Chapter 24
[Mika's POV]
WE arrived at the hotel just in time. Nagpang-abot pa kami ng mga teammates ko at sina Gabby at Vanessa sa lobby ng hotel. Saglit na kuwentuhan muna bago pumasok sa function hall kung saan gaganapin ang debut ni Kim Dy.
"Ahh, Miks, weren't you wearing a red lipstick before you left the dorm?" nagtatakang puna ni Cienne habang matamang nakatitig sa mga labi ko.
Agad akong pinamulahan ng mukha lalo na't napatuon ang tingin nilang lahat sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I saw Gabby fixed his eyes on me, then slowly moved to Jeron. Saglit na kumunot ang noo niya ngunit hindi siya nagsalita.
Napatitig naman ako kay Jeron. Nanlaki ang mga mata ko nang may mapansin sa mga labi niya.
Shit!
Gabby must have seen the lipstick smudge on Jeron's lower lip. Bakit ba hindi ko 'yun napansin kanina?
I immediately took my phone out and sent Jeron a message. Ibinabalik ko na sa purse ko ang cellphone nang makita kong napapangiti si Jeron habang nakatingin sa cellphone niya. Then he winked at me and casually wiped his lips.
"Miks?" tawag-pansin ni Cienne sa akin.
Grrr! Cienne, napakadaldal mo!
"Ahh, a-ano, I w-wiped it. Oo, tama, I wiped it kasi sobrang pula," pagdadahilan ko.
I glared at Jeron when I saw him smirk.
"Bullies, magreretouch lang ako sa CR ha," sabi ko sa kanila. "Gab, I'll just meet you inside," sabi ko kay Gabby at dali-dali nang tinungo ang comfort room.
Napasandal ako sa pinto ng cubicle sa sobrang tensiyon. Nakakainis naman kasi si Cienne, pati pagkabura ng lipstick ko napansin pa.
I absent-mindedly touched my lips while remembering the way Jeron kissed me a while ago. Ilang beses na niya akong nahahalikan pero hindi pa rin nagbabago ang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwina. Every kiss feels the same. There's still that familiar fire and electricity like the first time we kissed. I maybe having a hard time trusting Jeron but I can't deny the fact that we have chemistry. And that's something I don't have with all the guys who tried to court me.
Natigil ako sa pagdedaydream nang may ibang taong pumasok sa CR. I composed myself and got out of the cubicle. Saglit lang akong nagretouch at lumabas na ng CR.
Nang makapasok ako sa function hall ay agad kong hinanap ang mga kasama ko. Nasa iisang table ang mga bullies kasama sina Thomas, Jeron, Vanessa at Gabby.
Agad akong ipinaghila ni Gabby ng upuan nang makalapit ako. Napansin kong parang matamlay siya.
"Are you sick, Gab?" nag-aalalang tanong ko. Dinama ko ang noo niya para tingnan kung mainit siya. Naisip ko kasi na baka may fever na naman siya. Nakita kong nakatitig sa kamay ko na nasa noo ni Gabby si Vanessa. Parang bahagya siyang sumimangot so I gave her a questioning look. Nag-iwas lang siya ng tingin at hindi sumagot.
Ano namang problema ng isang 'to? Bakit parang nagselos?
Gabby smiled and gently took my hand on his forehead. Pero hindi naman umabot sa mga mata niya ang ngiti niya. "Don't worry about me, Miks, I'll be fine."
Parang may iba pa siyang gustong ipahiwatig doon sa sinabi niya pero nagkibit-balikat na lang ako. Baka naman guni-guni ko lang iyon.
Nawala na sa isip ko ang pag-aanalisa kay Gabby nang magsimula na ang programme para sa birthday celebration ni Kim Dy. Nalibang na ako sa programme at sa pakikipagkulitan sa mga teammates ko.
BINABASA MO ANG
Why Are We Still Friends? (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)
FanfictionPlatonic Love is defined by Merriam-Webster as a close relationship between two persons in which sexual desire is non-existent or has been suppressed or sublimated. In this day and age, can two attractive, high-profile student athletes really stay '...