ANDRIE POV'S
Oh my gosh!!!!
Siya nga, siya yung lalaking nasa panaginip ko nung isang gabi.Naalala ko ang mga ibang detalye nang halikan nya ako.
Ting*
Nagulat ako nang biglang nagbukas ang pinto ng elevator nakita ko ang lalaking magkasalubong ang kanyang kilay.
"Where have you been!" Matigas nyang sabi.
"Dyan, sa may...park nagpahangin." Utal kong sabi.
Ngayon ko lang nakita na ganito sa akin si danilo.
"Are you sure?" Sabi nya at lumapit sa akin.
Unti unti akong napaantras at hinawakan nya ang kaliwa kong braso.
"Aray danilo nasasaktan ako." Sabi ko pero nanlilisik parin ang mata nya sa galit.
"Halika." Sabi nya at hinila nya ako habang nakahawak parin sya sa braso ko.
Ano bang nangyayari sa kanya.
"Danilo ano ba!" Sabi ko habang nasa loob na kami ng kwarto.
"Ano bang nangyayari sayo." Sabay upo sa kama. "Sinasaktan mo na ako." Sabi ko at lumuha akong bigla.
"Sinong may sabi na umalis ka nang walang paalam! At sino yung lalaking kasama mo kanina!." Sabi nya habang lakad lakad sa harap ko.
Ha? Pano nya nalaman?
"Ha.. anong...anong pinagsasabi mo danilo." Utal kong sabi at napatigil siya sabay smirk.
"Huh, Andrei, andrei." Sabay lakad nya sa may pinto at binuksan nya ito.
Nakita ko ang lalaking nakatayo na napaka inosente ng mukha may itsura at magkasing tangkad lang sila ni danilo.
"Andrei, nagtataka ka siguro kung sini ang lalaking ito." Sabay turo nya sa lalaki at pinapasok nya ito.
"Rence, introduce your name to my future husband andrei." Sabi nya at ngumiti ito.
"Hi sir Andei. Im Lourence Sebastian 28 years old, And im your personal body guard." Sabay ngiti nya.
"Dan.. danilo ano to"? Sabi ko at naguguluhan.
Bakit kumuha pa siya ng body guard? Para bantayan ako?
"Babe, hindi ako tanga! Pinag isipan ko na ito bago tayo bumalik dito sa pilipinas." Sabay lapit nya sa akin at pumunta sa likuran ko. "Ginawa ko ito para sa ating dalawa, remember next week na ang kasal natin at sa thailand tayo magpapakasal." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.
"Ha? Pero.. diba next month pa." Sabi ko.
"Babe, hindi ka pa ba excited?" Sabi nya " oh baka naman ayaw mo pa dahil may lalaki ka na nandun sa may coffee shop." Sabi nya at humarap sa akin na magkasalubong ang kilay.
Pano nya nalaman?
Oh no! Bigla akong napatingin sa lalaking rence na ang pangalan.
Siya, siya yung lalaki na Personal Body guard ko daw'
So, kanina pa pala siya nakasunod sa akin pero hindi ko siya nakita.
"Well babe, mula sa araw na ito." Sabay lapit nya kay lourence. "Siya na ang makakasama mo dahil aalis ako bukas para sa pag asikaso sa kasal natin sa thailand. Maiiwan ka dito dahil 1 week ako sa thailand para na din sa bahay na pinapagawa ko dun para sa atin, and i want to suprise you pag pumunta na tayong dalawa sa thailand." Sabi nya at tinapik nya si lourence.
"Sige sir ako na po ang bahala sa kanya." Sabi ni rence at ngumiti.
"Naiibang kana ba danilo? Bakit kailangan mo pa akong ipabantay?" Sabi ko at tumayo sabay punta sa may mirror.
BINABASA MO ANG
My Bromance (boyxboy) (Soon To Be Published Under SKY Fiction)
RomanceSa kwento na ito merong mga SPG na aking maililikha o maisusulat dito sa aking gagawing kwento , maaaring iwanan nyo or huwag nyo na lamang basahin. Hindi ko kayo pipiliting basahin nyo ito. Ngayon palang sinasabi ko na para mas malinaw sa inyo kung...