A/N: Sorry, may konting SPG ulit dito. Baka naiirita na kayo sa SPG, sorry po, last na 'to promise!!!
Tentententen... Ang susunod na update ay Rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ay kailangan. Maaaring naglalaman ng maseselang tema, lenguahe, karahasan, sexual, horror, o droga na hindi angkop sa mga batang mambabasa. :)
Chapter 23
[Mika's POV]
SATURDAY at the dorm.
"Labas na, Miks! Kanina ka pa diyan sa CR ah," reklamo ni Ara.
"Eeeehhhh!!! Sobrang iksi ng dress ko, hindi ko kayang isuot 'to," naiiyak na sabi ko.
Hindi ako makalabas dahil nasasagwaan ako sa hitsura ko. Okay pa naman sana ang make up ko, simple lang pero naenhance ang mga mata ko. Pang-asar lang 'tong dress na nahiram ko kay Jessey, super iksi pala. Kung bakit kasi napapayag ako ng bullies na sumali sa kalokohan nilang magblack samantalang meron naman akong blue dress.
"Labas na, damulag. Kami ang titingin kung masagwa ba talaga," sabi ni Cienne. Naririnig ko rin ang boses ni Kim sa labas.
Dahan-dahan akong naglakad palabas. Nahihiya ako dahil sobrang nakaexpose ang mga legs ko. Ineexpect ko nang kakantiyawan nila ako.
Dead air.
Huh! Ano'ng meron???
Nagtatakang tumingin ako sa mga mukha nila. Pare-pareho lang silang mga nakanganga.
"Huyyyy! Ano ba? Sobrang sagwa nga?" tanong ko. Alanganin ang ngiti ko.
Napasipol si Kim nang makabawi sa pagkabigla. "Wow, Mikang! In fairness hindi ka pala patpat, may korte ka naman pala," hindi makapaniwalang sabi niya.
"Baks! Siguradong dudumugin ka ng mga boys. Kung maka-plunging neckline, wagas," nakangising komento ni Ara na ikinasimangot ko.
"Kaya nga eh. Kahapon lang kasi dinala ni Jessey 'to kaya hindi ko na naisukat. Malay ko bang ganito pala ka-daring 'to. Pa'no ba 'yan?" nag-iisip na sabi ko. "Eh kung 'wag na lang akong magblack? Meron pa naman akong ibang dress na hindi body-hugging na gaya nito," sabi ko at akma nang pupunta sa closet para magpalit ng ibang damit.
Pinigilan ako ni Cienne. "Hep, hep! Ang usapan ay usapan. All black, 'di ba? Nag-agree ka kay Kap," paalala niya.
"Eh kung 'wag na lang kaya akong pumunta?" tanong ko.
"Eh kung sinasapak kaya kita ng bonggang bongga para matauhan ka? Birthday ng teammate natin, gusto mong indiyanin dahil lang diyan sa suot mo," nakataas ang kilay na sabi ni Kim.
"Eto naman, masyadong bayolente. Joke lang 'yun," naka-peace sign na sagot ko kay Kim.
"Saka don't worry, baks. Sexy nga ang dress mo pero disente pa rin namang tingnan eh. Sexy na may class. Kaya tara na at baka--"
Hindi natapos ni Ara ang sinasabi dahil biglang sumilip mula sa pinto si Carol.
"Mika, andyan na ang-- Oh my gosh! Miks, you're so sexy!" patiling sabi ng nakaputing si Carol.
Saglit na nawala ang pagkailang ko at biglang naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang suot niya.
"Teka nga... bakit nakaputi ka?!" sita ko sa kaniya.
"Ah, eh, hehe... Nandiyan na si Jeron sa baba, sinusundo ka. Nandiyan na rin ang sundo ko. Una na ko, girls!" Iyon lang at mabilis nang tumakbo pababa si Carol na halatang umiiwas.
Naiinis na kinuha ko ang purse at ang sapatos ko at nauna nang lumabas kina Cienne, Ara at Kim pagkatapos maisuot iyon.
Teka! Ano daw?? Sino daw ang nasa baba?
BINABASA MO ANG
Why Are We Still Friends? (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)
FanfictionPlatonic Love is defined by Merriam-Webster as a close relationship between two persons in which sexual desire is non-existent or has been suppressed or sublimated. In this day and age, can two attractive, high-profile student athletes really stay '...