Epilogue
AFTER seven years...
[Jeron's POV]
"AYOKO na, Jeron! Ayoko naaaaa!" umiiyak na sabi ni Mika.
Kitang-kita ko ang sakit sa mukha niya. Naiiyak rin ako pero wala akong magawa. Nanatili lang ako na hawak ng mahigpit ang dalawang kamay niya.
"My queen, please... be strong, okay? I'm here, I won't leave you," pagkocomfort ko sa kaniya.
"I hate you, Teng! Ayoko na talaga, pramisss! Sobrang sakit na," daing ulit ni Mika habang panay ang agos ng mga luha.
I took my hanky and gently wiped the tears and sweat off her face.
"Konting tiis na lang, Misis. I can see the head coming," putol ng doktor sa pag-iyak ni Mika. "Take a deep breath and give me one final push, okay? Here we go... one... two... three!"
Isang malakas na sigaw mula kay Mika ang pumailanlang sa kuwarto bago iyon napalitan ng iyak ng baby.
I heaved a sigh of relief. I gave Mika a quick kiss bago ako nanlalambot na napaupo sa sahig. Nakasunod ang tingin ko sa nurse na inaasikaso ang panganay namin ni Mika.
Mixed emotions ako. Of course I'm happy to see the girl I've waited patiently for nine months. I'm so excited to hold her, hug her and kiss her. Pero sobrang naawa ako kay Mika. Grabe 'yung hirap at sakit na tiniis niya para sa aming prinsesa. Kung puwede nga lang sana na ako na lang ang pumalit sa kaniya para 'wag na siyang masaktan, ginawa ko na. Kaso hindi puwede eh. Hanggang support lang ang kaya kong ibigay. But above all these emotions, my heart swelled with happiness and pride. I'm so proud of my wife for getting through this. Ganu'n pala kahirap at kasakit manganak. I think I'm going to think twice before getting her pregnant again.
Tumayo ako at nilapitan si Mika. Nakatulog na siya sa sobrang pagod. Banayad kong hinaplos ang pisngi niya habang pinagsasawa ang mga mata ko sa pagtingin sa mukha niya.
Napakaganda talaga ng asawa ko!
Napangiti ako sa possessiveness ng tono ko. Kung maririnig iyon ni Mika ay siguradong sisimangot siya. Noon hanggang ngayon kasi ay seloso pa rin ako pagdating sa kaniya. Kung seloso ako noong magkaibigan pa lang kami, mas lalo na ngayong asawa ko na siya. It's not that I don't trust her or I don't feel secure of her love because I do. Basta, gusto ko ay akin lang ang buong attention niya.
Kaya nga hindi ko na siya pinagtrabaho pagkatapos naming ikasal two years ago eh. She doesn't have to work because I can provide for our needs. Bragging aside, I am one of the highest paid PBA players today. Plus I have so many endorsements left and right. I just feel so blessed because ever since Mika and I got together, blessings never stopped pouring in. We won three straight championships in college and I got the MVP honors for three straight years as well. And then when I moved to the pros, I got the Rookie of the Year award and I'm in the running for this year's MVP. Everything's been going really well for me. I have a great career and now this... a wonderful family.
Mika is my lucky charm, no doubt about it.
Nainterrupt ang pagmumuni-muni ko nang tawagin ako ng nurse. Puwede na raw maview sa Nursery ang baby.
I planted a soft kiss on Mika's forehead and hurried towards the door.
[Mika's POV]
NANDITO ngayon ang mga dati kong teammates sa suite ko sa hospital at dinadalaw ako. Bihira na kaming magkasama-sama lately pero kahit ilang taon na kaming graduate at may sari-sarili nang buhay ay nanatili ang closeness naming lahat.
BINABASA MO ANG
Why Are We Still Friends? (Jeron Teng-Mika Reyes Fan Fiction)
FanfictionPlatonic Love is defined by Merriam-Webster as a close relationship between two persons in which sexual desire is non-existent or has been suppressed or sublimated. In this day and age, can two attractive, high-profile student athletes really stay '...