And for me, that's enough reason to forgive someone. Hindi naman kailangan ng bonggang effort para humingi ng tawad eh. Kailangan lang sincere 'yung nanghihingi ng sorry para patawarin ko siya.
"I miss you, too, Je," nakangiting sabi ko. "Sige na, bati na tayo."
He immediately smiled and took me in his arms. I put the paper bags down and hugged him back. Isang araw lang kaming nagkatampuhan pero parang isang taon ang lumipas sa klase ng pagkamiss namin sa isa't isa.
We stand there for a while, just hugging each other. It feels good to be back in his arms again.
BINABASA MO ANG
Why Are We Still Friends? (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)
FanfictionPlatonic Love is defined by Merriam-Webster as a close relationship between two persons in which sexual desire is non-existent or has been suppressed or sublimated. In this day and age, can two attractive, high-profile student athletes really stay '...