Chapter 25.1

2.9K 43 13
                                    

Chapter 25.1

[Mika's POV]

I WOKE up with a terrible headache and with my heart still feeling heavy from last night's turn of events. I feel so wretched, my heart is full of guilt. God knows I never meant to hurt Gabby but my guilty conscience is killing me. Nasasaktan ako knowing na nasaktan ko siya.

I shook my head. I need to stop thinking about my guilt and start moving on. Lalo lang akong mada-down kapag inisip ko ng inisip ang nangyari. Saka si Gabby naman ang kusang sumuko. It's not like I cheated on him or something. Mas mabuti pa sigurong ipagpatuloy ko na lang ang pagtulog tutal naman ay wala pang pasok dahil Linggo ngayon.

Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg ng katabi ko. I nuzzled up and breathe in the delicious smell of this warm body beside me.

What the f--??!!

Bakit ako may katabi?? Sino 'to?!

Sinubukan kong bumangon ngunit hindi ako masyadong makagalaw dahil nakayakap ang isang braso niya sa akin habang nadadaganan ng binti niya ang mga hita ko.

Nagising ang lahat ng senses ko. I can smell a combination of a man's cologne and after shave.

After shave?! Definitely, walang Lady Spikers na gumagamit ng after shave cream! Nasaan ba ako?!

Agad akong nag-angat ng ulo dahilan para tumama iyon sa baba ng katabi ko.

"Awww!" reklamo ng pamilyar na boses. Nagising ko yata siya. "Pagkatapos ng mga nangyari sa atin kagabi, sasaktan mo lang ako paggising mo," nakalabing sumbat ni Jeron.

"What the hell! Jeron, bakit nandito ka?!" Naitulak ko siya sa sobrang gulat. Muntik tuloy siyang mahulog sa kama.

Ganu'n na lang ang tili ko nang makita kong wala siyang pang-itaas na damit at tanging boxer shorts lang ang suot niya.

"Bakit wala kang damit?!" hysterical na sigaw ko. Aabot na yata sa elevator ang boses ko.

"Baby, ikaw kaya ang naghubad sa akin kagabi," pangangatwiran niya habang mabilis na hinagilap ang puting T-shirt niya at isinuot.

"What?! What do you mean ako ang naghubad?? Why would I do that?" gulong-gulo ako sa mga pangyayari. Kagabi lang ay umiiyak ako dahil kay Gabby. Ngayon naman ay nasa magulong sitwasyon ako with Jeron.

"My princess, don't you remember anything?" tanong niya.

Blangko lang akong nakatitig sa mukha niya.

"Guess not," iiling-iling na sagot niya. "Ayaw mong bumaba ng kotse nu'ng ihatid kita sa dorm niyo kagabi. You said you want to go to a bar and drink. Hindi kita pinayagan kaya pinilit mo akong dalhin kita sa condo ko at sabi mo ay dito na lang tayo uminom. I brought you here tapos 'ayun, you drank all the alcohol you can find in my mini-bar. You remember now?" paalala niya habang nakatitig sa akin.

Naalala ko na 'yung mga eksenang sinabi niya. Sa sobrang bigat ng dibdib ko kagabi ay naisip kong uminom at magpakalasing kaya niransack ko ang bar ni Jeron. It didn't take a while para malasing ako dahil hindi ako marunong uminom.

"But it still doesn't explain why you're half n-naked," nagbablush na tanong ko.

Damn! Remembering how good he looked when I woke up makes me red to the roots.

"When you got drunk, I carried you to my bed para sana makapagpahinga ka na. Hindi ko naman ineexpect na balak mo palang pagsamantalahan ang kahinaan ko. Basta mo na lang ako hinalikan at hinubad ang damit ko," naiiyak kunwari na sabi niya pero umiilaw naman sa kapilyuhan ang mga mata.

"Like hell I did!" tanggi ko sa kuwento niya. Hindi ko maimagine na magagawa ko ang sinasabi ni Jeron. Saka it couldn't be true dahil may damit naman ako.

Oo, ginu-goodtime lang ako ni Jeron. Imposible 'yun dahil hindi naman ako nakahubad.

I looked at my clothes and got the shock of my life when I noticed what I was wearing. It was Jeron's old jersey! And my upper undergarment is unhooked.

"Oh God! Oh God!" That's all I can say. Gusto kong himatayin sa mga natutuklasan ko.

Mika, what have you done???

Some images of me kissing Jeron and removing his shirt came flashing before my eyes. That means he was telling the truth. But that's all I can remember.

Surely, if something happened I would remember, right?

Halos pigain ko na ang isip ko pero wala talaga akong maalala. Malinaw na ang flow ng mga images sa isip ko pero humihinto iyon sa alaala ng pagtanggal ko ng damit ni Jeron.

I started sobbing. I don't know what else to think. Labis na naguguluhan ang isip ko sa mga pangyayari. Saka ang sakit-sakit na ng ulo ko.

Bakit nagkaganu'n? Pa'no ako napunta sa ganitong sitwasyon? Ano'ng ginawa ko?

But the most perfect question is... ano na ang gagawin ko? Sasabihin ko ba sa parents ko ang nangyari? Ano na lang ang sasabihin nina Daddy? Madidisappoint ko sila ni Mommy.

Napahagulgol na ako sa sobrang frustration. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Agad namang lumapit si Jeron at niyakap ako.

"Baby, stop crying, please. Handa naman akong pakasalan ka eh. I'm willing to marry you now. Kahit sa lahat ng simbahan pa kung gusto mo," pang-aalo niya sa akin. I don't know why I can sense a hidden amusement in his reaction.

"Tumigil ka nga!" naiinis na tulak ko sa kaniya. "Wala akong balak magpakasal sa 'yo. Bata pa ako at marami pa akong pangarap sa buhay. At higit sa lahat, ayokong maging asawa ang isang babaero at sinungaling na tulad mo," singhal ko sa kaniya dala ng sobrang frustration.

Biglang nabura ang ngiti ni Jeron. Nawala ang playfulness sa hitsura niya at napalitan ng seryosong mukha.

"Well, thank you for being honest, Mika," sabi niya sa seryosong boses at malungkot na mukha. "I guess I have to take rejection like a man. Pero sana lang 'wag mong kalimutan na ang babaero at sinungaling na 'to ang dumamay sa 'yo kagabi nang lunurin mo ang sarili mo sa alak dahil lang kay Gabby. Ito ring babaero at sinungaling na 'to ang nagbantay sa 'yo magdamag dahil ilang beses kang nagising na umiiyak. At ito ring babaero at sinungaling na 'to ang hindi tumitigil magmahal sa 'yo kahit ilang beses mong saktan."

Biglang tumayo si Jeron at halatang masama ang loob na naglakad papunta sa pinto. Humarap siya sa akin at nagsalita.

"By the way, nothing happened between us. You fell asleep right after taking off my shirt. I just unhooked your bra and changed your clothes so you can sleep comfortably. Don't worry, I didn't see anything 'coz I covered you with a blanket while I undress you. Sinungaling at babaero man ang tingin mo sa akin, I don't take advantage of women, most esp. you. Malinis ang intensiyon ko sa 'yo, paniwalaan mo man ako o hindi," sabi niya bago siya lumabas ng kuwarto.

I heaved a sigh of relief over what he said. Pero agad ko ring narealize ang mga nasabi ko kay Jeron. Alam kong nasaktan ko siya.


Napabuntong-hininga na lang ako. Dalawang lalake na ang nasaktan ko this weekend alone... dalawang lalakeng parehong nagmamahal sa akin.

Great job, Mika! Ipagpatuloy mo 'yan para wala nang magmahal sa 'yo, sarcastic na sabi ng isip ko.

I'm so disappointed with myself. Lagi na lang akong sablay. Iiling-iling na kinuha ko ang damit na suot ko kagabi at nagmamadaling pumasok sa CR.


SAKTONG kakatapos ko lang mag-ayos ng sarili nang kumatok si Jeron. He was holding a tray of delicious breakfast of bacon, eggs, loaf of bread, banana and milk. Nakita ko rin na may pain reliever sa tray.

Hindi ko napigilang matouched. After everything I said, pinaghandaan niya pa rin ako ng breakfast.

"Eat first before we head back to your dorm. Then take the pain reliever para mawala ang hangover mo," malamig na sabi niya habang pinapatong sa kama ang tray.

"Je... I'm sorry," sabi ko. "I didn't mean what I said. Gulong-gulo lang ang isip ko kanina. Please 'wag ka nang magalit, o? Forgive me, please," mababa ang boses na sabi ko.

He smiled faintly before he gathered me in his arms. "Nakakainis kasi hindi ko makuhang magalit sa 'yo kahit masakit na 'yung mga sinabi mo. Ni hindi ko kayang patagalin man lang ang pagtatampo ko para naman lambingin mo ako. Pasalamat ka't sobrang mahal kita," sabi niya habang pinipisil ang ilong ko. "I know you meant what you said. 'Wag mo ng i-deny. You don't want me because you can't trust me. But I will change your mind. I told you that, 'di ba?"

Bahagya akong tumango.

"'Wag kang mainip. It's gonna happen soon, princess," he said as he kissed my forehead.

Hindi na ako nagkomento. Bahala siya kung paano niya gagawin ang sinasabi niya. I'm not expecting anything anyway.

Sabay na kaming kumain. Nang matapos kami ay hinatid niya na ako sa dorm.


A/N: Sorry I have to cut it. Feeling ko kasi sobrang haba na. I'll post the continuation tom, promise!

Why Are We Still Friends?  (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon