MB 2 CHAPTER 46 THE FINALE!

195 3 3
                                    

HETO NA MGA KA READERS. ANG PAGTATAPOS NG KWENTO NA ITO.

SANA MAGUSTUHAN NYO.

HUWAG NYO PO AKONG AAWAYIN DAHIL SA END NA ITO.

SO LETS START!















ANDREI



Maaga akong nagising para puntahan ang isang taong importante sa buhay ko.

Ngayon kase ang 25th birthday nya.
Ang bilis ng panahon nu?

"Kuya andrei. Look. Bagay ba sa akin itong damit?" Sabi ni angel at nagpose pa.

Ang cute nya sa damit nya. Kasalukuyang grade 1 student na si angel at ako ang nagpapaaral sa kanya.

Dahil sa coffee shop nakapagpatayo din ako ng sariling Shop na isang fashion designer.

Sa ibat ibang lugar. Maraming mga celebrities ang mga nasukatan at nag oorder nang mga gowns at iba pa.

"Ang cute mo." Sabi ko kay angel at inayos ang buhok nya.

"Ready kana?" Sabi ko at tumango naman ito.












Nagpaalam ako kina mama at tito bago umalis.

Napadaan na sila dun kaya kami naman ang pupunta ni angel.

Papunta na ako aking mahal.

Sabi ko at lumabas at sumakay sa kotse ko na ford.
















Habang naglalakad ako. Parang yung puso ko nahihirapan huminga.

Ang hirap pero nagpapasalamat ako sa kanya kase sya ang nagbigay ng pangalawang buhay sa akin.


Pagdating ko sa harap nya inilagay ko ang isang boquet na bulaklak at sinindi ang kandila.

"Happy birthday mahal, salamat. Salamat kase ikaw ang nagbigay ng pangalawang buhay sa akin. Kung alam ko lang na ibibigay mo ang puso mo sa akin hindi ko tatanggapin yun. Pero-" sabi ko at pinunasan ang aking luha.

"Pero, kahit na ganun alam kong binabantayan mo kami at ako. Ito." Sabay turo ko sa puso ko.

"Itong puso mo ay puso ko nadin. Tignan mo kahit nasa kabilang buhay kana nandito parin ang mga alalang hindi ko malilimutan. Salamat mahal. Salamat sa pusong ibinigay mo sa akin. Aalagaan ko ito katulad ng pag aalaga mo sa akin." Sabi ko at hunawakan ang isang frame na nakangiti sya dun.

"Kuya andrei baka mamaya magsalita si kuya nyan." Sabi ni angel at pinapagpagan ang larawan ni alex.


Nung una ay diko matanggap ang nangyari pero wala e. Nagdesisyon sya para lang mabuhay ako.





FLASH BACKKKK******




nagising ako dahil sa pag uusap ni mama at ni tito robert.

"Ma, may probleme po ba." Sabi ko at naramdaman ko ang kirot sa aking puso.

Nakita ko si tito na umiwas ang tingin sa akin at nagpunas ng luha.

"Andrei." Sabi ni mama at niyakap ako sabay iyak nito.

"Salamat at nagising kana. Salamat sa kuya mo." Sabi ni mama.

"Salamat kay kuya?" Sabi ko at kumalas na sa pagyakap si mama.

"Anak oh." Sabi ni mama at iniabot ang isang papel na nakatuklip sa tatlo.

Iniabot ko iyon at tumingin kay mama at tito robert.

Pagbukas ko sa sulat....

Andrei aking mahal..
Alam ko magagalit ka kase nagdesisiyon akong mag isa.

Hindi ka kase magising gising kaya ako nalang ang nagdesisyon.

Ingatan mo ang pusong ibinigay ko sayo.

Kailangan mo yan kase kailangan mong mabuhay at nararapat na ikaw ang humawak ng puso ko.

Biglang bumuhos ang luha ko nang hindi ko namamalayan.

Salamat sayo andrei.
Kase ikaw ang nagpabago sa magulo kong mundo

Naalala mo ba nung una kitang nakita sa kwarto ko.

Na love at first sight na ako sayo nun.
Kunwaring galit ako pero ang totoo may gusto na ako sayo nunu una palang.

Ikaw kase ngiti ka ng ngiti sa akin kaya naaasar ako sayo.

Pero andrei.. sana ingatan mo ang pusong binigay ko sayo. Hindi mo man ako kasama atleast kasama mo naman ako dyan. Dyan sa puso mo.

Pagnasaktan ka, masasaktan din ako kase puso na nating dalawa yan.

Alagaan mo si angel ,tita at papa.

Mahal na mahal kita aking andrei.

Nagmamahal...
Alex ng buhay mo.







Dun bumuhos ang mga luha ko.
Ang sakit . Ang sakit pero kailangan kong tanggapin iyon.

Napahawak ako sa aking dibdib at mabilis itong tumitibok.

Nagpapaalala sa akin na huwag akong umiyak dahil nasasaktan din sya.

Niyakap ko ang sulat at pinikit ang aking mga mata upang balikab ang mga nakaraan naming dalawa.










END OF THE FLASHBACK*******




"Kuya? Pangako ko sa inyo na aalagaan ko si kuya andrei tulad ng sabi mo sa akin." Sabi ni angel habang nakaupo sya.

Biglang tumingin si angel sa akin at niyakap ako.

Ang sarap sa pakiramdam na may kapatid.

"Tara na" sabi ko kay angel at tumayo ito.

"Happy birthday muli mahal kong alex." Sabi ko at hinalikan ang isang litrato at hinawakan ko ang aking dib dib na ang bilis tumibok nito.



Napatingin ako sa kalangitan at asul na asul ang kulay nito.

Sigurado akong binabantayan ako at kami ni alex ngayon.

Kaya aalagaan ko ang pusong ibinigay nya sa akin.









THE END ♥♥♥♥♥

My Bromance (boyxboy)  (Soon To Be Published Under SKY Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon