Chapter 1

4.9K 51 16
                                    

Chapter 1

PRESENT

[Mika's POV]

"HI, princess," bati ni Jeron sabay halik sa pisngi ko.  "Sorry, I'm late.  May additional routine kasi na inintroduce si Coach eh."

Ngumiti ako sa kaniya ngunit binigyan ko siya ng nagbabantang tingin.  Pasimpleng ngumisi lang si Jeron.

"B-boyfriend mo talaga si J-jeron Teng?" gulat na tanong ng makulit na manliligaw ko na si Martin.

"Yes, I'm Mika's boyfriend," si Jeron ang sumagot.  He put his left arm around me and pulled me even closer, as if to emphasize what he just said.  "Got a problem with that, bro?"

"Ahh wala," biglang nalungkot na sabi ni Martin.  "Sorry, Mika, kung hindi ako naniwala," baling niya sa akin.  "Akala ko kasi chismis lang eh.  Don't worry, I won't bother you anymore.  Best of luck sa inyo ni idol," sabi niya at tumalikod na.

Nang makalabas ng restaurant si Martin ay hinarap ko si Jeron.

"Gago ka, nakatsansing ka na naman!  Hindi dapat kasali ang kiss eh," reklamo ko sabay hampas sa dibdib niya.

Natatawang hinuli niya ang kamay ko.

"You're welcome, Miks," nang-aasar pa na sabi niya.

Inirapan ko muna siya bago nagsalita.  "Oo na, salamat," sabi ko kapagkuwan.  Nahiya rin naman ako dahil ginawan niya ako ng malaking pabor... ulit.  Sa hindi mabilang na pagkakataon ay nagpanggap si Jeron na boyfriend ko para itaboy ang makulit na manliligaw.  Ang tagal na kasi akong kinukulit ni Martin. Kahit ilang beses ko na siyang tinapat ay sadyang malakas ang fighting spirit niya.  Titigil lang daw siya kapag may boyfriend na ako.  Kaya ayun, si Jeron ang iniharap ko sa kaniya.  Buti na lang din at lagi kaming napagkakamalan na magboyfriend ni Jeron dahil sa closeness namin kaya sinamantala ko na para maniwala si Martin.

Actually, ilang beses ko na ring ginamit na alibi si Jeron.  Kapag may nangungulit na manligaw, makipagdate, maghatid o kahit humingi ng number, si Jeron ang ipinangsasanggalang ko.  It always works dahil sobrang close kami. It's easy for people to believe that we are an item because they always see us together.  Nagkataon pa na touchy akong tao.  Normal na sa akin ang yumakap, umabrisyete o umakbay sa mga kaibigan ko.  Ganu'n kasi ako pinalaki.  It so happened na ganu'n din si Jeron.  He would hold my hand kapag naglalakad kami or tumatawid.  He would hug me kapag naglalambing siya or kapag nang-uuto na ilakad ko sa babaeng type niya.  We never put malice to our friendship kahit may times na pinagbibintangan ko siyang nananantsing.  Pero asaran lang namin 'yun.  Alam ko naman na wala siyang gusto sa akin.

"You think Martin really bought it?  Hindi kaya siya nakahalata?" tanong ko sa kaniya pagkatapos niyang umorder.  Pasimple ko siyang tinext kanina na sumunod dito sa restaurant nang lapitan ako ni Martin.  Si Jessey dapat ang kasama ko dito pero nagcancel siya last minute dahil inutusan ng mommy niya. Minalas naman ako na nakita ako dito ng may pagkastalker na suitor ko.

"Gusto mo bang totohanin na lang natin ang pagpapanggap para talagang hindi ka na guguluhin ni Martin?" balik-tanong ni Jeron na may pilyong ngiti sa mga labi.  Dumukwang siya upang ilapit ang mukha niya sa mukha ko.

I rolled my eyes in exasperation.  "Ano ba, Teng! Seryoso naman, please," naiirita na ako.

"Sorry, Miks," hinging-paumanhin niya at umayos ng upo.  "Sa tingin ko effective naman.  Mukha naman siyang bigo kanina.  But in case he didn't buy it, I'm always here.  I don't mind putting on another show again for him."

Napabuntong-hininga ako.  Thankful lang talaga ako na palaging nandito sa tabi ko si Jeron.  Kahit madalas niya akong asarin, alam kong hindi niya ako papabayaan.

"Thanks, Je.  Alam ko naman na I can count on you all the time.  Nakakafrustrate lang din kasi kung minsan.  Ayoko pa naman kasing magpaligaw pero may mga hindi makaintindi," nakasimangot na sabi ko.

