ANDREI
Nagising ako sa silaw ng araw na tumagos sa kurtina ng bintana.
Kinusot ko ang aking mga mata at tumingin sa aking kanan. Pero walang rence akong nakita.
Siguro nasa baba na sya at naghanda na ng almusal.
Pagtingin ko sa orasan na nakasabit sa may pader alas nuebe na ng umaga.
Pagpunta ko sa may sala
"Goodmorning." Bati sa akin ni rence dahil papikit pikit pa ako ay bigla ko na syang naaninag.
"Danilo?" Napahinto ako sa paglalakad.
"Oh? Kamusta di mo man lang ba ako babatiin pabalik?" Sabi nya ng nakangiti.
Masaya? Oo kase nandito na sya.
Maiinis? Oo kase nagtago sya sa akin ng sikreto.
"Ba..bakit hindi ka nag pasundo sa akin?" Utal kong sabi sa kanya at ngumiti ng pilit pero diko pinakita sa kanya yun.
"Tinawagan ko si rence sabi nya tulog ka pa daw kaya di na kita inistorbo kase alam kong pagod ka." Sabi nya at lumapit sa akin sabay yakap.
"Na miss kita." Sabi nya at hinalikan ang aking tenga.
"Danilo ano ba." Sabi ko at tinulak sya palayo.
"Bakit?" Sabi nya at lumapit ulit sya sabay halik sa akin.
Ngayon sa labi ko naman sya humalik.
"Ano...ano..umm" sabi ko habang pilit nya akong halikan.
Lakas pwersa ko syang tinulak kaya napa upo sya sa sahig.
Iba na sya. Ibang danilo na ang nakilala ko.
"Anong nangyayari sayo?" Sabi ko at unti unting namumuo ang luga sa aking mga mata.
"Wow." Sabi nya at tumayo lumapit sa akin. "Namiss lang kita. Bakit ganyan kana ngayon." Sabi nya.
"Sobra kana kase." Sabi ko at nag walk out sa harap nya
Pero hinila nya yung kamay ko papunta sa kwarto.
"Ano ba nasasaktan ako danilo." Pagpupumiglas ko sa kamay nya pero ang lakas nya.
"Wala akong pake! Pagmamay ari na kita kaya lahat ng gusto kong gawin sayo gagawin ko." Sabi nya na ikinaluha ko.
Ano ako laruan nya? Kung kailan nya gustong gamitin gagamitin nya ganun.
"DANILO SABI KONG BITAWAN MO AKO NASASAKTAN AKO ANO BA!" Sa puntong ito napasigaw na ako.
Nabigla ako ng itulak nya ako sa kama at bigla nyan nilock ang pinto.
"Mas masasaktan ka kung hindi ka susunod." Sabi nya at ngumiti na parang demonyo.
"Danilo please. Ano bang." Sabay tulo ng luha ko." Ano bang nangyayari sayo." Sabi ko at pinunasan ang aking luha.
"Wala. Namiss lang kita." Sabi nya at ngumiti.
Hindi ko alam dito kay danilo pero parang iba na sya ngayon.
Pumunta lang sya ng thailand kahapon tapos nagkaganito na sya.
Ang bilis naman nyang mamiss ako.
May namimiss bang pipilitin ka?
"Masakit yung ulo ko kaya nga nagmadali kang umuwi diba? Dahil.. dahil nalaman mo na nasa hospital ako." Sabi ko at umupo na sa kama.
BINABASA MO ANG
My Bromance (boyxboy) (Soon To Be Published Under SKY Fiction)
RomanceSa kwento na ito merong mga SPG na aking maililikha o maisusulat dito sa aking gagawing kwento , maaaring iwanan nyo or huwag nyo na lamang basahin. Hindi ko kayo pipiliting basahin nyo ito. Ngayon palang sinasabi ko na para mas malinaw sa inyo kung...