Chapter twenty

36K 831 10
                                    

Pinagbukas ako nito ng pinto upang makalabas ng sasakyan,inalalayan din ako nito. Inilock nito ang sasakyan at sinabayan akong lumakad papasok sa elevator na nasa basement.

"Jefferson,you don't have to do this"

Hinawakan nito ang kamay ko na parang bata. Hindi nito pinansin ang sinabi ko. Napabuntong hininga nalang ako.

"Hindi ako mawawala dito,huwag kang OA dyan" pilit kong inaalis ang hawak nito sa kamay ko pero mas hinihigpitan pa nito ang hawak.

"Nag iingat lang,mahirap na" napapailing nalang ako.

Simula kaninang umaga ng mag usap kami ay para na naman itong bumalik sa dating Jeff na una kong nakilala. He became more possessive,napaka attentive nito sa bawat galaw ko.

Si Manang Dolor mukhang masaya sa mga nakikitang kinikilos ng alaga. Ang mga anak naman namin parang okay lang,parang hindi estranghero sa presensya ng ama.

"I'll pick you up this afternoon,baka isama ko ang mga bata,I promise to spend the whole day with them"

"Okay,basta ingatan mo ang mga bata,pag may nangyaring masama sa kanila,hinding hindi kita mapapatawad Jefferson,sinasabi ko na sayo"

"Promise honey,takot ko lang sayo" inirapan ko ito.

Mabuti nalang at nagbukas na ang elevator. Lumabas ako doon kasunod ito hawak ang aking kamay. Pumasok kami sa opisina ko,binitawan lang nito ang kamay ko upang ipaghila ako ng upuan ko. Napapailing na lang ako,oh god give more patience to handle this man.

"What are you doing?" Sita ko rito ng maupo rin ito sa tapat ng mesa ko.

"Sitting?" Inosenteng sabi nito.

Napapalatak na isinubsob ko sa ulo ko sa mesa na nasa harap ko. Nagbilang ako ng tatlo at muling hinarap ito.

"Ilalabas mo ang mga anak mo hindi ba? Bakit hindi ka pa umalis?" Inirapan ako nito.

"Bakit? May lalaki ka bang hinihintay at hindi ka magkandatuto sa pagpapaalis sa akin dito?"

I knew it,hindi pa rin ito kontento sa mga pinaggagawa nito sa akin. Worst will come soon this is just the beginning,this is hopeless.

"Ewan ko sayo sira na ang pag iisip mo"

Hindi ko na ito pinansin,inilabas ko ang mga papaless na kailangan kong pag aralan at permahan.

Natigil ako sa ginagawa ko ng may kausapin ito sa cellphone nito. Napaawang ang mga labi ko sa mga naririnig kong sinasabi nito.

"Ivan,take my kids here,...yes,,and yeah...that's good....I can take it from here....no you have to stay here to guard my wife...like the usual...don't let her out of you sight....okay I'll see you later?"

Bagsak ang aking panga sa mga narinig mula dito. Nakairap itong bumaling sa akin.

"My security team will be here,from now on you will have bodyguards wherever you go without me,don't you dare escape from them or you will regret it,you will not going to see our kids and I will take you away from everything until you learned your lessons"

"You are a crazy possesive creature I've ever met" hindi makapaniwalang sabi ko dito na hindi nito pinansin.

"You want peace? I want it too,and this is makes me peaceful"

Wala na akong sinabi! Pinabayaan ko na ito sa gusto nitong gawin. Nakaupo lang ito sa bangko at panay ang kalikot sa kanyang cellphone habang ako naman ay gumagawa ng report for the end of the month records.
Hindi ko alam kung paano kami tumagal na ganon,walang imikan at walang kibuan. Pero kampante ako kahit ganon lang ang aming sitwasyon. Nabulabog lang ang aming katahimikan ng magsidatingan ang mga anak namin. Humahangos na tumaktakbo papasok ng opisina ko ang mga ito.

My only treasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon