Chapter 16

3.6K 51 25
                                    

Tentententen... Ang susunod na update ay Rated SPG.  Striktong patnubay at gabay ng magulang ay kailangan.  Maaaring naglalaman ng maseselang tema, lenguahe, karahasan, sexual, horror, o droga na hindi angkop sa mga batang mambabasa. :)

Chapter 16

[Mika's POV]

I WAS lost for words with Jeron's revelations.  Nakatitig lang ako sa kaniya while he's doing the confession.  Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya.  I don't seem to know what to say.

Mahal ako ni Jeron... mahal din ako ni Jeron.  Hindi talaga ako makapaniwala.

"Miks?  Say something naman, o," napapangiwing sabi ni Jeron nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kaniya.  Para siyang kinakabahan na ewan.

"Paano si Joanna?"

Nabigla ako sa lumabas sa bibig ko.  How could I forget her?

Walang sinasabi sa akin si Joanna about Jeron but I always believed she loves him.  I assume they have something going on dahil hindi naman nakikipagdate si Joanna sa lalake, tanging kay Jeron lang.  But I'm still hoping Jeron would say otherwise.  Sana sabihin ni Jeron na hindi naman masasaktan si Jo dahil wala silang relasyon.  Para naman mawala na itong guilt na nararamdaman ko.  Pakiramdam ko kasi ay inagawan ko ang sarili kong best friend.  And I hate having this guilty feeling.

"She'll understand," sabi ni Jeron maya-maya.

'Yun lang?  She'll understand lang?  Hindi ako napanatag doon.  Of course alam kong maiintindihan kami ni Joanna... she always does kasi napakabait niya, pero masasaktan ko pa rin siya.  The last thing I want to do is hurt my best friend.

Napailing ako.  "Jeron, please... let's not go this way," pakiusap ko sa kaniya.  "Oo, mahal kita.  Pero mahal ko rin si Joanna.  At sa tingin ko mahal ka rin niya.  I can't hurt her like this--"

"What did you just say??" biglang putol ni Jeron sa sinasabi ko.  Parang gulat na gulat siya dahil hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat para magkatitigan kaming mabuti.

"I said I can't hurt Joanna," ulit ko sa sinabi ko kanina.

"No, the one before that."  He looked at me with pleading eyes.

"Errr... that I think Joanna loves you?"

"No, not that.  'Yung nauna pa diyan," sabi niya.

"Na mahal ko si Jo?"

Frustrated na napakamot ng ulo si Jeron.

"I think you said you love me too.  Did I hear it right?  Mahal mo nga ako?  Hindi na bilang best friend lang?" hopeful na tanong niya.

Nang tumango ako ay nagulat ako nang bigla niya na lang akong yakapin ng mahigpit at iangat habang umiikot-ikot.  Paulit-ulit niyang sinasabi ang I love you, Mika habang tumatawa.

Luh!  Parang nababaliw na yata si Jeron!

"T-teka muna!  Ibaba mo nga ako at baka mahulog tayo sa pool," sabi ko na may kasamang hampas.

Tatawa-tawang ibinaba ako ni Jeron pero nakayakap pa rin siya sa akin.

"Mahal kita, mahal mo ako... so ibig bang sabihin nu'n tayo na?  Promoted na ako?" nakangiting tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Promoted??" takang tanong ko.

"Yes, promoted... from best friend to boyfriend," paliwanag niya.

"No," agad na sabi ko.

"What do you mean no?" parang biglang lumaylay ang mga balikat niya.

"It means you're not my boyfriend and I'm not your girlfriend.  Yet."

Why Are We Still Friends?  (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon