Chapter 12
[Mika's POV]
"SI Gab!" wala sa loob na bigkas ko nang makita ko siya na iiwas sa akin. Makakasalubong sana namin siya pero bigla siyang lumiko.
"Ano?? Si Gab ang gusto mo?" nagtatakang tanong ni Carol.
Hindi ko pinansin si Carol at nagmamadali akong sumunod kay Gabby. I need to talk to him to explain. Ilang beses ko na siyang tinetext at tinatawagan pero hindi niya sinasagot. NagPM, DM at kung ano-ano pang M na ang ginawa ko sa lahat ng account niya sa social networking sites pero deadma lang siya.
"Hoy, Mika! Saan ka pupunta? Akala ko ba mag-eextra practice tayo?" habol ni Carol.
"Ca, meet me at the gym na lang. I just need to talk to Gab. Susunod ako, promise!" sagot ko at mabilis nang tumakbo para habulin si Gabby.
"Gabby, wait!"
Ano ba naman 'tong taong 'to? Ang bilis maglakad!
"Huuyyy, Gabby! Ano ba? Wait lang!" pigil ko sa braso niya nang maabutan ko siya.
"What do you want?" pasupladong tanong niya nang huminto siya sa paglalakad at hilahin ang braso niya na hawak ko.
Nagulat ako sa expression niya. This is not the Gabby I know. Nasa'n na 'yung sweet, gentle at soft-spoken na Gabby na kilala ko?
"Gab, why are you like this? Is this about the call yesterday? I can expl--"
"No, it's not about that," agad na putol niya sa sinasabi ko. "And I don't wanna hear your explanation. I don't need it. Why do you need to explain anyway? Mag-ano ba tayo? You're not my girlfriend. I'm not even courting you so why bother? Just go back to Jeron."
He's trying to hide the pain in his eyes but I saw it, and I felt so bad even more.
"Gabriel Reyes, you're the worst actor ever! You act like you don't care when deep inside, you do. You want me to believe you don't want to hear my side but the truth is you're dying to hear me out. Next time you want to lie, make sure your eyes cooperate," sabi ko sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin.
Nang humakbang siya ulit ay humarang ako sa daraanan niya.
"Teka nga lang! Pucha! Kanina pa ko habol ng habol sa 'yo ha, napipikon na ko. Makinig ka nga muna!" sigaw ko na ikinatahimik at ikinahinto niya.
May mangilan-ngilang estudyante na napatingin sa amin dahil sa pagsigaw ko pero wala akong pakialam.
"Wala kaming relasyon ni Jeron maliban sa magbest friend. Oo, natulog ako sa condo niya dahil lasing na lasing siya. Kailangan ko siyang bantayan at alagaan dahil gawain 'yun ng isang mabuting kaibigan. Pero walang nangyari sa amin. Wala!!! Peksman, pramis, cross my heart! Natulog lang talaga ako du'n."
Wala pa rin siyang reaksiyon kaya naiinis na nagpatuloy ako.
"Alam mo, hindi ko alam kung bakit nagpapakahirap akong magpaliwanag sa 'yo ngayon eh. Inaway ko pa si Jeron dahil sa panloloko niya sa 'yo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nalulungkot ako dahil alam kong nasaktan kita kahit 'di ko naman sinasadya. Hindi ko alam kung bakit nagsasayang pa 'ko ng effort na magpaliwanag sa 'yo kahit ayaw mo 'kong pakinggan."
I saw his eyes flicker but he didn't say anything.
Tuluyan nang naubos ang pasensiya ko. "Kung tutuusin wala namang mawawala sa akin kung 'di mo na 'ko pansinin. Eh ano kung ayaw mo na sa akin? Crush lang naman kita. Hindi ko ikamamatay kung mawala ka. Kung ayaw mo 'kong kausapin, eh 'di 'wag! Pero panindigan mo 'yan! 'Wag ka nang makalapit-lapit pa ulit sa akin at sasaktan talaga kita," nanggigigil na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Why Are We Still Friends? (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)
FanfictionPlatonic Love is defined by Merriam-Webster as a close relationship between two persons in which sexual desire is non-existent or has been suppressed or sublimated. In this day and age, can two attractive, high-profile student athletes really stay '...