Chapter 11

3.5K 45 33
                                    

Chapter 11

[Mika's POV]

SURPRISINGLY, panatag ang naging tulog ko habang katabi si Jeron.  Akala ko ay mahihirapan akong makatulog eh.  It turns out it was the most peaceful sleep I ever had.  At hindi siya nagsisinungaling nu'ng sinabi niya na hindi siya malikot matulog.  I woke up, still in his arms... the same way we slept a few hours ago.

I can't help but stare at his face.  Napakaamo talaga ng mukha niya.  Kung ganito kaguwapo ang mukhang makikita ko every morning, palagi sigurong kumpleto ang araw ko.  Ang suwerte ni Joanna kapag nagkatuluyan sila ni Jeron.  She will have the privilege of waking up to this gorgeous face all the time.

Bakit kasi hindi na lang ako, Je?  Bakit si Joanna pa?

Naputol ang iniisip ko nang mapansin kong umiilaw ang cellphone niya.  Agad kong kinuha iyon at curious na tiningnan kung sino ang tumatawag.

Nakasimangot na ibinalik ko sa side table ang cellphone niya.  Gusto ko sanang sagutin ang tawag pero alam kong mali.

Speaking of Joanna, 'ayun na siya, nagparamdam agad.  Parang na-sense niya yata na may hinihiling akong masama.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Jeron na nakapatong sa beywang ko at tumayo ako para pumunta sa banyo.

Habang nasa banyo ako ay iniisip ko kung ano ang gagawin ko sa nararamdaman ko para kay Jeron. Dalawa lang naman ang option eh, either push or pull.  'Pag ipinush ko 'to, I am going to risk hindi lang ang friendship namin kundi pati rin 'yung kay Joanna.  Kung pareho kami ng nararamdaman ni Jeron, we probably could work together para magpaliwanag kay Joanna.  Pero paano kung hindi kami pareho ng nararamdaman?  Parehong mawawala sa 'kin ang dalawang best friend ko.

If I choose to keep this feeling forever, I can keep my friendship with both of them.  'Yun nga lang, 'yung sariling happiness ko ang isasacrifice ko.

Arrggghhh!  Ang hirap mamili!  It's like choosing between a rock and a hard place.  Kahit anong piliin ko, wala namang assurance na magiging masaya ako sa magiging decision ko.

Hayyy!  Saka na nga muna 'yan.  Kailangan ko munang isipin ang pagbalik sa dorm.  Baka hinahanap na ako nina Ate Aby.  Sabi ko kasi sa kaniya ay maaga akong uuwi ngayon.

Bumalik ako sa kuwarto para gisingin na si Jeron dahil kailangan niya ring pumunta sa dorm nila.  Hindi ko na pala siya kailangang gisingin dahil gising na siya.  Nakaupo siya sa kama habang nakangiti -- no, nakangisi.

"What's with that silly smile on your face?" curious na tanong ko.  The way he's smiling, para siyang may ginawang kalokohan.

"Nothing," he said as he tried to give me a poker face.

"Eh bakit hawak mo ang phone ko?  You're checking my messages??!" nag-aakusang tanong ko sa kaniya sabay agaw ng cellphone ko.

"Hindi, no!" mabilis na sagot niya.  "Saka ano naman kung silipin ko if ever?  Don't tell me you're hiding something from me?" balik-tanong niya sa akin.

"Wala.  But it's not enough reason para pakialaman ang cellphone ng may cellphone.  Hindi 'yun tama.  You should respect other people's privacy," sermon ko sa kaniya.

"Opo.  Sorry na po.  Para naman akong mister na sinersermunan ng misis umagang-umaga," natatawang sabi niya habang umiiling.  "Hmmm!  Good morning, Mrs. Teng," birong bati niya sabay halik sa ulo ko.  Kinuha niya ang towel at lumabas na ng kuwarto.

Bigla akong napangiti dahil sa biro niya.  Hindi ko maiwasang kiligin dahil parang tanggap din niya ang idea na mag-asawa kami.

'Langya, Mika, umagang-umaga nangangarap ka na naman! sermon ng isip ko.

Why Are We Still Friends?  (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon