Chapter 5
[Mika's POV]
"MIKS, wait up!"
Napahinto kami ni Joanna sa paglalakad at hinarap ang tumatakbong si Gabby.
In fairness, kahit hingal na hingal siya ay mukha pa rin siyang fresh.
"O, Gab, bakit?" tanong ko nang makarating siya sa tapat ko.
He immediately smiled at me. "You're going to Jeron's house?"
"Yeah. Dadaan lang ako sa dorm sandali to leave my things tapos pupunta na ako," sabi ko.
"Great! Sabay na tayo," nakangiting alok niya.
Ohmaygad! Thank you, Lord! 'Di ko na kailangang magpakahirap para magkamoment sa cutiepie na 'to.
"Sorry, but she's coming with me," singit ni Joanna.
Shoot! Nakalimutan kong nagkasundo nga pala kami ni zizzy na sabay na kaming pupunta kina Jeron.
"Ayyy sorry, Gab. I'm coming with her eh. Si Joanna nga pala, best friend ko," pakilala ko kay Gabby.
Inaasahan ko na iilaw ang mga mata ni Gabby tulad ng lahat ng mga lalakeng naipakilala ko na kay Joanna but to my surprise, kaswal lang siyang naghello at pagkatapos ay ipinako ulit ang tingin sa akin.
Aba, dinedma ang aking very beautiful friend! May babaero bang pinalalagpas ang isang napakagandang babae? Sabi ko na eh, hindi totoong babaero si Gabby. Echosero lang si BF!
"Ahh ganu'n ba? Can I join you instead? Wala kasi akong kasabay dahil nauna na sina Thom. Kakatapos lang kasi ng class ko eh."
Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ni Joanna.
"Don't you know how to get there alone? Bakit kailangan mo pa ng kasabay?" pa-inosenteng tanong ni Joanna, trying to hide the sarcasm in her voice.
Naku, lumabas na naman ang katarayan ni zizzy!
Parang biglang naging alanganin ang ngiti ni Gabby. Naawa tuloy ako. Si Joanna kasi, napakamoody. 'Yan ang isa pa nilang something in common ni Jeron.
"Sure, you're welcome to come with us, 'di ba, Jo?" baling ko kay Joanna, giving her warning looks.
Joanna just rolled her eyes and didn't speak, a sign that she's giving in.
"But you brought your car, Gab, right? Pa'no 'yan?" tanong ko.
"No worries. I'll call our driver to take it home," all smiles si Gabby.
"Naks! Richie-rich, may driver," biro ko.
"Ikaw talaga..." nangingiting sabi ni Gabby habang nakaagapay sa amin sa paglalakad papunta sa parking lot. Napapagitnaan nila ako ni Joanna.
"Let me help you with your things," offer ni Gabby. May dala kasi akong gym bag dahil galing ako ng practice tapos nanghiram pa ako ng makakapal na reference books sa library.
"Uyyy, gentleman pala si Tisoy," sabi ko na ikinangiti ni Gabby. "Thanks, Gab. Medyo mabigat nga 'tong bag. Kaya mo ba?" tanong ko as I handed him my gym bag.
"Sus! What's this for?" pabirong sabi ni Gabby sabay lift ng right sleeves ng shirt niya para ipakita ang biceps.
"Show off!" biro ko.
Sabay pa kaming natawa ni Gabby. Tahimik lang si Joanna.
"Hey, Joanna, you want me to carry your things too?" sabi ni Gabby in a friendly tone.
"No, thanks. I don't need any man's help," straight-faced na sagot ni Joanna.
I looked at Gabby apologetically. I know he's just trying to be friendly. Hindi ko alam kung bakit nagsusungit si Joanna. Hindi naman siya ganu'n sa lahat ng lalake. Baka may PMS.
Nagsmile lang sa akin si Gabby, though he didn't attempt to strike up a conversation again with Joanna. Kami na lang ni Gabby ang nagkuwentuhan since hindi naman siya interesadong sumali sa usapan.
Dumaan kami sa saglit sa dorm para iwan ko ang mga gamit ko tapos dumiretso na kami sa bahay ng pamilya Teng sa Makati.
Masaya akong sinalubong ni Jeron pero napansin kong biglang nabura ang ngiti niya nang makita si Gabby. Hindi ko na lang pinuna iyon.
"Congrats, Je! Asan si Ate Alyssa and Kuya Jeric?" tanong ko nang lapitan ko siya at yakapin.
"Why are you with Gab?" bulong niya sa akin paglapit ko, ignoring my question.
"Sumabay siya sa amin ni Jo kasi wala raw siyang kasabay," pabulong din na sagot ko.
"Shoti, where's your manners? Invite them in first before you start whispering to your girl," saway ni Ate Alyssa na hindi namin namalayan na nakalapit na pala.
"Ate! Happy birthday," masayang bati ko sa kaniya sabay abot ng gift ko. Close ako hindi lang kay Jeron kundi sa buong Teng family dahil ilang beses na rin kaming nagkakasama. Kapag kasi may family event kina Jeron ay lagi niya akong karay-karay.
Nagbeso-beso kami sandali ni Ate Alyssa. Ganundin ang ginawa niya kina Joanna at Gabby. Pagkatapos ay sinamahan niya na kami sa may pool area kung saan ginaganap ang party. Dinala niya kami sa table ng mga teammates ni Jeron. Pagkatapos ay nag-excuse na siya.
Naroon sa iisang table sina Thomas, Macmac, Axel, Kib Montalbo, Arnold van Opstal at LA Revilla.
Saglit na nagbatian sina Gabby at ang mga teammates niya. Pagkatapos ay ipinakilala kaming dalawa ni Joanna sa mga teammates nila.
"Yo, man! Kaya ka pala nagpaiwan kanina ha," kantiyaw ni Macmac kay Gabby.
"Told you I have a class pa," sagot ni Gabby.
Nagtawanan lang ang mga teammates niya.
"Sorry, bro. I already told them that we had a free cut. Absent si Ms. Oliva, 'di ba?" pambubuko ni Axel. Classmates pala sila ni Gabby.
Nagbablush na tiningnan ako ni Gabby. "Sorry, Miks. Buko na ko eh kaya aamin na lang ako... I waited for you talaga, eh," nahihiyang sabi niya. Pulang-pula ang buong mukha niya na lalong naging obvious dahil sobrang puti niya.
Awww cute Gabby! Hindi ko maiwasang kiligin. Ibig bang sabihin nu'n may crush din siya sa akin?
Sasagot sana ako pero nagulat ako nang halos sabay pa akong hilahin nina Jeron at Joanna.
"Let's go get you some food bago pa pasukan ng kung ano 'yang utak mo," parang naaasar na sabi ni Jeron.
Woah! Bad mood ang dalawang best friend ko! Anyare?!
"Bro, aren't you going to invite me to get some food, too?" tanong ni Gabby bago pa kami makalayo.
"Malaki ka na. Kaya mo nang kumuha mag-isa," bale-walang sagot ni Jeron at hinila na kami ni Joanna papunta sa buffet table.
"Malaki na rin naman si Mika, ah?" narinig ko pang sabi ng nagtatakang si Gabby.
Kawawa naman si Gab... Kanina si zizzy ang bumabara sa kaniya. Ngayon naman si Je. Ano ba'ng nakain ng mga best friend ko at ang susungit nila?
Pasimpleng nilingon ko si Gabby at ngumiti sa kaniya. May ilang bisita kasi na nakapagitan sa amin sa buffet table kaya hindi ko siya makausap.
Nagulat na lang ako nang may humawak sa ulo ko at sapilitang ipinihit paharap.
"Pauuwiin ko 'yan 'pag hindi ka tumigil nang kakalingon," nagbabantang sabi sa akin ni Jeron. Nahuli niya pala akong nakalingon kay Gabby.
"Alam mo, ikaw, 'di kita ma-gets... Bakit mo pa siya ininvite kung ayaw mo naman pala siyang nandito? Parang hindi mo kaibigan 'yung tao," komento ko kay Jeron.
"We're friends. Ayoko lang siyang kasama 'pag kasama kita," nakasimangot na sabi niya.
"Kasi nagseselos ka?"
[Jeron's POV]
"KASI nagseselos ka?"
Bigla akong kinabahan. Nahalata na ba ni Mika na nagseselos ako kay Gabby? Patay! Baka magalit siya.
But on the other hand, siguro mas mabuti nang malaman niya na nagseselos nga ako dahil natethreatened ako kay Gabby kasi may gusto ako sa kaniya. Hindi ko na kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko para sa kaniya.
"Bagay talaga kayo ni Joanna... masyado kayong possessive. Tingnan mo ang isang 'yan, hindi rin maipinta ang mukha," sabi ni Mika patungkol kay Joanna nang hindi ako sumagot.
Napatuon ang tingin ko kay Joanna dahil sa sinabi ni Mika. Nakita kong titig na titig siya kay Mika. Hindi siya napupuna ni Mika dahil nasa pagkain ang buong atensiyon ni Mika habang nagsasalita.
There's something strange with the way Joanna looks at her. I can't tell exactly what it is but I want to find out.
Nang matapos silang kumuha ng pagkain ay sinamahan ko sila pabalik sa table. Hindi na ako umalis sa tabi ni Mika. Mahirap na at baka dikitan na naman siya ni Gabby. Pinagitnaan namin ni Joanna si Mika, sa kanan siya at nasa kaliwa ako. Pero pakiramdam ko ay naisahan pa rin ako ni Gabby dahil pumuwesto siya sa tapat ni Mika.
Lord, give me patience para mapaglabanan ang selos at mapigilan ko ang sarili ko na sapakin itong tisoy na kaibigan ko.
Nang magsimula silang mag-usap ni Gabby ay kinausap ko nang kinausap si Mika para maagaw ang atensiyon niya. Good thing dahil parang pareho kami ng tinatakbo ng isip ni Joanna. We talked about things na kaming tatlo lang ang may alam kaya walang choice si Gabby kundi kina Thomas na makipagkwentuhan.
Sorry, bro. All in love is fair, sabi nga ni Stevie Wonder. I can't let you have Mika without putting up a fight, kausap ko kay Gabby sa isip ko.
One of these days, I guess Gabby and I need to talk. He's one of my good friends in the team and ayokong maapektuhan ang samahan namin but he seriously needs to stop competing with me for Mika's heart. Hindi pa kami nagkakausap ni Gab pero siguro naman ay nahahalata niya nang may nararamdaman ako for Mika. I think everyone can see it. Everyone except Mika.
Napatingin ako kay Mika. Magana siyang kumain habang nakikipagtawanan kay Joanna. She eats with much gusto. Madalas ko siyang asarin na pangsupermodel ang katawan niya pero construction worker siya kung kumain. She would just laugh about it. Kahit kailan ay never siyang naging self-conscious.
Paano ka ba naman hindi maiinlove sa babaeng ito?
A/N: Happy reading on this rainy day. Keep safe, friends!
BINABASA MO ANG
Why Are We Still Friends? (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)
FanficPlatonic Love is defined by Merriam-Webster as a close relationship between two persons in which sexual desire is non-existent or has been suppressed or sublimated. In this day and age, can two attractive, high-profile student athletes really stay '...