Chapter thirteen

38.8K 975 5
                                    

Sa kwarto ng daddy nila natulog si Roy at sa akin naman si Royce. Kinabukasan pagkatapos namin mag almusal na apat ay nagyaya si Jefferson na itour kami sa buong resort at diretso na din daw kami sa pag eenjoy sa beach. Umakyat lang kami sa penthouse para magpalit ng swim suit. Mabuti nalang at niready ko lahat ng kakailanganin namin ng mga bata.

Nakaputing two piece ako na pinatungan ko ng black see through maxi dress na hanggang tuhod. I'm a mother of two but I never let it effect my physical attributes. With the work I have, physical appearance is required. Kaya carry ko ang magsuot ng kahit na anong alam kong nababagay sa akin.

Si Royce ay ang bathing suit nitong dark blue na may nakasulat na Speedo sa bandang dibdib nito ang napiling suotin,. Si Roy ay hindi ko alam kung ano ang susuotin nito dahil sa kwarto ng ama ito magpapalit. Kinuha lang nito ang swimming bag nito kung saan nakalagay ang mga gamit nito sa pagsiswimming.

Pinapahiran ko ng sun cream ang katawan ng baby ko ng may kumatok sa kwarto namin. Bumukas iyon,lumitaw ang mukha ni Roy na nakangiti.

"Nanay,ready na kami ni daddy,wait nya tayo sa lobby may kakausapin daw siya sa phone"

"Okay! Come here Roy! Lalagyan kita ng sun cream,mainit sa labas,baka magka sunburn ka"

Nang malagyan ko na sila pareho ng sun cream ay dumiretso na kami sa lobby. Nadatnan namin ito na nakaupo sa sofa hawak ang phone nitong nakatapat pa sa tenga nito. Ngumiti ito sa amin ng mapansin ang presensya naming mag iina na nakatingin sa kanya. Iminuwestra niya kaming maupo sa kinaroroonan nito. Tahimik ang mga bata na nagsiupo,si Royce sa tabi ko at si Roy naman sa tabi ng ama nito na katapat ko lang. Humilig si Roy sa katawan ng ama at pinulupot naman nito ang malayang braso sa maliit na katawan ng anak.

"Well,I gotta go...yes yes yes....do that immediately...okay thank you man"

Masaya itong bumaling sa mga anak nito ng maitago na ang phone nito sa bulsa ng suot nitong walking shorts na katulad ang kulay ng kay Roy although magkaiba ng brand dahil Billabong ang sa kanya at Speedo naman ang kay Roy. Pareho din silang naka white shirt

"Let's go?" Aya nito.

Inakay nito si Roy ng hindi sumama dito si Royce. Nahabag tuloy ako sa ginawa ng anak nito sa kanya.

Nakausap ko na si Royce tungkol sa pakikitungo nito sa ama,sinabi lang nito na hindi pa siya ready pero itatry daw niya.

Palabas kami sa lobby ay nadadaanan namin ang mga empleyado na bumabati sa amin. Magiliw naman itong binabati din ni Roy ng nakangiti. Nakikita ko sa mga mata ni Jefferson kung gaano ito natutuwa sa pakikitungo ng anak sa mga tao.

Sa labas ay may nakaparadang golf cart,huminto doon ang mag ama at bumaling sa amin ni Royce na pababa pa lang ng hagdanan. Pang apat ang upuan nito,sa likod ay nakalagay ang isang cooler bag,towels at isa pang bag na hindi ko alam kung ano ang laman. Napataas ang kilay ko ng mapagtanto ko na pinaghandaan nito ang paglabas namin ngayong araw.

Iginaya kami nito pasakay ni Royce sa likod at tinulungan din nito si Roy na nakaupo na sa tabi nito.

"Ready?" Tanong nito bago pinaandar ang golf cart.

"Yes daddy" masayang sagot ni Roy.

"Yes" simpleng sagot ni Royce sa ama.

Tumango ako kay Jefferson ng magtama ang aming paningin,na sinuklian nito ng ngiti.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko rito.

Hindi ko na matandaan ang daan na tinatahak namin. Lahat ay nagbago,halos wala na akong makita na mapagkakakilanlan sa resort na dating pinupuntahan namin dito.

My only treasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon