My Bromance (boyxboy)

704 14 0
                                    


Continue~~~~~~~~~~~~~~


Chapter 14


"pareho talaga kayo ng mama mo walang ginawa kung di umasa sa kapatid ko." sabi nya sa akin habang pa tayo sya papunta sa kanyang kwarto.

bigla akong napaluha dahil pati si mama nadamay sa usapan namin, at pano nya nasabi na umaasa lang si mama kay tito robert ea pareho naman silang nagtratrabaho ni mama tsaka si tito robert ang nagpatira dito sa bahay nila ea, ang tutuusin ayaw ko dito at mas maganda pa dun sa probinsya namin nakakagala pa ako dun at maraming kaibigan. dito kase sa maynila maraming mga krimen na hndi maipaliwanag.

nakaupo parin ako sa sofa at tuloy-tuloy parin ako sa pag-iyak. bakit ako nalang ba ang laging inaasahan nila sa bahay nandyan naman si kuya alex ea, hays. . iba talaga kapag may favoritsm. .paborito nya si kuya alex dahil pareho sila ng ugali, hindi sa pang-iinsulto pero totoo ang sungit nilang pareho, ,

"uy anung drama yan." sabi ni kuya alex sa akin habang pababa ng hagdan.

hindi ko nalang siya pinansin. bigla siyang pumunta sa tabi ko tsaka binigyan ako ng panyo na poborito kong kulay , kulay blue.
"thankyou." maikli kong sagot.

ano kayang nakain nya bakit inabutan nya ako ng panyo.

"ano palang sinabi ni tita diana sayo ." sabi nya sa akin.

hindi ko nalang sya pinansin tsaka umakyat papunta sa taas. ayaw ko nang pag-usapan yung kanina, dahil lalo lang akong naiinis lalo na kapag dinadamay nila yung mga taong mahal ko na wala namang kinalaman sa usapan.
mabait ako pero sumusobra na ea , . hays.

kinuha ko yung picture frame sa lamesa. nakakamiss talaga si papa. namatay si papa nung 5 years old ako sa sakit na diabetes hindi nya kase pinaalam kay mama na malala na pala yung sakit nya dahil ayaw nyang mag-alala si mama. siguro kung buhay pa si papa ngayon masaya kami.
.
.
bumaba na ako para MAGLUTO
ng hapunan baka kase pagalitan nanaman ako.

5pm na ako natapos sa pagluluto nagluto ako ng chapsuy at kare-kareng baboy. inilapag ko na sa lamesa yung mga niluto ko at naglagay na ako ng mga plato para pag-gising ni tita diana at pagdating ni kuya alex luto na ang ulam. nagbasketball kase sila kuya alex kasama sina lito, jerick at niel , alam ko na na magbabasketball sila kaxe si jerick may hawak na bola .

umupo ako sa sala at nanuod ng Tv , nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa taas sa kabilang kwarto at sigurado ako si tita diana na un.

"nagluto ka na nyan bago ka nagbabad dyan sa Tv." habang pababa ng hagdan.

grabe naman may tubig ba yung Tv para magbabad. joke yun tawa kayo..haha.

"opo, tapos na ako magluto." sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya.

sumulyap ako ng saglit at nakita kong kumakain na si tita diana. grabe hindi man lang nagyaya. sa bagay kapag selfish talaga yung isang tao walang napapansin kung hindi ang kanilang mga sarili.

narinig ko ang pagbukas ng gate namin at tinignan ko kung sino yun, pagtingin ko isang lalaking pawisan at tumutulo ang butil ng pawis sa kanyang katawan , kumikintab ito dahil sa isang poste na may ilaw. pero isa lang ang nagbigay ng attensyon sa akin yun yung malapandesal nyang abs.
may 6pack abs pala si kuya alex ngayon ko lang napansin. ou nakita ko na yung maselang bahagi ng katawan nya nung lumabas sya ng banyo na hubot-hubad. pero hindi ko sadya yun ah, kasalanan nya bigla syang lumabas na walang suot na damit.

hay naku ang manyak ko talaga pati soon to brother ko pinagnanasahan ko.

"uy, kanina pa kita tinatanong kung kumain kana." sabi nya sa akin habang nakatayo sya sa harapan ko.

My Bromance (boyxboy)  (Soon To Be Published Under SKY Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon