Chapter 22
[Mika's POV]
"GAB, where's Vhan?"
Papalapit ako sa umpukan nila Gabby, Thomas at Ara sa cafeteria nang marinig kong magtanong ang kakarating lang na si Jeron kay Gabby. Hindi niya ako napansin dahil nakatalikod siya sa akin. Ang magkatabing sina Ara at Thomas ang nakaharap sa direksiyon ko.
Wala na ba siyang ibang bukambibig kundi Vhan?! naiiritang naisip ko.
"I don't know, man. I'm not her boyfriend," pilosopong sagot ni Gabby.
"Naku, pare, parang iba na 'yan ah! Ilang araw mo nang hinahanap si Vhan. May something sa inyo, 'no?" panunukso ni Thomas. Hindi rin ako napansin ng bansot na 'to.
"Gago! Something ka d'yan. I just need to ask her something," sagot ni Jeron pagkatapos batukan si Thomas.
"O, kita mo na! Eh 'di may something nga kayo. Pa'no na si Mi-- Oh hi, Mika!" Hindi natuloy ni Thomas ang sinasabi dahil nakita niya na ako.
Ngumiti lang ako sa kaniya. Agad namang tumayo sina Gabby at Jeron at sabay na inalok ang upuan nila para sa akin. Ara and Thomas both chuckled at the scene.
"Nakanang! Ang haba ng hair mo, damulag! Babaeng-babae, fresh, pinag-aagawan," pang-aasar ni Ara.
Ang lakas naman ng tawa ni Thomas.
"Luh! Bumenta sa 'yo 'yun, bansot? Ano 'yan, moral support sa corny na joke?" ganti ko naman kay Thomas.
"Burn!" kantiyaw ni Gabby kay Thomas. "Dito ka na, Miks. I'll get myself a chair," nakangiting sabi sa akin ni Gabby.
"No, take mine," sabi ni Jeron. Ayaw talaga nitong magpatalo kay Gabby.
"Puwede ba, magsiupo nga kayong dalawa! Kaya kong kumuha ng sarili kong upuan," naiiritang sabi ko sabay hila ng isang upuan sa tabi at umupo. Lagi na lang kasi silang parang mga bata na nagpapasiklaban sa harap ko. "I just came here to give you guys this. Pinabibigay ni Kim Dy. Debut niya sa Saturday and invited rin daw kayong Green Archers," I said as I handed out the invitation to Jeron. "Ikaw na ang magbigay sa iba, King Archer."
"Ars, pupunta ka? Ako na lang ang escort mo," pacute na sabi ni Thomas.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Ara. "Escort ka diyan. Bakit, ako ba ang may debut??"
"Double burn!" sabay pa kaming tatlo nina Jeron at Gabby sa pangangantiyaw kay Thomas.
"Ayusin mo kasi ang diskarte mo, bansot! Hindi lulusot ang mga ganiyan kay Ms. MVP. 'Di ba, Arabels?" nakangising panunukso ko kay Ara.
Tinirikan lang ako ng mga mata ni Ara. Madalas ko kasi siyang tuksuhin kay Thomas dahil obvious naman na type siya ni bansot. Kaso lang parang wala siyang type kay Thomas. Sobrang focused kasi si Ara sa volleyball at acads lalo na't nagshift siya ng course.
"How about you, Miks? Are you coming to the party? Can I be your date?" suwabeng hirit ni Gabby.
Agad lumipad ang tingin ni Jeron sa akin. Pasimple siyang sumesenyas na 'wag kong tanggapin ang alok ni Gabby.
"Sure, Gab," I said smiling, then secretly glared at Jeron.
Parang bumagsak ang dalawang balikat niya. Malungkot ang mga mata na nakatingin lang siya sa akin. Ang tanga kong puso ay inuudyukan naman ang isip ko na magbago ng desisyon. Nasasaktan din kasi ako 'pag nakikita kong malungkot si Jeron.
Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at inilipat kay Gabby. Si Gabby na lang kasi dapat ang pinagbubuhusan ko ng atensiyon eh imbes na sa iba. Nakita ko namang bahagyang nakakunot ang noo ni Gabby habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Jeron. Parang pinag-aaralan niya ang reaksiyon ko.
Bigla akong naasiwa. Baka mabasa ni Gabby ang totoong nararamdaman ko para kay Jeron. Sinisikap ko na ngang kalimutan eh.
Naligtas ako sa mapanuring mga mata ni Gabby nang magsalita si Thomas.
"Jeron, pare, 'ayan na 'yung hinahanap mo, o," sabi niya kay Jeron habang itinuturo ang palapit na si Vanessa.
"Hi, sweetheart!" masayang bati ni Vanessa sabay halik sa pisngi ng nagulat na si Jeron.
Nakakarami na 'tong babaitang 'to ah! angal ng isip ko.
"At kelan mo pa naging 'sweetheart' si Jeron?" nakataas ang isang kilay na sita ni Gabby kay Vanessa. Parang hindi niya nagustuhan ang bati ni Vanessa kay Jeron.
"What do you care? Tatay ba kita?" nakangising tanong ni Vanessa. "Hi, Miks. Kelan mo ba sasagutin 'tong ungas na 'to para naman hindi na ko palaging sinusungitan?" baling niya sa akin.
Alanganin akong napangiti. Hindi ko alam ang isasagot ko lalo na't nakatingin silang lahat sa akin.
"Ahmm, excuse us, guys. I just need to speak to Vhan in private," biglang singit ni Jeron sabay hawak sa braso ni Vanessa.
Kinuha ni Vanessa ang kamay ni Jeron na nakahawak sa braso niya at ipinaloob ang kamay niya.
Napatitig ako sa magkasalikop na mga kamay nila at hindi ko maiwasang makaramdam ng selos. Napatingin ako kay Jeron. Parang gusto niyang magpaliwanag sa akin pero inirapan ko lang siya.
"Ganito dapat ang mga kamay natin para sweet," nakangising sabi ni Vanessa kay Jeron. "See you later, guys. Namiss yata ako ng sobra ng sweetheart ko eh. Hihiwalay muna kami sa inyo ha?" paalam niya habang hila-hila na si Jeron.
"Vhan! Call me later. You have a lot of explaining to do," pahabol ni Gabby. Malapit na sa pinto sina Jeron.
"Ipa-explain mo sa pagong!" sigaw ni Vanessa na ikinatawa pati ng ibang estudyante na nasa cafeteria.
[Jeron's POV]
"WHERE have you been all this time? Bakit sumusulpot ka lang tuwing kasama ko si Mika at maninira ka ng moment? Ano ba ang gusto mong palabasin sa panghahalik mo sa akin sa harap ni Mika? Do you have any idea kung ano'ng klaseng gulo ang dinala mo sa buhay ko? Ayaw na niyang maniwala sa akin na mahal ko siya dahil sa mga pinaggagagawa mo!" sunod-sunod na sabi ko kay Vanessa nang makarating kami sa tagong bahagi ng campus.
Inis na inis ako sa kaniya. Kung titingnan ko ang sarili ko sa salamin ay siguradong namumula ang mukha ko. Kanina ko pa kasi pinipigilan ang sarili ko na sakalin ang babaeng ito.
"Woah! Isa-isa lang, mahina ang kalaban," nakuha niya pa talagang magbiro. "Where have I been? Well, obviously, tinataguan ka kasi sinabi ni Gab na hinahunting, este, hinahanap mo raw ako. Alam kong gusto mong pilipitin ang leeg ko eh," bahagyang nangingiting sabi niya. "For your second question... bakit sumusulpot lang ako 'pag kasama mo si Mika? Siyempre, that's part of my plan. At tungkol sa halik, 'wag ka ngang masyadong prude diyan. Hindi bagay sa 'yo. It's just a smack, Je. It's not like I took your virginity or something," nakataas ang kilay na paliwanag niya. "At sa tanong mo kung may idea ako sa gulong ginawa ko, of course I do. 'Yun nga ang gusto kong mangyari eh, ang magkagulo kayo para magkahiwalay na kayo ni Mika," seryosong sabi niya.
Gulat na gulat ako sa mga revelations niya. I wasn't expecting that a sweet lady like her could be so scheming.
"But why are you doing all these, Vhan? I treated you like a friend. Why do you want to make my life miserable?" Hindi ko maitago ang hinanakit ko sa kaniya. Akala ko kasi ay kaibigan ang turing niya sa akin. Ayos naman kasi kami dati eh. Tropa tropa lang talaga. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito nu'ng bumalik na si Mika.
She looked at me apologetically.
"Sorry, Je. Honestly, I really liked your company. Gusto naman talaga kitang maging kaibigan eh. Kaya lang, kailangan kong gawin 'yun para masiguro ko na hindi ka na pipiliin ni Mika," parang nagiguilty na sabi niya.
"Pero bakit nga? Why do you want to break us apart?" frustrated na tanong ko habang nakatitig sa kaniya. "Don't tell me may gusto ka sa akin?"
Sarcastic siyang tumawa. "Don't flatter yourself too much, Jeron! Hindi lang ikaw ang guwapo dito sa La Salle," sabi niya.
"So kung hindi ako, it must be Gab then," nag-iisip na sabi ko. "Did he ask for your help? Pakana niya ba 'to para makuha niya si Mika? That's so not fair! Akala ko patas lumaban si Gabby," himutok ko.
"Hey, stop that! Don't blame Gabby, okay? He doesn't know anything about this. He's a good man," maagap na pagtatanggol niya. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. "I love Gabby that's why I'm doing this for him." Pain peeped through her eyes as she confessed.
Naguguluhang napatitig ako sa kaniya. "I'm not sure I follow your thoughts," sabi ko. "You love Gabby pero itinutulak mo siya palapit kay Mika?? I don't get it!"
"I want him to be happy. I know how much he loves Mika. Wala na siyang ibang bukam-bibig kundi Mika, Mika, Mika! Nakakainis na! If Mika makes him happy, I'll do everything I can para mapunta sa kaniya ang babaeng mahal niya," mapait na sabi ni Vanessa.
"Sorry but for me that's bullshit! If you really love Gabby, you should do everything to make him love you. Sige, granting Mika makes him happy... but how sure are you that you can't make him happier?" pangangatwiran ko.
Iyon kasi ang pinaniniwalaan ko kaya hanggang ngayon ay kumakapit ako sa posibilidad na magiging kami rin ni Mika sa bandang huli. I love her so much and I'm confident that I am the only one for her... not Gabby or anyone else.
"I don't know, Jeron," umiiling na sabi ni Vanessa. "Matagal ko nang natanggap na hindi ako kayang mahalin ni Gabby sa paraang gusto ko. He was the one who said we should stop dating before. Ano pa bang magagawa ko? I've long accepted the fact na hanggang kaibigan lang ako sa kaniya. But that doesn't mean I stopped loving him. Kahit nasasaktan ako 'pag nakikita ko siyang masaya kay Mika, tinitiis ko na lang."
"Pero wala ring mangyayari sa efforts mo dahil ako ang mahal ni Mika. Ginugulo mo lang kami kaya ayaw niya akong sagutin." I told her the things that happened after Mika came back from her trip abroad. Of course I left out the intimate part and Joanna's bit.
Saglit siyang hindi nakakibo at tila nag-iisip. Sinamantala ko nang i-convince siya lalo para tulungan niya akong magpaliwanag kay Mika. "Come on, Vhan... help me get Mika back and I'll help you with Gabby. Please, Vhan," pagmamakaawa ko. Kulang na lang ay lumuhod ako sa harap niya.
"Sorry, Je. It would be like betraying the man I love so much," tanggi niya. "What I can promise you is that I will stop all the act. Titigilan ko na kayo. Anyway, I planted enough doubts in her mind already. It's up to Gabby to pursue her and make her say 'yes'. I know it's just a matter of time before he succeeds." Bahagyang nanginig ang boses niya. Napansin kong nangingilid na ang mga luha niya. Naiintindihan ko siya dahil pareho lang kami ng kinakatakutan. I also fear for that day when Mika will choose Gabby over me. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako o maiinis kay Vanessa dahil nakakarelate ako sa pinagdadaanan niya.
I still tried to make one last appeal. "Vhan, please? Promise, Gabby won't know about it. Please... just help me clear my name in Mika's eyes. Just tell her I've been faithful all this time and that nothing's really going on between us." Hinawakan ko ang dalawang kamay niya habang sincere na nakikiusap.
She just shook her head. "I'm sorry, I really can't do it. Kung totoo ang sinasabi mo na ikaw ang mahal ni Mika, I'd rather let Mika break it to him than me telling him about it. I just can't break Gabby's heart, Je. I can bear my own heartache but I can't take seeing Gabby so heartbroken. I'm really sorry. I hope you'll understand," nanghihingi ng pang-unawa na sabi niya sa akin. "If Gabby decides on his own to let Mika go, sige I'll help you. But if not, I guess you have to think of another way to get her back." Apologetic na tumingin siya sa akin at nagsimula nang umalis.
Wala akong nagawa kundi pagmasdan na lang siya habang naglalakad palayo sa akin. Sa totoo lang ay naiintindihan ko na siya. Nagmamahal lang din siya. Hindi man kami pareho ng opinyon sa pag-ibig, kaya kong unawain na ginawa niya lang ang mga ginawa niya dahil sa pagmamahal kay Gabby. Hindi na ako galit kay Vanessa. Pero hindi ibig sabihin nu'n ay agree ako sa kaniya. Kukulitin ko pa rin siya na magtapat kay Mika hanggang sa mapapayag ko siya.
A/N: Hope I made it up to you, Vhan @vhanity_vhanizh hehehe
BINABASA MO ANG
Why Are We Still Friends? (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)
FanfictionPlatonic Love is defined by Merriam-Webster as a close relationship between two persons in which sexual desire is non-existent or has been suppressed or sublimated. In this day and age, can two attractive, high-profile student athletes really stay '...