Continue~~~~~~~~~~~~~~~'''~'
Chapter 17
Alex Pov's
nakakainis naman itong kasama ko ang bagal kumilos parang pagong.
"wait lang hintayin muna man ako ang bilis mu namang maglakad ea." habang sinasabayan nya ako sa paglakad.
"ang kupad mu kase ea." sabi ko.
nandito na ako ngayon sa office kasama yung mokong na ito , .
"uy mauuna na ako alamin mu nalang kung san ka pupunta mamaya baka kase hinihintay na ako ng mga barkada ko, ang bagal pa naman kumilos ng mga teachers dito.". sabi ko sa kanya at sabay labas ng office.
hindi ko na sya pinagsalitaan pa tsaka ako tumakbo. umakyat ako sa pangalawang palapag na building, 3rd floor kase ito ea at maraming mga classroom . napagod ako sa pag-akyat ng hagdan kaya pagpasok ko sa room namin si jerick at lito palang ang nadatnan ko.
"oh, pare ang aga muna yatang pumasok ngayon." pang-iinsulto ni lito sa akin.
"syempre may kasama na sya ngayon yung kapatid nya, alam mu naman si andrei napaka sipag at napaka bait." sabi ni jerick.
"wait guys nasan si niel." takang tanong ko sa kanila.
"hay naku pare alam mu naman yung si niel ea kagaya mung batugan kaya sigurado ako na tulog mantika pa yun katulad mu. haha" . sabay tawanan nilang dalawa.
"mga sira ulo kayo." sabay batok ko sa kanilang dalawa.marami-rami narin kami. tinignan ko yung relo ko 8am na sakto , pero wala parin kaming teacher. wait kamusta na kaya si andrei sigurado ako mahihilo at mapapagod sa kakaikot dito sa campus marami kaseng pasikot-sikot dito at nasa likod pa kami ng canteen .
dumating na yung teacher namin at pina-upo kaming lahat.
"ok class makinig kayong lahat may bago tayong transfer." sabi ng teacher namin na binabae.
pinapasok na sya at nagpakilala.
"Goodmorning ako nga pala si Andrei Cortes, 17 years old, sana marami akong makilala sa araw na ito at maging close tayong lahat." sabay upo nya sa tabi ko na bakante.
narinig ko naman yung mga kababaihan at mga kalalakihan na nagtitiliian kay andrei. Cute kase si andrei at masex Appeal lalo na yung mga ngiti nyang nakaka attract.
"busit ka talaga bakit mu ako iniwan kanina alam mung hndi ko kabisado yung mga buildings and room na pinupuntahan ko, para tuloy akong baliw na naghahanap." sabi nya sa akin na hindi nakatingin at nakatingin sa aming guro.
"baliw ka naman talaga ea." sabi ko sa kanya at biglang napatingin sa akin at sinipa yung paa ko.
"aray ! " pasigaw kong sabi.
"yes, alex may problema ba?" sabi ng teacher ko.
"ah, kase po si. . . ." hndi ko na natuloy ung sasabihin ko dahil dahil may biglang dumating.
"Goodmorning sir, sorry im late" sabay upo nya sa likod namin.
"uy, andrei nandito ka pala at magkaklase tayo." sabay ngiti nya ng napakatamis kay andrei.
hindi ko alam dito kay niel parang masaya sya kapag nakikita nya at kausap nya si andrei, kahapon lagi nyang tinatanong sa akin si andrei kung magaling na sya at kamusta na sya.

BINABASA MO ANG
My Bromance (boyxboy) (Soon To Be Published Under SKY Fiction)
RomanceSa kwento na ito merong mga SPG na aking maililikha o maisusulat dito sa aking gagawing kwento , maaaring iwanan nyo or huwag nyo na lamang basahin. Hindi ko kayo pipiliting basahin nyo ito. Ngayon palang sinasabi ko na para mas malinaw sa inyo kung...