Chapter 14

3.6K 41 25
                                    

Chapter 14

[Jeron's POV]

PAGKAGALING sa dorm nina Mika ay dumiretso na rin ako ng uwi sa dorm namin. Kasalukuyan akong nagpapaantok habang binabalikan ang mga nangyari kanina. Masaya ako na naging maayos pa rin ang araw na 'to. Akala ko kasi ay mawawala na sa akin si Mika at tuluyan nang makukuha ni Gabby. Nakita ko kasi sila sa locker room kanina habang hinaharana ng choir si Mika.

Wala akong masabi kay Gabby. Mabilis talaga siyang dumiskarte. Isipin mong mahatak ang choir nang ganu'n ganu'n na lang? Talagang nanghina ang loob ko nang makita ko sila kasi naisip ko, ano ba ang laban ko sa kaniya? Simula pa lang, crush na siya ni Mika. Tapos ang galing pang dumiskarte. Akala ko kanina magiging sila na. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi pa rin siya pinapayagan ni Mika na manligaw. Pero mabuti na lang din at hindi pa, may panahon pa ako.

Kaya kikilos na ako bago pa siya tuluyang mawala sa akin. I've decided to tell Mika what I feel. If it means putting our friendship at risk, then so be it. Hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko. I have to let her know that I don't want to be just friends with her anymore.

But before that, I think I need to talk to Joanna first. I need to let her know that I'm moving on with my plans. We have to abandon our initial plan to make Mika jealous as it obviously didn't work.

Saka I want to convince her to tell Mika the truth about her preference. Hindi ako kumportableng maglihim kay Mika dahil alam ko how much she values honesty. Ayokong mag-away na naman kami kapag nalaman niyang matagal ko nang alam ang sikreto ni Joanna. Pero kasi kahit gustuhin ko mang sabihin kay Mika ang alam ko, wala naman akong karapatang pangunahan si Joanna tungkol du'n dahil siya ang involve at hindi naman ako. I just hope Joanna will find the courage to tell Mika about it. Alam ko namang maiintindihan siya ni Mika. Hindi naman makitid ang isip niya lalo na pagdating sa ganoong bagay.

I dialed Joanna's number but it kept on ringing. I don't even know if she's already here in Manila. Baka wala pa. Maybe she's busy.

Nagcompose na lang ako ng text message at ipinadala sa kaniya.

"Yo, King Archer! You still awake?" Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Gabby. Sa kabilang room ang room niya. Kasama niya roon sina Avo, Matt at Robert. Ang tatlong Torres naman ang roommates ko.

Agad akong tumayo para pagbuksan siya ng pinto. Tulog na kasi si Captain Norbert at baka magising sa ingay niya.

"Zup, bro?" tanong ko pagbukas ko ng pinto.

Despite being rivals kay Mika, wala naman kaming problema ni Gabby. Siyempre okay ako sa kaniya kasi hindi naman niya alam ang totoong nararamdaman ko para kay Mika. I never told anyone though I think Thomas might have an idea about how I feel for Mika.

Okay rin naman sa akin si Gabby. We're actually good buddies. The only time na naiinis ako sa kaniya ay kapag dumidiskarte siya kay Mika kasi nga nagseselos ako. But other than that, we're cool.

"Bro, quick favor lang... can I give out your mobile number?" tanong niya habang tinatapik-tapik ang cellphone.

"Woah! Wait! Baka kumalat ang phone number ko niyan," biglang sabi ko. "Kanino mo ba ibibigay? Saka bakit?"

"Kasi someone did a favor for me so I have to do something for her in return."

"Her?? Naku, bro, ayoko na ng sakit ng ulo. Good boy na 'ko," agad na sabi ko. Baka makasira pa 'yun sa binabalak kong pagdiskarte kay Mika.

"Dude, I assure you, she's a nice girl. We used to date back in high school when I was still at Southridge and she's at Woodrose. We parted ways when I transferred to Zobel and got busy with basketball. But we're still friends, as in really good friends. She likes you a lot so I'm just helping her," paliwanag ni Gabby.

Why Are We Still Friends?  (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon