Chapter 2
[Mika's POV]
"MAY free Starbucks ka 'pag natalo ang Miami Heat ko," nakangising sabi ni Jeron nang tumabi sa akin. Naroon ako sa condo niya at nakasalampak sa carpeted na sahig habang nanonood ng NBA.
"Ang cheap mo naman! Starbucks lang?" reklamo ko. Dudukot sana ako sa bagong lutong popcorn na kakalapag lang ni Jeron nang paluin niya ang kamay ko.
"Uhmm! Mainit pa 'yan. Baka mapaso ka," sita niya.
"Aray! Kailangan nakapalo agad?! Hindi pwedeng magwarning lang muna?" nakasimangot na sabi ko.
"Sorry! Masakit ba?" pa-cute na tanong niya. He took my hand and massaged it gently.
Nakupo! Ayan na naman ang mahihinang boltahe ng kuryente sa katawan ko. I always feel that way everytime Jeron touches me. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa rin ako ma-immune hanggang ngayon. Halos isang taon na kaming magkaibigan. At hindi lang basta kaibigan... he's the closest male friend I have. Wala naman akong gusto sa kaniya pero tuwing madidikit ako sa kaniya, hindi ko alam kung bakit para akong nakukuryente.
Bigla kong hinila ang kamay ko at pinalo siya ng malakas. Napangiwi si Jeron. "O, ngayon alam mo na ang sagot sa walang kwenta mong tanong," masungit na sabi ko.
Nagulat ako nang pisilin niya ang magkabilang pisngi ko at ngumiti.
"Sorry na! Smile ka na, Mikang," pang-aamo niya sa akin.
Anak ka ng teteng! 'Wag kang ngumiti ng ganiyan, Jeron Teng!
"Oo na," sabi ko sabay alis ng tingin sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung bakit bigla akong naconscious. "Manood na nga lang tayo. Panoorin mo kung pa'no ilampaso ni Kobe baby ang LeBron mo."
"Kobe? Tsss! Panis 'yan kay The King. Ano, pustahan nga?" hamon niya.
"Eh ang cheap kasi... Starbucks lang," reklamo ko.
"Wow. Eh 'di ikaw na ang mayaman! Nachicheapan sa Starbucks," pang-aasar niya. "Ano ba ang gusto mo, mahal na prinsesa?"
Ikaw.
Hala! Sa'n naman nanggaling 'yun? Wala akong gusto sa kaniya. Erase, erase, erase!
"Buffet dinner!" agad na sabi ko.
"Diet ako eh," sabi niya.
"Sus, diet diet pa eh hindi naman mataba. Arte! Eh 'di... magpaproxy ka na lang sa teammate mo kung diet ka," nakangising sabi ko. Bigla kong naisip ang crush ko na teammate niya. Para-paraan din 'pag may time!
"You mean teammate ko ang gusto mong sumama sa 'yo sa dinner?" tila gusto niyang siguruhin na tama ang intindi niya. "May crush ka sa teammate ko? Sino???" salubong ang kilay na tanong niya.
Teka. Bakit biglang nag-iba ang mood ng mokong na 'to?
"Si Gabby," kinikilig na sabi ko. Hindi ko na lang pinansin ang madilim na mukha niya.
"Si Gabby? Reyes?" nakangiwing tanong niya.
"Hindi. Concepcion," sarcastic na sagot ko. "Pucha, Teng! Ang labo mong kausap," nainis bigla na sabi ko.
"Mas malabo kang kausap. Kamag-anak mo 'yun tapos type mo? Saka akala ko ba ayaw mo pang magkaboyfriend eh bakit may crush ka kay Gabby?" iritableng tanong niya.
"Really, Jeron... 'yang kamag-anak issue ang naisip mong ipang-asar sa akin? That's an old joke na. Isip isip ng iba 'pag may time," nakataas ang isang kilay na sabi ko. "We're not blood-related and the whole UAAP world knows it. Saka hello naman... porke ayaw ko pang magkaboyfriend bawal na rin magkacrush? Ang higpit mo naman, manong! Saka bakit ka ba naiinis diyan eh ikaw naman 'tong hindi pwede? Nagsasuggest lang naman ako ng pwede kong makasama sa buffet dinner dahil sabi mo diet ka."
"Oo na, sige na... Buffet na kung buffet. Ako na ang sasama at baka kung sino-sino pa ang gustuhin mong sumama sa 'yo. Dodoblehin ko na lang ang workout ko. Diet be damned!" sumusukong sabi ni Jeron.
Gusto kong mapangiti pero pinigilan ko. Matagal ko nang alam na spoiled ako sa kaniya kaya alam kong pagbibigyan niya ako kahit pa diet siya.
"Si Gabby na lang kasi para magkamoment na kami," pabirong pamimilit ko. Natutuwa ako kapag nakikita kong naiinis siya. Feeling ko kasi ay nagseselos siya.
Biglang nagpormal si Jeron bago nagsalita.
"No," firm ang pagkakasabi niya. "If you want to date Gabby, approach him youself. Don't expect me to help you," naaasar na sabi niya.
"But why not?" nagtatakang tanong ko. Parang seryoso na yata ang inis ni Jeron ah.
[Jeron's POV]
WHY not? Dahil crush ka rin ni Gabby. And if I set you up, alam kong magkakagustuhan kayong dalawa. At 'yun ang pinakaayaw kong mangyari. Paano mo pa 'ko mapapansin? Ngayon pa nga lang na ang lapit ko na sa 'yo hindi mo pa ako makita bilang boyfriend material, paano pa 'pag may Gabby Reyes na sa pagitan natin?
"Dahil babaero siya," sa halip ay sabi ko.
Natigilan si Mika at tumitig lang sa akin.
"Wow... Nakakahiya sa hindi babaerong tulad mo. At kaibigan ka pa nu'ng tao sa lagay na 'yan ha?" iiling-iling na sabi ni Mika.
"I'm not babaero, okay? Friendly lang ako sa mga girls but that doesn't mean na pinopormahan ko silang lahat. And yes, Gabby is my friend kaya alam ko ang likaw ng bituka niya. Hindi siya marunong magseryoso sa babae kaya masasaktan ka lang 'pag siya ang pinili mong mahalin."
Napamaang si Mika sa sinabi ko. "Jeron! What are you talking about?! It's just a crush! Bakit napunta ka na agad sa love?!"
"Eh 'yun naman ang simula niyan. Crush crush lang sa simula tapos manliligaw siya sa 'yo. Tapos magiging boyfriend mo na. Tapos mawawala na ako sa eksena."
Nagulat ako ng biglang tumawa si Mika.
"Je, is that what it's all about? Nagagalit ka na crush ko si Gabby dahil iniisip mong iiitsa-pwera kita sa buhay ko 'pag nagkaboyfriend na ako?" natatawang tanong niya habang nakatitig sa akin.
Hindi ako nakasagot. It's partly true but that's not the entire reason. Yes, I would hate for that time to happen but it's not because maiitsa-pwera na ako sa buhay niya kundi dahil hindi ako ang lalaking napili niya.
It's all your fault, Jeron! Kung bakit kasi natorpe ka sa kaniya noong unang beses na lapitan mo siya. Imbes na sabihin mong siya ang gusto mong ligawan, 'yung best friend niya pa ang ginawa mong alibi.
Nashock ako nang bigla siyang yumakap sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang nagslow motion ang buong paligid ko. Napatitig na lang ako sa magandang mukha ni Mika habang nakatingin siya sa akin. May sinasabi siya pero hindi nagreregister sa isip ko. Nakasunod lang ang tingin ko sa bawat buka ng bibig niya. Hanggang sa unti-unting lumapit ang mga labi ko papunta sa mga labi niya. Ilang centimeters na lang ay magdidikit na ang mga labi namin.
"Hoyyy!" sabi niya sabay pigil sa mukha ko gamit ang kaliwang kamay niya. Umayos siya ng upo at bahagyang lumayo sa akin. "Ano'ng ginagawa mo??? Ako 'to, si Mika, ang bestfriend mo. Hahalikan mo ba ako?! I was just telling you na kahit ilang boyfriends pa ang dumating sa akin eh hindi ka nila mapapalitan sa buhay ko. 'Yun lang ang sinabi ko tapos manghahalik ka na?!"
Mahina naman ang paglapat ng kamay niya sa mukha ko pero para akong sinampal sa sinabi niya.
Bestfriend... Yeah, hanggang doon na nga lang siguro ako sa buhay niya.
"Sorry, napa-daydream ako. 'Yung babaeng mahal ko kasi ang nasa isip ko."
[Mika's POV]
"'YUNG babaeng mahal ko kasi ang nasa isip ko."
Ouch! Ang sakit naman!
Teka, bakit ba ako nasasaktan??! Ano ba, Mika! Umayos ka nga. Kaibigan mo ang taong 'to. Kaibigan. Friend. Amigo. Pengyou. Tomodachi. Jingu. Ilang languages pa ba ang dapat mong marinig para maintindihan mo na hanggang magkaibigan lang kayo? He will never love you more than that. Gumising ka!
"Hmm, sino ba kasi siya? Hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sa akin. Parang gusto ko nang magtampo," sa halip ay sabi ko. Pinilit kong ignorahin ang kirot na naramdaman ko.
"Tampo tampo... Halika nga dito," nakangiting sabi niya sabay akbay sa akin at hinila ako palapit. Napasandal ako sa dibdib niya. "'Wag mong isipin ang kung sino sino. Isipin mo kung kelan mo ako ililibre ng buffet dinner dahil natatalo na ang Lakers mo," sabi niya habang nang-aasar na tumawa. Simula ng fourth quarter at lamang na ng sampu ang Miami Heat.
Imbes na maasar ay napangiti pa ako. Ang sarap pakinggan ng tawa ni Jeron habang nakahilig ako sa dibdib niya.
Nasa ganoon kaming ayos nang may tumikhim mula sa pinto.
"Ahem ahem. Are we interrupting something?" tanong ni Thomas Torres habang nakangisi. Kasama niya sina Macmac Tallo, Axel Torres at Gabby Reyes.
OMG! Si Gabby!
Agad akong kumilos palayo kay Jeron. Tumayo naman si Jeron at inilahad ang kamay niya upang tulungan akong tumayo.
"I shouldn't have given you a spare key, man," umiiling na sabi ni Jeron kay Thomas. "What happened to texting and calling, bro? You're coming to my place unannounced."
Pareho kami ni Thomas na may spare key sa unit ni Jeron. Dito kasi si Jeron tumutuloy kapag off season ng basketball sa UAAP. Binigyan niya kami ng extra key para daw kapag may emergency ay agad namin siyang mapupuntahan. Si Thomas kasi ang best male buddy niya. At ako siyempre ang best girl friend niya.
"You're not answering my calls, bro. That's what happened. And now we know why," sagot ni Thomas at tumingin sa akin. "Hi, Mika," bati niya sabay kindat. Si Thomas pa lang ang kakilala ko sa mga teammates ni Jeron. Hiwalay naman kasi ang oras niya sa mga teammates niya at sa akin. Pero siyempre pa ay kilala ko silang lahat dahil nanonood ako ng games nila.
Ngumiti ako kay Thomas. "Hi, Thom. May lakad ba kayo ni Je?"
"None naman. Me and the boys just decided to crash at Jeron's place to hang out with him," nakangiting sabi ni Thom. "Hey, guys, meet the very famous Mika Reyes... UAAP's Miss Rejection and Jeron's girlfriend."
Magrereact na sana ako sa sinabi ni Thomas nang maunahan niya akong magsalita.
"Oh sorry, it should be two words... 'girl' 'friend'," nakatawang paliwanag ni Thomas sa mga kasama niya.
"Hi, Mika. I'm Axel Torres. Nice to meet you," nakangiting sabi ni Axel habang inilahad ang kamay for a handshake.
"Hi, Axel. Kuya ka ni Thom, 'di ba," nakangiti ring sabi ko nang tanggapin ang kamay niya. Tumango naman si Axel.
"Hey, pretty lady. Macmac Tallo at your service. My pleasure to meet you," malokong sabi ni Macmac sabay yukod sa harap ko.
"Hi, Mac. Nice to meet you rin," nakangiting sabi ko.
Magsasalita na sana si Gabby nang pigilan ko.
"Teka lang... Pwede ba magTagalog ka naman? Dumudugo na ang tenga ko kaka-English niyo eh. Wala namang English Only Policy dito sa pad ni Je kaya utang na loob, Tagalog naman!" sabi ko na ikinatawa nila.
"Kumusta, magandang binibini? Ako nga pala si Gabriel Reyes. Maaari mo akong tawagin sa pangalang Gab o Gabby. Ikinararangal kong makilala ka," nakangiting sabi ni Gabby at iniabot ang kamay niya.
Napangiti naman ako sa awkward na pananagalog ni Gabby. Inabot ko ang kamay niya for a handshake ngunit nagulat na lang ako nang dalhin niya ang kamay ko sa mga labi niya at halikan ang likod ng palad ko.
Smooth move, Gabby! naisip ko.
"Alright! Enough of the pleasantries. Magsiupo na kayo at naguguluhan ako sa inyo," sabi ni Jeron sabay hila ng kamay ko palayo kay Gabby.
Basag-trip ka, friend! 'Yan ang nirerelay ng mata ko nang magkatinginan kami ni Jeron. Hindi ko naman maintindihan ang gusto niyang sabihin. Ang alam ko lang ay bad trip siya dahil salubong ang mga kilay niya at madilim ang mukha niya.
Nagsiupuan na nga ang mga boys. Isang single couch na lang ang natira para sa aming dalawa ni Jeron. Mas malapit si Jeron sa single couch kaya pinaubaya ko na sa kaniya iyon. Nakita kong may bakanteng pwesto pa sa tabi ni Gabby kaya du'n sana ako pupunta.
"Take the couch," matigas na utos sa akin ni Jeron nang mabasa niya kung saan ako papunta. Inunahan niya ako papunta sa tabi ni Gabby.
Ano 'to, Trip to Jerusalem???
"Meron ka ba ngayon? Ang moody mo eh," hindi ko napigilang ikomento nang makaupo ako sa single couch. Ang labo kasi ni Jeron. Kanina lang ay nagbibiruan pa kami tapos ngayon ang sungit.
Nagtawanan naman ang mga boys.
"Quiet!!! Manonood ba kayo o papalayasin ko kayo dito?" singhal ni Jeron sa mga kaibigan.
Mr. Sungit strikes again!
Lalo lang nagtawanan ang mga boys. Tuloy tuloy ang kantiyawan. Nakakatuwa talagang bumarkada sa mga lalake kasi cool lang sila. Kahit anong hirit walang napipikon.Nakihalo na rin tuloy ako sa asaran. Feel na feel kong maging one of the boys.
"Saan ka diyan, Miks?" nakangiting tanong ni Gabby sabay turo sa TV set. He's referring to the two teams on the screen.
"Lakers," sabi ko.
"Cool! Lakers din ako eh," sabi niya.
"Since when, bro?" nagtatakang tanong ni Macmac. "Isn't Kobe your most hated player?"
"Ssshhh! Panira ka naman ng diskarte eh," kakamot-kamot sa ulong sabi ni Gabby.
Napuno ulit ng tawanan ang condo ni Jeron. Natapos na't lahat ang game ay tuloy tuloy pa rin kami sa asaran. Talo ako sa pustahan namin ni Jeron pero hindi bale, naka-gain naman ako ng mga bagong kaibigan.
Pero speaking of Jeron, parang bumagsak ang energy level niya mula nang dumating sina Gabby. Pangiti-ngiti lang siya at bihirang sumali sa kantiyawan.
Baka naiisip niya na naman ang babaeng mahal niya. Oh, well, kung sinasabi niya na ba sa akin kung sino 'yun eh baka nakatulong pa ako. Pero ayoko siyang pilitin. Kung hindi pa siya ready na magsabi sa akin, eh 'di hahayaan ko siya kung hanggang kailan siya maging ready. Ganu'n naman ang role ng isang kaibigan eh.
A/N: I'm such a Gabby Reyes fan. Sorry kung hindi ko mapigil isingit siya sa story. Pagbigyan niyo na ako. :) And sorry din pala kung may konting bad words all throughout the story. Gusto ko lang naman maging close to reality ang mga characters. 'Wag na lang gayahin ng mga bata. ;)
BINABASA MO ANG
Why Are We Still Friends? (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)
Fiksi PenggemarPlatonic Love is defined by Merriam-Webster as a close relationship between two persons in which sexual desire is non-existent or has been suppressed or sublimated. In this day and age, can two attractive, high-profile student athletes really stay '...