Amused na napangiti si Jeron. "You can't blame these guys, Miks.  You're pretty, smart, tall and sexy... not to mention very popular.  Normal lang na dumugin ka ng manliligaw.  You can't ask them not to admire you, moreso, take the risk and court you.  You are every guy's dream girl, Miks," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at ibinaling sa labas ng bintana.  Hindi ko kasi alam kung bakit ako nagblush eh si Jeron lang naman 'to.

'Yung totoo, Mika... kinikilig ka ba??? kausap ko sa sarili ko.

Excuse me!  Hindi 'no! Bakit ako kikiligin? sagot naman ng isang bahagi ng isip ko.

"Dream girl?!  Tsss!  Sa'n mo naman napulot 'yan?  Lesbian nga ang tingin sa akin ng iba eh," sabi ko sa kaniya nang ma-compose ko ang sarili ko.

"'Yung mga babaeng insecure lang sa 'yo ang nagsasabi na lesbian ka.  But most of the guys I know has a crush on you."

"Naks!  'Yan naman ang gusto ko sa 'yo, BF... lagi mong pinapataas ang morale ko," nakangiting sabi ko. "Sige na, gagawa na ako ng paraan para makuha ang number ni Julia," panunukso ko sa kaniya. Classmate ko sa isang subject si Julia.  Nakita siya ni Jeron nang minsang puntahan niya ako sa classroom ko para ihatid ang libro ko na naiwan ko sa condo niya.

"Ngek!  Wala naman akong gusto sa kaniya.  I just said she's pretty.  Ikaw lang ang tukso ng tukso sa akin sa kaniya eh," depensa niya.

"Sus, BF, 'wag ka nang mahiya.  Alam ko namang 'yung mga tipo ni Julia ang type mo eh.  'Yung matatangkad na parang model tapos mapuputi.  Sige na, amin amin din 'pag may time," pamimilit ko.

"Arrrggghhh!  Ang kulit mo!" sabi niya sabay pisil sa magkabilang pisngi ko.  Habit na ni Jeron na pisilin ang pisngi ko kapag nanggigigil siya sa akin sa kakulitan ko.  "Wala nga akong gusto sa kaniya.  May iba nga kasi akong gusto at ik-"  Biglang siyang huminto sa pagsasalita at itinikom ang bibig.

"May iba kang gusto at?" tanong ko sa kaniya nang hindi niya tapusin ang pagsasalita.  "Sino na naman 'yang bagong girlaloo na 'yan?" curious na tanong ko.

"Miks... let it rest, okay?" pakiusap niya.  "I'll let you know kapag handa na akong magtapat sa kaniya."

"Hmmm, sige na nga.  Hindi na muna kita kukulitin tungkol diyan sa bagong prospect mo.  Hahayaan na kitang dumiskarte.  I'm just happy you're finally moving on.  Basta if you need my help, just let me know, alright?"

For a time kasi ay nag-alala ako kay Jeron.  Feeling ko kasi ay hindi pa rin siya nakakamove on sa pagkakabasted niya kay Joanna.  I also feel responsible about it. Pakiramdam ko ay hindi ko siya natulungan ng husto.  Naturingang best friend ko si Joanna pero walang nangyari sa pagtutulay ko sa kanilang dalawa.  Ayaw ni Joanna kay Jeron dahil mukhang babaero daw.  At pinagsabihan pa ako na mag-ingat kay Jeron.  As if naman papatulan ako nu'ng tao samantalang patay na patay nga si Jeron sa kaniya.  Ilang beses din akong pinakiusapan ni Jo na layuan si Jeron pero hindi ko ginawa.  Kaibigan na ang turing ko sa tao... a very good friend at that.  At hindi ko ugali ang mang-iwan ng kaibigan.  Kaya nga kahit ayaw ni Joanna kay Jeron, pinagpatuloy ko pa rin ang pakikipagkaibigan ko sa kaniya.

Ngumiti si Jeron habang nakatingin sa akin.

"I know, princess.  But enough of me, okay?  Pag-usapan naman natin kung kelan mo balak magkaboyfriend.  Nineteen ka na, Mikang.  How long are you going to keep your suitors waiting?" he teased.

"I'm waiting for my prince charming," nakangiting sabi ko with a dreamy expression on my face.

