Chapter 10
[Jeron's POV]
HINDI ko pa rin mapigilang mapangiti dahil sa nangyari. It was totally unexpected. I was just pulling a prank on Mika that's why I pretended I was drunk. Hindi kasi umiinom si Mika at hindi niya ako nakakasamang uminom that's why she doesn't know that I hardly get drunk over a beer. Mataas ang alcohol tolerance ko and it would take more than just five bottles for me to get totally wasted. I just wanted to know how she will react.
I was trying so hard to control my laughter with her reactions. She's really funny yet sarcastic but altogether very cute and lovable. And she's proven that she's a really good friend. She could have called any of my teammates and ask them to bring me home but didn't. She personally took care of me, like any good friend would.
I would have told her it's just a prank but then she leaned closer to kiss my forehead and I totally lost all self-control. She's so pretty and smelled so nice, plus I've been suppressing this feeling for far too long... I knew the kiss is bound to happen.
I've kissed her so many times in my dreams but nothing comes close to kissing her for real. Her lips were soft, warm and sweet... just like I imagined it to be.
I would have continued kissing her but my conscience kicked in. I knew I'm being unfair... I'm taking advantage of her. Of all people, ako pa na itinuturing niyang best friend ang mananamantala sa kaniya. So I willed myself to stop kissing her and pretended to fall asleep. Nakakapanghinayang nga dahil naramdaman kong magrerespond na sana siya.
If it's any consolation, at least nalaman ko na hindi naman pala siya totally immuned sa charm ko. Kahit paano pala ay may epekto rin ang pagdadiet ko at pagpapakamatay sa gym dahil naaappreciate niya ang katawan ko.
What if i-seduce ko siya?
Natatawang napailing ako sa kabaliwang pumasok sa isip ko. Tumayo ako at naghubad ng pantalon. Itinuloy ko na ang paghuhubad na ginagawa sa akin ni Mika kanina. Itinira ko lang ang boxers ko at kinuha ang towel. Lumabas ako ng kuwarto para pumunta sa banyo at maligo.
Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang mapansin ko si Mika na natutulog sa sofa. Nandito pa pala siya. She looked uncomfortable in her fetal position. Paano ba naman, pinilit niyang pagkasyahin ang sarili niya sa three-seater kong couch. Bigla tuloy akong naguilty dahil alam kong ako ang may kagagawan kung bakit hindi siya nakauwi. She probably thought I need her to look after me.
Napakabait talaga ni Mika. Hindi na baleng mahirapan siya basta maalagaan niya lang ako. Lalo tuloy siyang napapamahal sa akin.
Marahan ko siyang tinapik sa braso upang gisingin.
"Princess, wake up," masuyong sabi ko habang marahang hinahawi ang buhok niya na tumatakip sa mukha niya.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Parang medyo disoriented pa siya dahil nagtataka ang tingin niya sa akin.
"O, 'wag mong itanong sa akin kung nasa langit ka na dahil may kaharap kang angel ha? Gasgas na ang pick-up line na 'yun," biro ko sa kaniya dahilan para mapangiti siya.
"Lasing ka pa, Je, kasi ang corny mo eh," nakangiting sabi niya.
Napalunok ako nang marinig ang sexy, bedroom voice niya habang namumungay ang mga mata dala marahil ng sobrang antok. Parang bigla akong pinagpawisan kahit malakas naman ang aircon sa unit ko.
Nagbilang ako ng tatlo para pakalmahin ang sarili ko bago muling nagsalita.
"Tara, ihahatid na kita," sabi ko.
"Ng nakaburles?" nakataas ang kilay niya habang mabilis na pinasadahan ng tingin ang katawan ko.
Bigla akong natawa nang maalala ang hitsura ko. "Sorry, I was about to take a shower when I saw you here. I didn't know you stayed for a night."
"Lasing na lasing ka kasi. I thought you needed me to stay with you for tonight."
I need you to stay with me, not just for tonight, but for the rest of my life.
"I'm okay now," sabi ko na lang. "I'll just take a quick shower then I'll take you home."
"Tapos magda-drive ka rin pabalik? Eh nakainom ka nga. 'Wag na, Je. Delikado para sa 'yo ang magdrive at this hour. Baka maaksidente ka pa. Magtataxi na lang ako," sabi niya.
"If you seriously think I will allow you to take a cab alone at two in the morning, you gotta be out of your mind, Mika," bigla akong nagpormal. "It's either I drive you home or you stay here."
"Eh 'di I'll stay na lang," sumusukong sabi niya. "Tutal alam naman ni Ate Aby na nandito ako. Saka hindi ka rin naman magpapatalo eh. Ipipilit mo pa rin 'yang gusto mo," nakalabing sabi niya. Napatitig ako sa mapupulang mga labi niya. Natetempt na naman tuloy akong halikan siya.
Iniunat niya ang mga paa at inilawit sa sofa. Pagkatapos ay muli siyang pumikit.
"'Night, Je," she mumbled.
"What are you doing?" nagtatakang tanong ko.
"Ahhh, going back to sleep, I guess," pilosopong sagot niya.
"Yeah, I can see that," medyo napipikon na sabi ko. "But why here?"
"Eh saan pa kaya? Isa lang naman ang room dito sa unit mo, Mr. Teng."
"Then sleep in my room," agad na sabi ko.
Parang 'yun lang ang hinihintay ni Mika na sabihin ko dahil bigla siyang bumangon habang nakangiti.
"Seryoso, Je? Okay lang na du'n ako sa room mo? Thank you ha? Hindi kasi talaga ako kumportable dito sa sofa kasi hindi ako kasya eh. Pero okay ka lang ba dito? I mean, nakakahiya naman pero salamat talaga sa pagiging gentleman, ha?" nakangiting sabi niya.
"Wai-- wait a minute!" awat ko sa sunod-sunod na ratsada niya. "Who told you I'm going to sleep here sa couch eh bahay ko 'to?" natatawang tanong ko.
"But you said I can sleep in your room, 'di ba?" naguguluhang tanong niya.
"Yes, you can sleep in my room... with me."
[Mika's POV]
"YES, you can sleep in my room... with me."
Laglag ang panga ko sa sinabi ni Jeron. Tanggal pati ang antok ko.
"Ano'ng sabi mo?" tanong ko ulit sa kaniya, baka-sakaling mali lang ang dinig ko.
"I'm asking you to sleep with me."
Geez! That doesn't even sound right. Ano ba 'yun??? Kung ano-anong malalaswang imahe tuloy ang biglang pumasok sa isip ko. Waaahhhhh erase! Erase! Erase!
"Gusto mo ng sapok?!" naniningkit ang mga mata na tanong ko kay Jeron. "Why would you ask me to sleep with you?! Saka puwede ba, magbihis ka nga muna! Para kang naluging macho dancer diyan na rumarampa sa harap ko," sita ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Why Are We Still Friends? (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)
FanficPlatonic Love is defined by Merriam-Webster as a close relationship between two persons in which sexual desire is non-existent or has been suppressed or sublimated. In this day and age, can two attractive, high-profile student athletes really stay '...