Chapter 3
[Mika's POV]
"HUYYY, damulag! Kanina pa tawag ng tawag sa 'yo si Jeron," malakas na gising sa akin ni Ara Galang habang niyuyugyog ako.
Si Ara ang batchmate slash roommate slash bestfriend ko sa team.
Hindi ko pinansin si Ara. Kinuha ko ang isang unan at nilagay ko sa mukha ko.
"Aba't talagang nagtakip pa ng unan! Teka nga..."
Nagulat na lang ako nang biglang hilahin ni Ara ang mga paa ko dahilan para mahulog ako sa kama.
"Aaarrrggghhhh! Ano ba!" naiinis na bumangon ako at naupo sa kama.
"Nakow, Mikang... 'wag ako ang sungitan mo ha! Nagmamagandang-loob lang ako dito sa caller mo," agad na sabi ni Ara sabay abot sa akin ng cellphone ko. "Sagutin mo na at nakailang missed calls na 'yang si Teng. Baka importante ang tawag." Pagkasabi noon ay lumabas na si Ara ng kuwarto bitbit ang towel niya. Eight ng umaga kasi ang class ni Ara.
Teka lang... kung andito pa si Ara at eight ng umaga ang pasok niya, ibig sabihin ginising ako ni Jeron ng sobrang aga!
"Hello!" masungit na sagot ko kay Jeron.
"Hi, princess. Did I wake you up?" Kahit hindi ko nakikita si Jeron ay alam kong nakangisi siya. Masayang-masaya kasi 'yun kapag naaasar niya ako.
"Ughhh! Teng, ang lakas mong mambuwisit! Alam mong hindi ako gumigising ng maaga 'pag walang training. Ano bang gusto mong sabihin na hindi makakapaghintay mamaya?" naiinis na sabi ko.
"Sungit mo talaga. Kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh," he chuckled.
At may gana pa talaga siyang mang-asar!
"Kahit sinong matinong babae ang gisingin mo ng ala-sais ng umaga, magsusungit sa 'yo!"
"Parang hindi naman. 'Yung mga ex ko hindi naman masungit sa umaga," hirit pa ng tinamaan ng magaling.
Ikumpara ba ako sa mahaharot na babae niya!
"Je... 'Matino' is the operative word okay? I don't think any of your exes fit the criteria," sarcastic na sabi ko.
Sa halip na mapikon ay tumawa lang si Jeron.
"So ano nga ang sasabihin mo? Bilis na at babalik pa ko sa pagtulog," tanong ko ulit sa kaniya.
"Smile ka muna," request niya.
Kung kaharap ko lang siya ay siguradong binibigyan niya na naman ako ng pamatay niyang ngiti. That particular smile that always warms my heart. 'Yung klase ng ngiti na kayang alisin ang inis ko.
"Jeron, isa..." warning ko sa kaniya. Senyales na malapit na akong mapikon.
"Oo na, seryoso na," agad na sabi ni Jeron. "Gusto ko lang i-share sa 'yo ang good news na nareceive ko. Alam mo namang sa 'yo ko unang sinasabi lahat 'di ba?"
Nakonsensiya naman ako sa pagsusungit ko dahil sa sinabi niya. One thing I like about Jeron is that he really makes me feel that I am a big part in his life. Lahat ng nangyayari sa kaniya, whether good or bad, he always shares with me first. Marami akong kaibigang lalake pero si Jeron lang ang nag-iisang lalake na ganoon ang trato sa akin, like I am the most important person in his life.
"Sorry, Je," malambing na na sabi ko. "So what's the good news nga?"
"I got a call from Dondon Monteverde. He's offering to manage me and Kuya."
"Dondon Monteverde?? 'Yung talent manager? Mag-aartista ka? Wow, ayos 'yun!" masayang sabi ko. I'm sincerely happy for him and Kuya Jeric.
"Siguro... I don't know. Hindi pa kasi final eh. Baka mamaya hindi pala matuloy," medyo worried na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Why Are We Still Friends? (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)
FanfictionPlatonic Love is defined by Merriam-Webster as a close relationship between two persons in which sexual desire is non-existent or has been suppressed or sublimated. In this day and age, can two attractive, high-profile student athletes really stay '...