Corny na kung corny pero gusto ko ng mala-prince charming na first boyfriend.  Prince Charming not only with his looks but also with his personality.  Gusto ko 'yung gentleman.  I want someone who's going to sweep me off my feet.  'Yung tipong sa unang pagkikita pa lang namin ay may mararamdaman na akong kakaiba.  'Yung sinasabi ng iba na parang kuryente.  'Yung--

"Aray!  Ano ba?!" angil ko nang katukin niya ang ulo ko.

"Ginigising lang kita sa pagdedaydream mo.  Hello, Mika Aereen!  Twenty first century na.  We live in a computer age.  Prince Charming doesn't live here anymore," paalala niya.

"Grrr!  Walang basagan ng trip!  Basta magboboyfriend lang ako kapag nameet ko na ang prince charming ko.  Tapos!"

"Maybe you've met him already.  Hindi mo lang napapansin dahil kung saan saan ka naghahanap.  He's probably just right under your nose all along."

Agad akong napatingin kay Jeron.

"What did you just say?" tanong ko sa kaniya.  Medyo mahina ang pagkakasabi niya.  Parang pabulong nga lang pero nasagap pa rin ng bionic ears ko.

"Huh? Nothing," pagdedeny niya.

"Weh?  I heard something eh," sabi ko.

"You heard na pala, bakit tinatanong mo pa?" papilosopo niyang balik-tanong.

"Eh hindi kasi malinaw.  Sige na... what did you say?" pangungulit ko.

"Sabi ko, kumain ka na dahil malamig na ang pagkain," sagot ni Jeron habang ipinagpatuloy ang pagkain.

"Parang hindi naman ganu'n ang narinig ko," nagdududang sabi ko pero ipinagkibit-balikat ko na lang.  Whatever it is, if it's something I should know, I'm pretty sure Jeron would tell me about it.

Nang matapos kaming kumain ay inihatid niya na ako sa dorm.  Maaga pa kasi ang aqua training namin tomorrow.

Naghahanda na akong matulog nang magring ang phone ko.

"Hi, zizzy," masayang bati ko kay Joanna.

"Mika, is it true?  Kayo na raw ni Jeron?" diretsong tanong ni Joanna sa akin.

Bakit parang galit siya?

"Sa'n mo na naman nabalitaan 'yan?  I told you, stop reading blogs about me.  Half of it aren't true," sabi ko sa kaniya.

"I saw Martin's tweet.  That twerp said he stopped courting you as a sign of respect to his 'idol' Jeron who's now your boyfriend."

Gusto kong magreact sa description na ginamit ni Joanna kay Martin pero hinayaan ko na lang.  May pagkataklesa kasi siya palibhasa ay laki sa ibang bansa.  Ayokong mag-away kami.  She never liked any of my suitors anyway.

"Jeron's not my boyfriend.  It's just one of those times we have to act to drive my suitors away," paliwanag ko.

"Oh, that's good to hear," relieved na sabi ni Joanna sa kabilang linya.

Bakit siya relieved?  May gusto na ba siya kay Jeron?  Hindi ko alam kung bakit parang tumututol ang isang parte ng puso ko.

"Jo, do you like Jeron na?" tanong ko.  Somehow I feel that I have to know her answer.

"Hell, no!  I still don't like him one bit," mariing tanggi ni Joanna.  "I am just nice to him because you asked me to.  So don't push your luck, Miks.  Don't try to act as his bridge again like you did last year," paalala niya.

"Oo na po," sagot ko.  "Sige na, I'll sleep na.  See you tomorrow at school," paalam ko kay Joanna.

"Good night, Miks.  I love you."

"Love you, bes.  Nytie!"  Iyon lang at pinutol ko na ang tawag.

Napakasweet talaga ng best friend ko na iyon.  Since she came back from Paris, mas lalo siyang naging sweet, although may pagkaclingy nga lang minsan.  Kung tutuusin, bagay talaga sila ni Jeron.  They're both good looking.  They're also achievers at their young age.  Si Jeron sa collegiate basketball while Joanna is making a name as a young philanthropist.  Tapos pareho pa silang sweet at caring na kaibigan.  Sana nga ay silang dalawa ang magkatuluyan.

Muli ay naramdaman ko na naman ang tila pagtutol ng puso ko sa sinabi ng isip ko.

A/N:  I'm back!  Pero ang utak ko ay vacation mode pa rin.  Sorry kung medyo waley itong update na itey.  Ayaw makisama ng utak ko eh.  Ang daming ideas na pumapasok, nagkakalabo-labo tuloy.  Ayusin ko na lang ang next update.  Sorry po!

Why Are We Still Friends?  (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon